Savienna Lacsamana (Flashback) Napatingin ako sa hamba ng pintuan ng makita ko si Mommy na hiningal at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay na binili niya para saamin. Simula nung lumaki ako dito ay ipinaliwanag na lahat ni Mommy saakin kung bakit hindi ako sa magandang bahay nakatira. Dahil ayaw ni Daddy saakin at mas gusto niya ang kambal ko...galit na galit ako kay Daddy. Hindi ko makuha kung bakit niya ako pinagtabuyan para lang mailigtas ang kapatid ko. "Savienna! Come here. Listen to me." Dahil sa murang edad ko at wala pa akong kamuwang muwang ay sumunod ako at lumapit kay Mommy. Isang malutong na sampal ang natanggap ko mula sa mabibigat na kamay ni Mommy. But I didn't cry, hindi ako nagpakita na mahina ako. I'm used to this, ito ang lagi niyang salubong saakin kapag pumupunt

