Chapter 2

2224 Words
"Pucha ang tagal. Anong oras na oh! Hindi pa ba magsisimula ang parade?" naiirita kong tanong sa kaklase namin. Nababadtrip ako! Nakipag-unahan pa ako sa paggamit ng CR kanina kay Ate Nez dahil medyo na-late ako ng gising. Mabuti na lang ay dadalawa lang kami sa dorm. Pang-apat na tao kasi iyong kwarto pero kaming dalawa pa lamang ang rume-renta roon. Mabuti na lang, hassle kasi kung madadagdagan pa kaming dalawa. "Hintay pa tayo konti," one of my classmate said that made my eyes rolled heavenwards. Busangot na busangot na ang mukha ko dahil sa pagkainip. Opening kasi ng intramurals ngayon at before seven am ang call time para sa parade pero mag a-alas nueve na nandito pa rin kami, nakatayo sa ilalim ng tirik na tirik na araw. Hindi rin naman kami aware kung ano nang nagaganap dahil kami ang nasa pinakadulo ng pila. Dito rin naman sa loob ng campus gaganapin ang parade kaya hindi ko magets kung bakit ang tagal. Pinunasan ko ang butil-butil na pawis na namumuo sa noo ko habang panay ang bumubulong ng reklamo. "May pa-call time call time pa kasi hindi naman pala nasusunod," reklamo ko pa. "Sinabi mo pa! Pumunta ako rito nang fresh tapos hindi pa nagsisimula ang parade haggard na 'ko," pagrereklamo rin ni Joana. Matunog akong ngumisi. "Ay bhie kahit mag ayos ka, haggard ka pa rin." Nanlaki ang butas ng kaniyang ilong at hinampas ako sa braso. "Ang bastos talaga ng bunganga mo, Rosas." Humagalpak ako ng tawa. Hindi rin naman nagtagal ay nagsimula na ang parade. Kasama naming ang iba pa naming kaklase pero naghiwalay hiwalay na rin matapos magsign ng attendance sa secretary namin. Dumiretso ang mga estudyante sa Activity Center ngunit dahil siksikan na sa loob ay hindi na kami pumasok pa ni Joana sa loob. Tumambay na lamang kami sa ilalim ng puno malapit doon. Kaming dalawa lamang ang magkasama dahil si Thanika ay kasama ang mga bago niyang kaklase at kaibigan, HRM ang kurso niya. Habang sina Miguel, Allen at Damian naman ay kasama ang mga kaibigan nilang mula sa Criminology. Si Josh ay kasama ang mga kaklase niyang mga Civil Engineering. Sinundan ko ng tingin iyong magandang babae na dumaan sa harapan namin. Nakasuot ito ng kulay orange na sports attire at mayroong light make-up sa mukha. Muse siguro 'to. "Girlfriend 'yan ni Miguel," Joana crinkled her nose, sinusundan din ng tingin iyong babae. My lips parted while nodding my head. "Ang ganda niyan, ah? Pinatulan si Miguel?" I asked. She roared a laughter. "Bakit? Gwapo naman si Migs ah?" "Saang parte?" pagbibiro ko. Siyempre gwapo naman iyong mga kaibigan kong 'yon lalo na si Miguel pero hindi ko na sasabihin pa dahil tiyak na mas lalo lamang lalaki ang mga ulo no'ng mga 'yon. Buti sana kung ulo sa baba ang lumaki pero kung ulo sa taas, huwag na lang. Tumili ng napakalakas si Joana habang hinihila ang braso ko. Dumaing ako sa sakit at pilit tinanggal ang kamay niya. "Aray ko! Anak ka ng tinapa! Ano bang problema mo?!" asik ko habang pilit nilalayo ang sarili sa kaniya. "Ay bhie tingnan mo 'yon, ang gwapo!" Itinuro niya iyong mga kalalakihang sa tingin ko ay mas matanda pa sa amin ng dalawang taon. Ngumiwi ako at ikinaway ang mga kamay ko. "Pass masyadong matanda, busy na 'yan sa buhay." "Lah eh anong gusto mo? Yo'ng mas bata sa atin