Kinabukasan ay parang wala lang nangyari para kay Savienna, she acts like wala naman siyang ginawang kahit anong masama kahapon, which really annoys me. Ilang araw palang siyang nanunuluyan sa mansyon ni Saint pero kung maka-asta siya parang siya na ang reyna sa mansyon na 'to. Saint let her use my room, labag naman kay Ate Mary na sa iisang kwarto kami ni Saint kasi kahit ano pa daw ang sabihin ni Saint ay lalake parin siya at babae ako. Kaya sa ngayon ay ako nalang mag isang natutulog sa kwarto ni Saint dahil sa office niya siya natutulog. "Savienna if anythinf happens here again hindi ako magdadalawang isip na paalisin ka rito." Madiin kong sabi, Savienna just shrugged at me at nilaro-laro ang dulo ng buhok niya. Nakita ko ang pag-angat ng tingin ni Ate Mary saakin. She smiled at me

