Lunch came at hindi pa ako nakakalabas sa classroom ko ay rinig na rinig ko na ang bulungan ng lahat. Hindi ko alam kung maiirita ba ako o kakabahan dahil sa mga bulungan nila. 'Omg. Andito si Rozen Alcantara.' 'Bakit nasa Law Department siya?' 'Para siguro sunduin si Allison, sabi ni Allison sa instaface niya sila na daw.' Pasimple akong tumingin sa labas at nakita ko si Saint na nag-aabang. Oh my god, seryoso kaya siya sa text message niya kanina? Baka naman siguro hindi, Saint wouldn't hurt Psalm. Right? "Sabrina, I'll go now. Eat your lunch okay?" Nakangiting tanong ni Psalm saakin, ngumiti ako sakanya at tumango. "Ikaw rin, huwag ka masyadong magpapuyat." He just winked at me and smiled. "Got that." Sabi niya at lumabas na ng classroom nakita ko pa kung pano katalim ang titig n

