"Anong ginagawa mo rito?" pagtataka ni King nang makita si Madonna. Pakembot kembot na naglalakad si Madonna palapit kay King. Maalindog din ang katawan ng dalaga na nakakaakit sa mata ng mga kalalakihan. Pero ibang tingin ang binigay ni King sa dalaga. Halatang hindi niya gustong makita ang dalaga. "Nagulat ka ba?" mapang - akit na tanong ni Madonna. "Naligaw ka yata." Tumigil sa paghakbang si Madonna nang nakaharap na niya si King ng malapitan. Napakaseryoso pa rin ang tingin ni King. "Ilang ulit akong tumawag sa iyo pero hindi mo man lang ako sinagot." "Bakit naman kita sasagutin?" direktang sagot ni King. Nagpipigil sa inis si Madonna sa mga sinabi ng binata. Napapakuyom ang kanyang mga palad sa may hita niya. "Talagang ayaw mong sagutin ang tawag ko?" "Ano bang kailangan mo?

