Nagising si Sophie na bakas ang paghihinayang at kalungkutan na nakahiga pa rin sa kama. Magdamag itong naghintay kay Jack na bumalik pero ni anino ng binata ay di nagpakita. Mag - isa siyang natulog sa malapad nitong kama. Malamig pa sa yelo ang gabi niya at ramdam ang pag - iisa. "Bakit hindi siya bumalik?" tanong ni Sophie sa sarili na sumunod naman ang pagbuntong - hininga niya. Hindi niya maintindihan kung talagang gentleman lang si Jack o ayaw ng binata sa kanya. Bumangon sya sa kama at napaupo. Sa pangalawang pagkakataon ay napabuntong - hininga ulit siya. "Sigh!" Ilang minuto din na nakatulala ang dalaga. "Hero..." sambit ni Sophie sa pangalan ng kanyang kasintahan. Tumunog ang cellphone ni Jack na naiwan pala sa mesa. Umagaw ito ng pansin kay Sophie at pumukaw sa kanya

