Chapter 3

1488 Words
"Bakit late ka?" Joana asked when I entered the room. Good thing wala pa ang professor namin para sa first subject. Kung late ako, mas late pala siya. I sat beside her. "Eh ikaw, bakit hindi ka late?" "Bobo mo kausap," I laughed while shaking my head a bit. Hindi ko alam kung bakit niya pa 'yon tinatanong. Sa araw-araw na ginawa nang Diyos, araw-araw din naman akong late. Hindi naman kasi ako iyong tipo ng estudyante na nagpapaka-pressure sa pag aaral. Wala akong pakialam sa kung mababa o mataas ang grades ko kasi para sa 'kin, grades is just a f*****g number. Grades won't define your future. Grades won't define your success. Ang sabi nga ni Charlie Brooker, "Your grades are not your destiny: they are just letters and numbers which rate how you performed in one artificial arena, once." Ang dami kong kakilalang naka-graduate na may flying colors noong college pero hindi rin naman nagtagumpay sa buhay. Marami akong nakilala na hindi nakapagtapos ng pag aaral, bulakbol noon at hindi matataas ang grado pero asensado sa buhay ngayon. But not everyone has the same mindset like mine. And I respect it. "Grades is just a number? Kasabihan 'yon ng mga bobo eh." Ria laughed with her own joke. Ewan ko kung joke bang matatawag 'yon. I ignored her and drank the beer I'm holding. Nandito kami ngayon sa bahay ni Thanika, pagkatapos ng klase ay dito na kami dumiretso sa kanila para tumambay at magmovie marathon pero wala pa sa kalahati ang palabas ay nag aya na si Damian na mag inuman na lang. "Harsh mo naman! Ang mga tao may iba't ibang paniniwala, kasabihan at opinyon sa lahat ng bagay, Ria." Joana tried to explain everything in a calm way while eating popcorn. "Nah." Ria shook her head. "Grades will define your future. That's the reality. Kapag mag a-apply ka sa isang kompanya, ang una nilang titingnan ay ang transcript of record mo. Entrep kayo, 'di ba? Kung kayo ang tatanungin ko, pipili ba kayo ng empleyado na pasang awa ang grades? Siyempre kung ako 'yon, ang iisipin ko, maybe there was something wrong about him. I will questioned him about that." Thanika scoffed and put down her beer. She clasped her hands and looked intently to Ria. Joana nodded, giving her a small smile. "Like what I've said, it is for your opinion. I respect it and you should respect mine." Then there was a deafening silence between all of us. Mabuti na lang ay dumating ang mga lalaki hawak ang dala nilang panibagong bucket ng beer at pulutan. Malalakas na tawanan ang bumalot sa buong bahay. Si Damian ay may hawak na gitara at kami naman ang kumakanta. Miguel was a little bit tipsy kaya mas lalo siyang kumulit. My phone rang. I stood up and went to the balcony, hawak pa rin ang isang bote ng beer. Bumuntong hininga ako bago sagutin ang tawag sa messenger. "Ano?" Bungad ko kay Mama. I heard her laughed from the other line, "Anong ano? Gusto ko lang tawagan ang anak ko. Masama ba 'yon?" "Talaga? Bago 'yon ah? Anong nakain mo?" "Nothing." She answered, laughing. "Bakit ba ang sungit mo sa 'kin? Masama bang kumustahin ang anak ko?" Hindi ako sumagot. Mariin kong tinikom ang bibig ko habang nakatitig sa madilim na kalangitan. I don't know what to say. Naaalala ko pa noon kung gaano ako ka-excited at araw-araw nag aabang ng text o tawag niya pero ni isa, wala akong natanggap. Kung noon, umiiyak ako kapag wala siya sa tabi ko. Ngayon, sanay na ako. Sanay na akong wala siya. Wala sila. Lahat ng tinatanong niya sa akin ay sinusuklian ko lamang ng matipid na sagot. Marami rin siyang kinu-kwento sa akin tungkol sa bago niyang pamilya at anak ngunit hindi naman ako interesado. Gusto kong ibaba ang tawag pero hindi ko magawa. Ayaw kong maging bastos sa kaniya because she's still my mother after all. "Ay oo nga pala! Marami akong biniling libro para sa'yo. Bukas ko pa maipapadala riyan, aalis bukas si Marion papuntang ibang bansa kaya malaya akong makakagalaw. Mga engineering books 'yon. Tapos mayroon pa akong biniling mga damit na mickey mouse. 