Chapter 1

1148 Words
"Lumayas ka rito," Nag-angat ako ng matalim na titig sa babaeng walang pasabing pumasok sa kwarto ko. Sa hilatsa ng kaniyang pangit at tadtad ng foundation na mukha ay mababakas ang pagkadisgusto nito sa akin. "Ito na nga, oh. Nag iimpake na," I nonchalanty said. Bumalik ako sa ginagawang pagsisilid ng ng mga damit at iba pang kagamitan sa duffel bag. Dumukot siya ng pera sa wallet at ibinato iyon sa akin. "Ayan ang pera. Siguro naman sapat na 'yan para umalis ka at hindi na bumalik dito, 'di ba?" Nagmamadali ko iyong pinulot at isinilid sa bulsa. Imbis na ma-offend sa ginawa niya ay labis pa akong natuwa. Kahit sampalin mo ako ng pera, ayos lang sa akin. Pera 'yan, eh. Sinong tatanggi riyan? "Okay na ito pero kung gusto mong dagdagan pa..." Nang uuyam akong ngumisi sa kaniya at inilahad ang kamay. "Okay lang sa akin." Bumuntong hininga siya at walang pagdadalawang isip na binigay ang hiling ko. Nagbitiw pa siya ng ilang pagbabanta bago tuluyang lumabas ng aking kwarto. Nanghihina akong umupo sa malambot kong kama. Pabalik-balik ang tingin ko sa duffel bag at isang bag pack na naglalaman lahat ng mga gamit ko. Mayroon akong isang problema...hindi ko alam kung saan ako pupunta. I crinkled my nose while scratching my nape. "Anak ng putang bida bida naman, oh. Saan na 'ko pupulutin nito?" I heaved a deep sigh and took out my phone from the pocket. I opened the messenger app and searched my Mom's name. Nang makitang online iyon ay agad ko siyang tinawagan. Hindi naman ako nabigo dahil wala pang apat na ring ay sinagot na niya iyon. Bumungad sa akin ang masaya at maaliwalas niyang mukha pati na rin ang maingay na background music. "Rosemarie, napatawag ka?" "Ma kasi ano-" "Honey, who's that?" pagsingit noong isang malagong at panlalaking boses sa kabilang linya. "Uhm..." Mom turned off her camera and answered. "Honey h-hey! I am just talking to a...friend from Philippines." I scoffed and rolled my eyes. Sinungaling dot com. "Okay hang it up, the lunch is ready and our kids are waiting for you in the dining area." "Okay okay..." sagot ng magaling kong ina. Mariin akong pumikit at hinilot ang aking sentido. Tanginang buhay naman 'to, oh. Sandali pang tumahimik sa kabilang linya bago natatarantang inayos ni Mama ang camera. Lumunok siya at inilapit ang mukha sa screen para bumulong. "Rosemarie, kailangan ko nang umalis. Magpapadala na lang ako ng pera..." "Pero-" "Sige na, bye! Ingat ka riyan!" then she hung up. Awang ang labi kong tinitigan ang screen ng cellphone. Umingos ako at pilit itinaboy ang nararamdamang pait sa aking dibdib. I should have known. Wala na nga pala akong lugar sa letseng buhay na 'to. Masaya naman kami dati pero simula nang umalis si Mama six years ago para pumunta sa Australia at doon ay magtrabaho ay nagbago na ang lahat. Nagkaroon ng ibang babae si Papa, iyong kumare niyang si Sherly. Iyong pumasok dito sa kwarto kanina at sinabuyan ako ng pera. Matapos malaman ni Mama ang panlolokong ginawa ni Papa ay humanap na rin siya ng iba roon sa Australia. Pinsan ng amo niya ang kinakasama niya ngayon at mayroon na silang dalawang anak. Mayroon na silang ibang pamilya kaya heto ako ngayon...pinapalayas na sa sariling bahay dahil hindi na ako kabilang sa pamilyang binubuo nila. Mabuti na lamang ay may natitira pa akong mabait na kamag-anak sa Santa Cruz Laguna na si Tita Mavs. Kapatid noong