ganoon? Yo'ng tipong naglalaro pa at pinapatulog pa ng nanay sa tanghali?" "Puwede rin." Tumawa ako. "Bakit may irereto ka ba?" Hinampas niya ulit ang braso ko. "Ano ka ba? Mas masarap magmahal ng medyo mas matanda sa atin. Masarap kaya sa feeling yo'ng para kang bine-baby. Gets mo?" "Oo gets kita pero ayaw ko nga no'n." I scratched my head and looked around the place. Ngumiwi siya at pilit na pinagpipilitan ang gusto niya. Hinayaan ko na lamang siyang kumuda riyan sa isang tabi. Masyadong paulit-ulit, eh. Unlimited ka girl? Nilibang ko na lamang ang sarili sa pagmamasid sa buong paligid. Marami akong nakikitang gwapo pero hindi ko naman natitipuhan ng bongga. Hindi ko nga kasi talaga trip iyong mga lalaking mas ahead sa akin ng ilang taon. "Luke ano? Hindi ka na naman ba sasama sa amin?" Napalingon ako roon sa isang barkadahan na nakatambay sa ilalim ng punong katabi lang noong sa amin. They were from Senior High School based on their uniform. "Hindi nga guys. Next time na lang kasi baka pagalitan ako ni Mommy," mahinang sagot noong lalaki. Ang cute naman ng boses niya. Inosenteng inosente ang dating. Out of curiosity ay mas hinabaan ko pa ang leeg ko para makita iyong lalaking nagsasalita pero hindi ko talaga makita dahil natatakpan siya noong dalawang babaeng kausap niya. "Ano ba 'yan! Binata ka na takot ka pa rin sa Mommy mo," wika noong isang babaeng kaibigan niya. Mahina akong tumawa. "Huwag niyo na kasing pilitin si Luke. Kayo rin, baka pagalitan tayo ni Tita kapag pinilit na naman natin 'yan," sabi pa noong isang lalaki. May pinag-uusapan pa sila na hindi ko nasundan pa dahil mayroon din kaming pinag-uusapan ni Joana. Nang bumaling ako sa kinauupuan noong barkadahan kanina ay wala na sila ro'n. Hindi ko man lang nakita iyong itsura no'ng lalaking may cute na boses. I blinked my eyes and shrugged my shoulders. Marami akong nakilala no'ng intramurals. Kahit tamad at nakakainip panuorin ang ibang programs ay pinilit kong pumasok, hindi para sa baon kundi para sa...attendance. In college, attendance is a must. Kahit bumagyo, lumindol o bumaha kailangan mo pa ring pumasok para sa attendance. And I f*****g hate it. "Kumusta naman ang pagiging entrep student?" Damian asked while we were eating lunch at Jeboy's. Mayabang akong ngumisi. "Chill lang." "Hope all." Miguel commented and pouted his lip. Feeling cute si tanga. "Bakit? Nahihirapan na kaagad kayo?" Joana asked. Humagalpak ng tawa si Allen at makahulugang tumingin kay Miguel. He pointed his fingers to Miguel's face. "Ito kasing kupal nating kaibigan, ilang beses nang nahuhuling tumatawa sa klase tas minsan humihikab. Wala yatang araw na hindi nagpush up 'yan." "Bakit nagpu-push up? Para saan?" Joana curiously asked. "Eh ganoon kasi 'yon. Bawal humikab at tumawa sa loob ng classroom. Kapag nahuli ka ng Prof, may parusa ka." Damian explained and I nodded my head, not interested. Corny. "Tanga ka Damian. Puwedeng tumawa ah basta hindi nakalabas ang ngipin. Bobong 'to," pang aalaska ni Miguel. "Gago ka pala, eh. Sige nga, subukan mong humalakhak nang hindi nakalabas ang ngipin? Siraulong san miguel light 'to," Josh talked back. Sasagot pa sana si Miguel kaso tinakpan ko na ang bunganga niya. Ewan ko ba sa mga kaibigan kong ito, palaging walang gustong