'Di ba favorite mo 'yon?" Excitement was evident in her voice. Tila mayroong kumurot sa dibdib ko sa sinabi niya. Nangilid ang luha sa mga mata ko pero ginawa ko ang lahat para pigilan iyon. As much as possible, ayaw kong maramdaman niyang nasasaktan niya ako. Gustuhin ko mang ma-appreciate ang mga ginagawa niya para sa 'kin pero bakit parang... Bakit parang mas nasasaktan ako? "Hindi ba't engineering ka, anak?" She asked again. I shook my head and smiled painfully as I stared at the night sky. As if naman na nakikita niya ako. "H-Hindi po," "Huh? Hindi ba? Akala ko engineering ka? Kasi noong bata ka pa, iyon ang pangarap mo eh." nagtatakang tanong niya. "E-Entrepreneurship," I simply said. She gasped. "Oh I thought-" "And hello kitty po ang favorite ko, Ma. Hindi po mickey mouse," dagdag ko pa. "Sige, I'll hang it up. M-May gagawin pa pala ako." I bid my goodbye and ended the call. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago lumagok sa hawak kong beer. I scoffed and licked my lips. Tangina, simple at maliit na bagay lamang tungkol sa akin hindi niya alam. Pagak akong tumawa at akmang babalik na sa loob ngunit natigilan ako ng makita ko si Damian na nakasandal sa pintuan, may hawak siyang beer sa kanang kamay habang ang isa naman ay nasa bulsa ng kaniyang uniporme. Gulat akong tumitig sa kaniya. "Dammy, kanina ka pa ba riyan?" Instead of answering my question, humakbang siya papalapit sa akin. Bakas ang pag aalala sa mukha nito. "Okay ka lang?" "Uh..." I looked away. "Narinig ko lahat." he flashed a small smile, nodding his head. "Hindi kita pipilitin magsabi sa 'kin pero palagi mong tatandaan na nandito lang ako." "Okay noted," Inakbayan niya ako at ginulo ang aking buhok at bumalik na sa loob. Kinabukasan ay nagawa ko pa ring pumasok kahit inaatake ako ng sakit ko. Ang katamaran. Wala akong gana sa buong tatlong oras sa accounting. Kahit matapos ang klase at magsimula ang PE class ay tamad na tamad pa rin ako at bahagya na ring nakakaramdam ng gutom. Matapos naming magpalit ng P.E. uniform ay dumiretso na kami sa labas ng Activity Center. Most of the time ay sa loob talaga kami ng A.C. nagkla-klase pero kapag mayroong ginaganap na event ay wala kaming choice kundi ang maglesson sa labas. Isang oras ang ginugol ni Sir sa discussion at ang natitirang isang oras ay nilaan namin sa zumba. Hinati kami ni Sir into three groups, kasama ko si Joana at iba ko pang kaklaseng kaibigan. "Each groups will perform zumba next meeting. You will be graded based on how clean your performances and how you performed as a group." Mr. Condino, our P.E. professor, explained. "Gutom na 'ko, Rosas. Parang gusto ko ng sopas." Joana murmured at me while caressing her tummy. "Gutom na 'ko. Parang gusto ko ng Senior High School," sagot ko at nakangising sinundan ng tingin iyong mga SHS students na papunta sa direksyon namin kasama ang kanilang babaeng professor. "Gaga tirador ka talaga ng SHS." she laughed. Naka-P.E. uniform din sila at hindi nga ako nagkakamali dahil pumuwesto sila tabi namin. Mataman ko silang tinitigan isa-isa hanggang sa makakita ng pamilyar na mukha. Si Luke at mga kaibigan niya. Hindi sinasadya noong isang babae na mapatingin sa akin. She flashed a wide smile, waving her hands at me. "Hi ate Rose," she greeted. I waved my hands back. "Oy game practice muna tayo!" our grouped leader shouted kaya tumalikod na ako at nagfocus na lamang sa practice hanggang sa makaramdam na ako ng inis sa iba kong ka-grupo dahil kanina pa kami paulit-ulit, hindi pa rin maayos. "Tangina naman umayos kayo. Sayaw kung sayaw! Huwag pabebe, hindi kayo maganda." I shouted, getting annoyed now. Mukhang effective naman ang pagsigaw ko dahil matapos no'n ay umayos na sila. Natakot yata. Matapos ang klase ay dumiretso ako sa university canteen para bumili ng tubig. Si Joana ay pinuntahan si Thanika. I was about to open the bottle when suddenly a familiar boy appeared in front of me. His face and ears were red and he also can't look at me properly. I titled my head and raised my brow. "H-Hi," his voice were shaking, looking down at the floor. I tilted my head and raised my brow, "Luke, right?" "O-Opo," "Anong kailangan mo?" I asked lazily. "C-Can I...Can I get your number?" My lips parted with his question. "A-Ano?" hindi makapaniwalang saad ko. "Bakit?" Pinikit niya ang mga mata at mariing kinagat ang kaniyang labi. Nang magmulat ay agad siyang umiling at bumuntong hininga. "Nevermind. Forget it." he said and walked away. Naguguluhan ko siyang sinundan ng tingin. Tangina, ano 'yon? Anong problema no'n?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD