Buo na ang loob ni Licca na sumang-ayon sa kasunduan nila ng dalawang binata. Pumayag na itong siya ang magiging gatimplaa kung sino man ang manalo sa dalawa. Napagkasunduan na mananatili siya sa mananalo hanggang hindi pa naibabalik ni Ms. Stacey ang perang nakuha. "Matutuloy ang kasal mo Sophie. Huwag kang mag - alala," bulong ng isip ni Licca habang pumipirma ito sa kasulatan. Pagkatapos nilang pumirma ay kinuha na ng mga katiwala ang mga kasulatan na pinirmahan. Huminga ng malalim si Licca at inilapag ang ballpen sa mesa. "Hindi pa tayo tapos Miss Licca," paalala ni Ace. Napalingon si Licca sa binata. "Hm?" "Ngayon naman ay pipili ka na sa amin! Sino ba sa amin ang pipiliin mo?" dagdag ni Ace. "Ako o si King?" Tumayo si Licca at determinado ito sa isasagot. Direkta siyang nag