magpatalo. Pare-pareho namang bobo. Pagkatapos kumain ay bumalik na rin kami kaagad sa school. Pinauna ko sa room si Joana dahil dadaan pa ako sa BAO para i-follow up iyong inorder kong P.E. uniform. Nakng, magdadalawang buwan na wala pa rin. BAO means Business Affairs Office. Doon bumibili ng mga books, ID Lace, tela para sa mga uniforms, shirts like; department shirts, university shirts and P.E uniforms pati na rin school supplies at iba pa. Papasok na sana ako sa loob nang makita iyong isang magandang babae na nahihirapan sa paghila no'ng salamin na pinto. Umiling ako at tinulungan siya. Itinulak ko iyon at mapang-asar na tumitig sa kaniya. "Push kasi bhie. Basa basa din minsan." Itinuro ko iyong malaking sign na nakapaskil sa pinto. Nahihiya siyang yumuko at kinagat ang labi. Magkasabay kaming pumasok sa loob at agad sinabi ang pakay ko ngunit sa kasamaang palad ay large pa lang ang available size na mayroon sila. Nakasimangot akong lumabas ng BAO at dumiretso sa University Canteen para bumili ng tubig. Pagpasok ko sa loob ay siya namang paglabas noong isang SHS na lalaki. May hinugot siya sa kaniyang bulsa dahilan para mahulog ang wallet niya. Mukhang hindi niya iyon napansin dahil tuloy tuloy lang siya sa paglalakad. "Toy nahulog-" Hahabulin ko sana siya kaso may humawak sa braso ko. Bumagsak ang balikat ko at inis na nilingon kung sinuman iyong talipandas na pumigil sa akin. "Saan ka pa pupunta? Nasa room na si Sir," Joana said. I pursed my lips as I heaved a deep sigh. Tumango ako sa kaniya at magkasabay kaming bumalik sa classroom. Mabuti na lang at mabait ang Professor namin kaya hindi kami napagalitan. Sabagay, we're already in college kaya hindi mo na kailangan pang magpaalam o ipaliwanag sa Professor kung saang lungga ka man nanggaling. Nang makauwi sa dorm ay binuksan ko ang wallet. Ang angas ah! Ang daming laman na pera at cards. Siguro mayaman ang may ari nito? Bigla akong nahiya sa laman ng wallet ko, nakng. May nadukot pa ako na SM advantage card, doon ko nalaman ang pangalan ng may ari nitong wallet. Luke Abaricia. He has a nice name, though. And I think it was familiar. Parang narinig ko na siya somewhere, hindi ko lang maalala kung saan. I shrugged my shoulders. Ibabalik ko 'to bukas. I have no idea kung saan siya hahanapin. Malawak ang LSPU at nakakalat ang SHS. Kung paano ko siya mahahanap, good luck na lang sa akin. Kinabukasan, nakasabay ko si Miguel sa main gate. Nagsabay na kami habang naglalakad papasok sa campus. Pinag-uusapan naming kung saan kami tatambay mamaya nang may makasalubong kaming grupo ng SHS dahilan para maalala ko iyong wallet. "Wait lang." hinawakan ko siya sa braso para patigilin siya sa paglalakad. Kunot ang kaniyang noong tumigil at humarap sa akin. His mouth formed 'o' and put his hand on his chest. "Whooooa! Huwag mong sabihin na magco-confess ka sa 'kin?" gulat niyang tanong, "Rose, sorry. Ayaw ko mang gawin 'to pero hindi ako pumapatol sa tro-" "Gago, hindi kita type! Ang kapal naman ng mukha mo!" Inis ko siyang binatukan. Ngumiwi siya at napakamot sa ulo habang may binubulong na kung ano. Binuksan ko ang bag ko at ipinakita sa kaniya iyong wallet. "Ano? Snatcher ka na ngayon?" parang tangang tanong na naman niya. I groaned and rolled my eyes, "May kilala