Chapter 15: Birthday Kiss
Written By: BlackRavenInk16
Akmang hihilahin sana ng magkambal si Jenny at paaamuyin ng kung ano para mawalan ito ng malay pero napaharap ito sa kanilang dalawa bigla.
"Michael, Miguel? Ano'ng ginagawa n'yo? Sinusundan n'yo ba ako?" mapaghinalang tanong nito.
"Ano? Hindi, 'no! Bakit ka naman namin susundan?" kaila niya.
"Kung ganoon, bakit nandito kayo? At mukhang may plano pa kayong gawin kanina, ah?" nakataas ang kilay na tanong nito.
"Wala! Nandito kami dahil kami ang may-ari ng mall na ito! Nakita ka lang namin bigla kasi galing ka sa loob. Babatiin ka lang sana namin kaya kami lumapit pero maniwala ka, hindi ka namin ini-i-stalk!"
Ang kapatid niyang inosente na si Miguel ay lalo lang silang nilaglag. Nagbigay pa ng clue na nag-i-i-stalk sila.
"Uuwi ka na ba? Gusto mo, ihatid ka na lang namin?" presinta niya na iniba ang usapan.
"Hindi na. Mag-ko-commute na lang ako," pagtanggi nito.
"Pero rush hour na, e," sabi naman ni Miguel.
"Tama! Mahirap nang sumakay ngayon! Please, hatid ka na lang namin. Huwag mo naman kaming tanggihan, Jenny. Hindi mo ba kami na-mi-miss?"
"Oo nga! Dahil kami, miss na miss ka na namin! Sobra, Jenny! Huwag mo naman kaming iwasan at itaboy!" sabi ni Miguel.
Bumuntong-hininga na lang si Jenny.
"Miss ko na rin naman kayo, e. Kung alam n'yo lang. Kaso ayaw ni Papa na makipag-friends ako sa mga lalaki at sobrang galit na galit siya no'ng nakita niya tayong magkakasama. Hindi ko kayang suwayin ang papa ko kaya sorry kung iniiwasan ko man kayo," nahihiyang sabi nito.
"Ang unfair mo naman, Jenny! Naging mabait naman kami sa 'yo, ah? Purke't ayaw ng papa mo sa amin, bigla mo na lang kaming itatapon na parang basura?" Mangiyak-ngiyak na si Miguel. Parang pinipigilan lang nito ang luha nito.
"Sorry talaga, Miguel, Michael. Iba na lang ang gawin n'yong friends. Ayokong magkasira kami ni Papa dahil sa friendship natin."
"Gusto ka lang naman naming makasama kahit ngayon lang, birthday pa naman namin!"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Miguel. Kailan pa naging June ang birthday nila? September pa ang birthday nila!
"Talaga ba? Birthday n'yo?" Bigla na itong nag-angat ng tingin sa kanilang dalawa.
"Oo, birthday namin! Ang unfair mo nga kasi sinamahan ka namin no'ng birthday mo pero kami, ayaw mo man lang kaming samahan kahit na saglit lang." Nagsinungaling na lang din siya.
"Sorry talaga. Gusto ko rin naman kayong kasama kaso mapapansin ni Papa kung matagal ako bago umuwi. At mas lalo siyang makakahalata kung busog na ako pagdating doon sa bahay. Kung alam n'yo lang kung gaano nakakatakot ang papa ko kapag galit siya."
"Unfair pa rin! Puro ka papa mo, wala ka nang pakialam sa amin, Jenny! Itinuring mo ba talaga kaming kaibigan mo, ha?" sumbat pa rin ni Miguel.
"Sige, ganito na lang. Marami akong pera ngayon, ibibili ko na lang kayo ng gift tapos alis na ako agad. Tell me, ano ba ang gusto n'yo?" tanong nito na nakangiti na.
Nagkatinginan silang magkapatid. Saka ngumisi.
"E, paano kung sabihin namin na gusto namin ng kiss bilang regalo?" pagbibirong sabi niya.
Bigla siyang hinampas ni Miguel para sawayin siya. Bigla siyang natauhan dahil ang bastos ng hiling niya kaya baka magalit si Jenny kaya nanahimik ito saglit.
