Early in the morning ay nasa gymnasium kami ni Saint for my training. Pagod na pagod na ako kasi kanina pa ako tinuturuan ni Saint matuto kung paano makipaglaban in just hand combat. Napahiga nalang ako sa sahig ng gym at hinihingal na napatingin sa taas. Habol habol ko ang hininga ko ng biglang may naglagay ng malamig na water bottle sa gilid ng ulo ko. "Drink up, baby. Huwag kang humiga agad." Sinunod ko ang sinabi nya at agad napaupo at uminom ng tubig. Hinihingal parin ako at tagaktak ang pawis ko. Nakakapagod mag training ng hand combat, napaka daming kailangan gawin. Maraming techniques na dapat tandaan, at ang mga bagay na dapat kong iwasan. Naramdaman ko ang paglapat ni Saint ng bimpo sa mukha ko, I looked at him at kita kong seryoso siya sa pagpupunas ng pawis ko. He is treati

