Prologue
Nakaupo ako sa gutter ng kalsada. Nakapatong ang mga siko sa tuhod habang ang isang kamay ay mayroong hawak na beer.
Tumingala ako sa madilim at mapayapang langit. Reminiscing the days where everything's okay. Regreting the things that I did just for the sake of f*****g love. I am also thinking how to forget the person who ruined my life and the person who took me away from my f*****g dreams.
Minsan gusto kong bumilib sa sarili ko kasi tangina, paano ko nakaya ang lahat nang ito? Paano ko nakayang gumising sa umaga na mayroong dinadalang mabigat sa dibdib?
Gusto kong bumilib sa sarili ko pero paano ko gagawin iyon kung mas nangingibabaw ang pagkadismaya ko sa aking sarili?
Bumuntong hininga ako at lumagok sa hawak kong beer.
"Gaga ka talaga Rose, kahit kailan talaga napakahina mo," bulong ko sa aking sarili at dismayadong umiling.
Kung naging maging malakas lamang sana ako edi sana-
"Umiinom ka na naman?"
I heard Bluie's voice from behind. Hindi ko siya nilingon pero ramdam na ramdam ko ang mga yapak nito papalapit sa akin.
Tiningala ko siya at bahagya akong natawa nang makita ang hawak niyang isang basong gatas. Umupo siya sa tabi ko at nakangiting itinaas ang baso.
"Cheers para sa mga putang inang taong dumating sa buhay natin para sirain tayo!" sigaw niya at sabay kaming humalakhak.
Mabuti na lang nandiyan siya. Kahit wala siyang kwenta, siya lamang ang taong nanatili sa tabi ko noong panahong iniwan ako ng lahat. Siya lamang ang naniwala sa akin noong panahong kahit ako ay hindi ko makayang paniwalaan ang sarili ko.
"Nami-miss mo ba siya?" bigla niyang tanong habang nakatitig sa kawalan.
Mapait akong ngumiti.
"Oo,"
Sobra.
"Gusto mo siyang makita?"
"Gusto pero---"
"Tutulungan kita," pagputol niya sa sinasabi ko.
Napatanga ako sa kaniya at naguguluhang tumitig. Anong iniisip niya? Imposible 'yon! Hindi sapat ang pera ko para makalipad patungong ibang bansa! Sa mga bills pa lang namin sa apartment, ubos na kaagad ang pera ko. Kaya nga kahit gusto kong iaakyat sa korte iyon at kampanteng mananalo ako ay hindi ko magawa. Wala akong pera.
"Pagsasamahin natin ang inipon nating pera, Rose. Magtatayo ng negosyo. Mag iinvest tayo. Para saan pa ang mga alam natin sa business kung hindi naman natin gagamitin?" Her forehead creased. "Kahit ano gagawin natin mabawi lang natin ang---"
Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko at agad siyang niyakap.
Batid kong hindi pa ganoon kalaki ang naipon naming dalawa dahil katatapos pa lamang namin ng kolehiyo. I will borrow money from lending companies or find some investors. Kahit ano. I would do anything just to get him back. Kaya sumang ayon ako sa suhestiyon ni Bluie.
Lumipas pa ang dalawang taon at naging maayos naman ang Bluie Rose Café. Ako ang madalas magbantay roon dahil bukod sa Café ay mayroon pang isang trabaho si Bluie.
"Good morning Si―Luke?"
Gulat na gulat ako ng bumungad sa akin ang lalaking ilang taon ko nang hindi nakita. I got teary-eyed when our gaze met. Suminghot ako at nanginginig ang mga kamay na tinanggal ang suot kong apron. Tinawag ko ang isang empleyado at inutusan siyang asikasuhin ang iba pang customers.
Lumakad ako patungo sa pinakadulong bahagi ng café. Nanginginig ang mga tuhod ko na sinabayan pa ng panlalamig ng mga kamay. Umupo kami sa pang-dalawang table, malayo sa mga tao at siguradong walang makakarinig sa amin.
Tatapangan ko ang aking loob at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito na bumalik siya at makaharap ko.
He became more mature now, huh? Ang singkit niyang mga mata, makapal na kilay, matangos na ilong at mapupulang―tangina, bakit ko ba pinupuri ang gagong ito?
Tapos na ako sa kalandiang ito. Hindi ito ang tamang panahon para purihin ang mga katangiang nagbago sa kaniya. Sabihin na nating gwapo siya pero hindi no'n matatakpan ang katotohanan na gago siya.
Gago siya at ginago niya 'ko.
Nang makita siyang muli ay tila isang malaking dagok sa akin. Muling bumuhos ang mga masasakit na alaala sa isip ko.
Tumikhim ako at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. I then arched my brows at him.
"Luke kailan ka pa bumalik?"
He's looking at me with full of longing and sadness. Gusto kong mahabag sa kaniya ngunit pasensyahan na lang tayo dahil hindi na ako iyong dating Rose na mabilis bumigay at mauto. I know him very well. Baka mamaya ay ginagamit lamang niya ito para makuha na naman ang gusto niya.
"Last night. I still don't have enough sleep pero hindi na ako makapaghintay na makita ka."
I laughed sarcastically and shook my head.
"Ano na namang drama mo, Luke? Ilang taon kang nawala at isinama mo pa ang anak ko―"
"Anak natin, Rose," he corrected me.
I clenched my fist as I stared at him. Yes, anak natin. Anak natin so ibig sabihin pareho tayong may karapatan sa bata pero anong ginawa mo? Sinira mo ang tiwala ko at tinanggalan mo 'ko ng karapatan bilang isang ina.
"Ibalik mo na lang siya sa akin, Luke. Gustong gusto ko na siyang makita at makasama. You don't know what I've been through..."
"Hindi ko siya ibabalik sa'yo, Rose," he said with finality, "Kung gusto mo, ikaw ang sumama saakin. Magsimula tayo ulit." nagsusumamong aniya at sinubukang hawakan ang kamay ko pero tinabig ko iyon.
"Hinding hindi ko 'yan gagawin. Gago ka! Ibalik mo sa akin ang anak ko! Wala kang puso!"
"I told you. Kung gusto mo siyang makasama, sumama ka sa akin. You're still my liability after all."
Mayroong matinding sakit ang gumuhit sa puso ko sa sinabi niya. Tila isang libong karayom ang tumusok sa dibdib ko dahil sa mga binitawan niyang salita.
So all this time...isang obligasyon at pananagutan pa rin ang tingin niya sa akin?
Wala sa sarili akong tumawa at tumango. "Yeah ano pa nga bang aasahan ko sa'yo, Luke? You never loved me and you just see me as your liability...just your liability." I wiped my tears and stood up.
Damn you, Luke. Babawiin ko ang anak ko. Gagawin ko ang lahat kahit ang kapalit no'n ay pagkaubos ko.