Pero sa gulat niya ay bigla na lamang lumapit si Jenny sa kakambal niya at siniil ito ng mariin sa labi! Nagulat pa si Miguel noong umpisa pero maya-maya ay nakipag-torrid kiss na rin ito kay Jenny habang siya ay nanlalaki ang mga mata.
Si Jenny mismo ang nag-initiate ng halik at hindi lang iyon basta simpleng halik dahil talagang naglalaro ang dila ng dalawa sa isa't-isa habang siya naman ay halos mapanganga sa nakikita! Halos hindi na makahinga ang dalawa nang magkahiwalay.
"Totoo ba itong nangyayari, you kissed me, Jenny?" Parang nakalutang sa alapaap ang kapatid niya. Mukhang masayang-masaya ito.
"Jenny, we're just joking, you don't really need to kiss us--" Hindi niya naituloy ang sasabihin pa sana niya dahil siya naman ngayon ang siniil nito ng halik sa labi!
Idinidiin pa nito ang batok niya sa labi nito para mas lumalim pa ang halikan nila. Malambot ang labi ni Jenny at ang bango ng hininga nito. Nakakaadik ang laway nito na lasang gatas na humahalo sa sarili niyang laway. She is also biting his lips a little bit at nilalaro nito ang dila nito sa dila niya sa loob dahilan para pag-initan siya sa ginagawa nito.
"Happy birthday, Michael, Miguel. Sana naging masaya kayo sa regalo ko. Mauna na ako. Bye!"
Iniwanan sila ni Jenny ng isang matamis na ngiti pero silang magkapatid, tulala pa rin hanggang ngayon. Malakas ang lagabog ng puso at tila hindi na makagalaw dahil sa pinaghalong matinding saya at nerbyos.
To think na nag-iisip pa sila na kidnapin si Jenny at r**e-in ito pero simpleng halik lang nito ay pinanglalambutan na sila ng tuhod!
"Nananaginip lang ba ako? O talagang hinalikan niya tayo, Miguel?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"I thought she's an innocent girl but she's a really good kisser! Parang professional! Saan niya naman kaya natutunan ang gano'n? Hindi ba, wala naman siyang boyfriend?" komento naman ni Miguel.
Sa sinabi nito ay mukhang nagkaroon siya ng idea.
"Ngayon ay sigurado na ako. It's her father. Tinuturuan siguro niya ng mga kalaswaan si Jenny," hinala niya.
"Pero hindi naman tayo sigurado. Hindi ba parang pagbibintang 'yan, Michael? Mag-ama sila!" Parang kinilabutan si Miguel sa sinabi nito.
"Hindi naman sila totoong mag-ama. He's just her stepfather. At kung hindi sa kanya, saan natuto si Jenny ng ganoong klaseng galaw? Nbsb siya at dahil home schooled siya noon, siya na rin ang nagsabi na hindi pa niya nararanasang maligawan kahit na kailan kaya saan naman siya matututong humalik kung hindi sa nag-iisang lalaking malapit sa kanya ngayon?" sabi niya. Halatang napaisip din si Miguel.
Naikuyom nila parehas ang kamao nilang magkambal dahil sa isip nila, inaabuso si Jenny ng sarili nitong tatay!
"Kung ganoon, nag-te-take-advantage ang papa ni Jenny sa kanya at mukhang wala siyang kamalay-malay na may mali sa ginawa niya. Hinalikan niya tayo parehas torridly na parang normal lang sa kanya. Ibig sabihin, maraming beses niya nang ginawa iyong ganon!"
"Tama! Ang kapal ng mukha ng matandang iyon! Baka pinagsamantalahan niya na rin si Jenny! Akala mo, perpektong lalaki sa harap ng maraming tao pero demonyo naman palang mag-isip!"
"Hindi ko talaga mapapatawad ang daddy ni Jenny kung totoo man 'yon! We need to protect Jenny at all cost!"
Iyon lang at bumalik na ulit sila sa loob ng kotse nila. They need their mother's help!