Tapos na akong maghanda para sa lakad namin ni Saint ngayon. Napatingin ako sa full body mirror na nasa harapan ko at tiningnan ang sarili ko. I am wearing a simple off shoulder peach dress, at naka sandals rin ako na kulay peach rin. I smiled as soon as I get satisfied with my look, at lumabas na sa kwarto ko. Nakita ko naman si Saint na may kausap nanaman sa cellphone niya, he is wearing a simple white long sleeves and black pants. Hindi ko mapigilan humanga sa mukha suot ni Saint para siyang korean actor! Lmao. Nang mapatingin siya saakin ay nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mata niya. His red eye is gone! His eyes are both brown now! Binaba niya ang tawag at ngumiti saakin. Parang nabasa niya ang mukha ko kaya napatawa at nagsalita. "I wore contact lenses that matched my eye col