kang Luke Abaricia?" "Luke Abaricia? Teka, isipin ko lang." "Ay wow mayro'n ka pala no'n?" pang aasar ko. "Mayro'n. Gusto mo bigyan kita para ma-experience mo naman?" he fired back. Tumingala siya at inilagay sa baba ang daliri para mag isip. "Hmm...anak yata 'yon no'ng dating Mayor dito sa Laguna? Hindi ko sure, tanong mo ro'n." Tinuro niya iyong mga SHS na naglalakad then he glanced at his wristwatch. "Hindi na kita masasamahan pre. Male-late na ako, eh. Ingat ka ah, tanga ka pa naman." "Mag ingat o hindi, tanga ka." I tapped his shoulders and walked away. Lumapit ako roon sa dalawang babaeng nakatambay sa labas ng Activity Center. They seem familiar because sila yata iyong nakita kong barkadahan noong intramurals. "Hey," pagkuha ko sa atensyon nila. Sabay-sabay silang nag-angat ng tingin sa akin. "Bakit po?" the girl asked, a little bit confused. Ipinakita ko sa kanila iyong wallet, "Baka mayroon kayong kilalang Lu-" "Kay Luke 'to ah? Bakit nasa'yo?" she cut me off, inagaw niya sa'kin 'yong wallet at pinakatitigang mabuti. I pursed my lips before nodding my head, "Yeah nahulog niya 'yan sa canteen." Tinitigan niya muna ako bago dahan-dahang tumango. "Kaibigan namin si Luke," she said. Dumako ang tingin niya sa likuran ko at ngumiti. "Ayan na po pala si Luke. Luke halika! Nasa akin na wallet mo!" "Huh?" My lips parted when I heard the cute and innocent voice. Lumakad siya papalapit sa tabi no'ng babae para kunin iyong wallet at i-check. I then glanced at my wristwatch. Shit late na 'ko! "Sinong-" "Alis na 'ko," I gave them a small smile and waved my hands. Akmang tatalikod na ako nang hawakan ni Luke ang pala-pulsuhan ko para pigilan ako. Kunot ang noo ko siyang hinarap. His lips parted while looking at me. Pabalik-balik ang mga mata ko sa kaniyang mukha at sa kamay niyang nakahawak sa pala-pulsuhan ko. I felt something weird. I couldn't name it. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko noong hawakan niya ako. And while looking at his dark set of eyes, my heart suddenly beat faster. "Bakit?" I asked curiously. Pero mukhang hindi siya nakikinig. Nakatulala lamang ito sa akin habang nakaawang ang labi. My brows furrowed because he was weird. Mukhang na-love at first sight yata sa akin. I pursed my lips again as I stared at him. Matangkad siya kaya hindi mo mapapagkamalang SHS pa lamang siya. He has a soft feature. Singkit ang kaniyang itim na mata, matangos ang ilong, tila hugis puso ang kaniyang pula at mamasa-masang labi. Tangina, in short, ang gwapo. "Ah hehe," tumawa iyong kaibigan niyang babae at hinila palayo sa 'kin si Luke. "Pasensya na po kayo kay Luke, napipi na yata." I cleared my throat and smiled. "Uh okay lang. S-Sige, una na ako." Nakakailang hakbang pa lang ako palayo nang magsalita si Luke. "P-Puwede ko bang malaman ang pangalan mo?" hindi nakaligtas sa tainga ko ang panginginig ng kaniyang boses. Tumigil ako sa paglalakad ngunit hindi ko na siya nilingon pa. "Rosemarie," I said, smiling. "I'm Luke," he said, "S-Salamat sa pagbabalik sa wallet ko and see you around, A-Ate Rosemarie." And because of what he had said, my smile suddenly faded. Ate? Ate?? I frowned and started to walk away. Puta, late na nga, na-atezoned pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD