Chapter 19

1651 Words
Birthday na ngayon ni Allen. Kaninang umaga pa lamang ay nagsimula na silang mag-inuman. Present ang lahat ng barkada maliban kay Miguel na mamayang hapon pa raw makakapunta. Si Damian ang kasabay ko kanina papunta rito kina Allen. This past few days ay mas madalas na akong matulog at tumambay sa bahay nila kaysa sa dorm. Minsan ay kasama ang barkada o di kaya ay si Luke. Ang saya kasi sa bahay nila. Nakakaaliw kasama ang mga magulang niya tapos idagdag pa na sa tuwing naroon ako ay pakiramdam ko ay parte na rin talaga ako ng pamilya nila. Nang makita ko si Ria na paparating na may dalang alak ay agad kumulo ang dugo ko. Tumalikod ako at naglalakad papasok sa bahay nina Allen para puntahan si Luke. Naabutan ko siyang nakatambay sa living room habang prenteng nakaupo sa sofa at abala sa paglalaro ng kung ano sa kaniyang cellphone. Nang makita niya akong papalapit ay umayos siya ng upo at malawak na ngumiti sa akin. Umusog siya ng kaunti para bigyan ako ng espasyo. Kami lamang dalawa ang tao rito sa living room dahil ang halos lahat ng mga bisita ay naroon sa likod ng bahay o di kaya'y sa kusina. "Ayos ka lang ba rito? Hindi ka naiinip?" mahinang tanong ko kay Luke nang makaupo ako sa kaniyang tabi. "Hindi naman po, ayos lang," he answered. Isinilid niya sa bulsa ang kaniyang cellphone bago dahan-dahang ipulupot ang mga braso sa akin mula sa gilid. Ipinatong rin niya ang kaniyang baba sa aking balikat. "Walang tao sa bahay," he whispered meaningfully. "Kapag umuwi ka, edi mayroon na," pamimilosopo ko. He lips twisted as he hugged me tighter. "Kapag umuwi ako, kasama ka." I chuckled and shook my head. Maging siya ay natawa rin. Masaya kaming nag-aasaran at nagkwe-kwentuhan kung hindi lamang dumating si Ria. "There you are, Luke!" she exclaimed when she saw us. Nawala ang malaking ngiti ko sa labi at napaayos ako ng upo. Nakakairita! Kung wala lamang ako sa pamamahay niya ay nasinghalan ko na siya. Luke glanced at me before giving her a small smile. Tiningala ni Luke si Ria nang tumayo ito sa harapan niya. Ria was smiling from ear to ear. Para bang hindi niya 'ko nakikita. "Why are you here, Luke? Come with me," Ria uttered. I automatically arched my brows. "H-Huh? Why?" Luke asked, confused. "Duh! Ano pa nga ba? Edi mag-iinom tayo. Bakit kasi kayo nandito? There's no fun here!" aniya at sinubukan pang higitin sa braso si Luke. Tumikhim ako at tumayo. Bahagya kong itinulak ang balikat niya sa sobrang inis ko na siyang ikinagulat niya. Muntik na siyang ma-out of balance dahil doon. Sayang! Hindi pa natuluyan! "W-What's your problem, Rose?" gulat niyang tanong sa akin. I smirked and shook my head slightly. "Anong problema ko? 'Yang kalandian mo." "W-Wha-" "Matuto kang ilugar 'yang kalandian mo kasi hindi ka nakakatuwa," mariin kong saad at dinampot ang sling bag ko. "Tara na, Luke." Sinadya kong banggain ang balikat ni Ria nang lampasan ko siya. Umalis kami sa birthday party ni Allen ng hindi nagpapaalam. Tinext ko na lamang siya at humingi ng pasensya. Gusto ko sanang manatili pa roon dahil hinihintay ko pa si Miguel ngunit hindi ko talaga kayang tagalan ang presensya ni Ria. Mabuti pang umiwas na lamang kaysa naman makagawa pa ako ng mga bagay na pagsisisihan ko pa sa huli. Tumambay kami ni Luke sa mall at nang sumapit ang gabi ay saka lamang nagdesisyong umuwi. Hindi rin kasi maganda na maraming makakita sa amin na magkasama dahil baka may magsumbong pa sa Mommy niya. Nang sumunod na araw ay napapansin ko ang pagiging matamlay ni Bluie. I know her so damn much. Alam kong natural na sa kaniya ang pagiging tahimik ngunit hindi ang pagiging malungkot. Noong una ay ipinagkibit balikat ko lamang iyon dahil iniisip ko na baka mayroon lamang silang hindi pagkakaunawaan ni Miguel pero habang tumatakbo ang oras at lumilipas ang araw ay mas lalo kong napapapansin ang pagiging walang gana at distant niya sa lahat. On the other hand, ganoon din si Miguel sa amin. Madalang na lamang siyang sumama sa mga gimik at pagtambay namin. He never asked and mentioned Bluie like the way he always did before. May isang beses din na nakita ko silang dalawa ni Ria na magkasama sa mall. "Why don't you ask your friend?" maingat na tanong sa 'kin ni Luke. Tulala lamang ako sa kawalan. Mayroon kasi akong narinig na balita na buntis daw si Ria at si Miguel ang ama. Siyempre, hindi ko iyon pinapaniwalaan dahil tiwala ako sa pagmamahal ni Miguel sa kaibigan ko. Nangako rin siya sa akin na hindi siya gagawa ng anumang kabulastugan sa buhay. Sinubukan kong tanungin sina Joana, Thanika, maging si Damian at iba pa naming kaibigan kung buntis nga ba si Ria ngunit nanatili silang tahimik at walang imik sa mga nangyayari. Tangina! Ano ba naman 'yong sagutin nila ng oo o hindi iyong tanong ko, 'di ba? Ganoon ba kahirap 'yon? "Who's friend?" nanghihina kong tanong. Isa pa iyon sa problema ko. Ang hirap pala kapag pareho mo pa silang kaibigan. Hindi ko alam kung saan ako papanig at hindi ko rin alam kung sinong papaniwalaan ko. Kung may pipiliin ako sa kanilang dalawa, may masasaktan at magtatampo. Pero kung totoo man iyong tsismis na about kay Ria at Miguel ay handa ako...handa akong talikuran silang lahat para kay Bluie. "Talk to Kuya Miguel. He's more open than Bluie, right?" suhestiyon ni Luke at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko. "Don't worry, sasamahan kitang kausapin si Kuya Miguel." At ginawa ko nga iyong suhestiyon ni Luke. Hindi ko kayang tingnan si Bluie na malungkot. Hindi ko siya kayang tingnan na nasasaktan at hindi ko siya kayang pagmasdan na unti-unti na naman niyang nilalayo ang sarili niya sa amin...sa akin. Hindi ko kaya 'yon. Kaya naman pagkalabas namin sa klase ay sinadya namin ni Luke puntahan si Miguel sa CCJE building ngunit hindi raw siya pumasok sabi ni Damian. Wala rin si Allen. It's odd because never naman umabsent sa klase ang gagong Miguel na 'yon. Maging si Damian ay nagtataka kaya nagdesisyon siyang sumama sa amin ni Luke papunta kina Miguel. Hindi pa man kami tuluyang nakakarating sa mismong tapat ng bahay nila ay natigilan na kami sa paglalakad. Halos maestatwa kami nang makita ang buong pamilya ni Ria na lumalabas mula sa bahay nina Miguel. Masaya itong nagpapaalam habang bakas naman sa magulang ni Miguel ang pilit na ngiti sa labi. Si Ria ay abot langit ang ngisi habang nakalingkis sa braso ni Miguel while Miguel looked so distracted by something. Akmang lalapitan ko sila nang pigilan ako ni Luke at Damian. Sabay pa nila akong inilingan bilang babala kaya naman wala na akong ibang nagawa kundi damayan na lamang si Bluie. I also stopped being friends with Allen and others except kay Damian na humiwalay na rin sa kanila. I know it's an immature decision but no, I can't be friends with them anymore. Alam naman nilang malakas ang tama ni Ria kay Miguel. Alam nilang may ibang gusto si Miguel. Imbis na tulungan nilang ilayo nila si Miguel kay Ria ay mas pinili pa rin nilang itolerate ang kabobohan at kalandian ni Ria. Mas finocus ko na lamang ang sarili ko sa pag-aaral, kay Luke at pag-aalaga kay Bluie. May mga araw na gusto ko na siyang sigawan na walang mangyayari sa kaniya kung iiyak lamang siya ng iiyak ngunit na-realized ko na...magkaiba kaming dalawa. Magkaiba kami ng way upang magcope-up sa sakit na nararamdaman namin. Ako, kaya kong pigilan ang mga luha ko kahit na sobrang nasasaktan na. Siya, pagluha ang tanging paraan upang mabawasan ang bigat na nararamdaman niya...pero nababawasan nga ba talaga? Siguro. Dahil lumipas muli ang isang taon ay nakikita ko nang unti-unti na siyang nakakabangon. Naging abala siya sa Feasibility Study niya habang ako naman ay naging abala sa pakikipaglandian kay Luke sa tuwing malamig ang gabi at sa pag-aasikaso ng mga requirements para sa OJT ko. Konting tiis na lang! Gra-graduate na 'ko! Graduating na 'ko pero friends with benefits pa rin ang label namin ni Luke. "Huwag ka nang magluto, Rose. Bumili na 'ko ng ulam para sa'ting dalawa," nakangiting saad ni Bluie pagkauwi niya sa dorm. Tamad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko. Ilang araw na akong tinatamad kumilos at madalas na masama ang pakiramdam. Palagi rin akong gutom at inaantok. May pagkakataon pa naiirita ako kapag nakikita ko si Luke. Hay naku! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! "Anong ulam binili mo?" Mula sa supot ng sikat na fast-food chain ay inilabas niya ang chicken joy at burger steak. Kumalat ang amoy no'n sa kabuuan ng dorm. Parang hinahalukay ang loob ng tiyan ko dahil sa amoy, napatakip ako sa ilong at agad tumakbo papunta sa CR para sumuka. Lumuhod ako sa sahig habang nakayakap sa bowl. Ramdam ko ang pagsunod ni Bluie sa akin. Inimpis niya ang buhok ko gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay humahagod sa likod ko. Maingat pa rin akong inalalayan ni Bluie hanggang sa matapos. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha ngunit wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kaniya. Tumalikod siya at mayroong kinuha sa bag niya. Pagbalik niya sa akin ay walang imik pa rin niyang inabot ang...pregnancy test?! "A-Anong gagawin ko rito?! Hindi ako buntis!" inis kong saad at pabato kong ibinalik iyon sa kaniya. She then pursed her lips and raised her brows at me. "Kung hindi ka buntis, hindi ka matatakot subukan 'yan. Wala namang mawawala, Rose." "Walang mawawala pero puwedeng madagdagan kasi may little Rose-" dagdag pa niya ngunit hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. "Shut up!" asik ko atpadabog na pumasok sa CR dala ang pregnancy test. Paano nga, paano nga kung buntis ako? Paano na 'ko? Paano na ang future ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD