Inanyayahan ni Ace si Jack na pumunta sa kanyang mansyon. Pinakitunguhan ng maayos ni Ace ang binata mula pa sa pagpasok nito sa bahay hanggang naglakad sila sa pasilyo. Hindi naman sumagot si Jack. Tahimik lamang ito at nakikinig lang sa binata. "Tinuring ko naman kayo na mga kaibigan kaya gusto kong bumawi," dagdag ni Ace. Dinala ni Ace si Jack sa isang silid. Inalok niya ang binata ng maiinom o pagkain pero tumanggi si Jack. Pinaupo niya si Jack sa isang couch. "Bakit mo ba talaga ako pinapunta rito?" usisa ni Jack na kakaupo palang sa couch. "Hindi ba sinabi ko na babawi ako." sagot ni Ace. "Gusto kong maging masaya ka rin." "Kung may binabalak ka man Ace lalo na kay King, huwag ako. Hindi kami close ni King at wala kang makukuhang impormasyo o kahit ano na may kinalaman kay Ki

