Seryosong nag - uusap sina King at Mr. Franco sa isa sa mga silid. May nakalap na inpormasyon ang tagapagsiyasat ni King tungkol sa di pagsipot ni Ms. Stacey sa kasunduan. "Bakit siya na-ospital?" usisa ni King na nakakunot noo. "Ano ba ang nangyari?" "Inaalam pa po boss." "Kailangan ko ng sagot sa lalong madaling panahon!" "Opo boss!" "Aasahan ko yan." Aalis na sana si King sa silid nang may dinagdag pang impormasyon si Mr. Franco sa boss niya. "Boss!" tawag ni Mr. Franco. Napahinto ang paghakbang ni King at lumingon sa binata. Hindi pa rin maalis ang kunot noong ekspresyon nito. "Ano iyon?" "Nakita po si Ms. Stacey malapit sa mansyon ni Ace." "What?" ------- Nasa hardin si King at nagkakape. Nakaupo siya sa harap ng mesang may pagkain nila. Tila malalim ang iniisip ng bin