magaling kong ina. Doon ako pumunta. Sinamahan niya akong mag-asikaso sa LSPU kung saan ako mag-aaral ng kolehiyo. Okay naman siya. Mabait at maalaga kaso hindi ko bet iyong asawa. Malagkit kung makatingin at may isang beses pang nahuli kong inaamoy ang nakasampay kong panty. Imbis na hintayin ko pang mapahamak ang sarili ko ay umalis na lamang ako. Pinipigilan pa ako ni Tita Mavs ngunit buo na talaga ang desisyon kong umalis. Tinulungan niya ako ng dorm na matutuluyan, malapit lamang iyon sa LSPU kaya okay na okay sa akin. Hindi naman akong nahirapang mag-adjust dahil kaya kong tumayo sa sarili kong paa. Tinitipid ko iyong perang pinapadala ni Mama at binibigay sa akin ni Tita Mavs. "Ate pa-adjust naman," wika ko roon sa babaeng nasa unahan ko. Enrollment namin ngayon at kasalukuyan akong nakapila sa gitna ng tirik na tirik na araw tapos itong babae sa unahan ng pila ay libang na libang sa cellphone at hindi nag-aadjust. Mula sa cellphone ay nag-angat ito ng tingin sa akin. "Sorry, sorry," aniya. Bumuntong hininga ako at napailing. Binaba niya ang kaniyang cellphone at humarap sa akin. "I'm Joana, ikaw?" "Rosemarie." She gave me a friendly smile and nodded. Hindi naman ako nahirapang pakisamahan siya. Siya lamang ang kausap ko sa buong araw ko roon sa Registrar. Matapos naming mag-enroll ay pinakilala niya ako roon sa iba pa niyang kaibigan. "This is Damian..." itinuro niya sa akin iyong isang mestizo at matangkad na lalaki. Ngumisi ako at tinanguan si Damian. "This is Josh," pakilala niya ulit roon sa isang maitim na lalaki. "And this is Allen," Binigyan ko rin ng ngisi iyong chinitong lalaki. "And this is my best friend, Thanika." "Hi!" Thanika waved her hands at me. Luminga-linga si Joana sa paligid habang nakakunot ang noo, "Teka, nasaan na si Miguel?" tanong pa nito. "Ewan, nagpasama sa kaniya si Ria sa University Canteen eh. Hindi pa rin sila bumabalik hanggang ngayon." Damian said. "Tss, ichat niyo nga." Saad naman ni Allen. "Sino 'yon? Mga kaibigan niyo rin?" I curiously asked. Thanika nodded, "Si Miguel kaibigan namin. Si Ria naman kapatid ni Allen, sumama lang sa amin pag e-enroll." "Ah nice," I commented. Ilang saglit pa kaming naghintay sa ilalim ng puno hanggang sa tuluyan ng dumating iyong Miguel at Ria. Inabot pa sila ng sandamakmak na mura mula kay Joana dahil ang tagal nilang bumalik. "Ey who's that chix?" Ngumisi iyong Miguel habang papalapit sa akin at inakbayan ako. Sumimangot ako at inalis ang pagkakaakbay niya sa akin, "Siraulo lumayo ka nga. Ang pangit mo." Singhal ko na ikinatawa nilang lahat maliban doon sa Ria na pinagtaasan ako ng kilay. "Kung makapagsalita naman 'to, akala mo ang ganda niya," Ria, the ugly duckling b***h, murmured. Bubulong pa, rinig ko naman. Tanga. I arched my brows and crossed my arms. "Oo maganda talaga ako. Mainggit ka please." Sasagot pa sana si Ria pero pinigilan siya ni Miguel. Yumuko siya at tila nagmistulang maamong tupa. Jeez, I don't like her vibe. They became my friends. Kahit na magkakaiba ang kurso namin ay nagagawa pa rin naming magliwaliw sa buhay. Tambay dito, movie marathon doon. Minsan ay kumakain sa labas at kung minsan naman ay nag aambagan para sa pancit canton at juice. Since I've met them, I never felt alone at pinangako ko sa sarili ko na kung anumang magiging buhay ko rito, alam kong makakaya ko. Kakayanin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD