Text
"Adjusting entries consists of five types; deferrals, accruals, depreciation, uncollectible accounts or can also called doubtful or bad debt and lastly, merchandise unsold at year or on hand." Mrs. Bawasan explained.
"Nahahati sa dalawa ang Deferrals. Ang una nito ay Deferred Expense, nilalaman nito ang office supplies, prepaid rent, prepaid income and any prepaid expense. For example, the amount of office supplies in the trial balance were 20,000 and in the adjusting entries, unused supplies amounted to 5,000. The entry will be Office Supplies Expense, 15,000, debited. Office Supplies, 15,000, credited..."
"Huh?" naguguluhang saad ko habang nakatitig sa white board.
"Pucha, paano naging 15,000? Eh 20,000 iyong nakalagay na amount sa trial balance, 'di ba?" one of my classmates asked.
"Baka corrupt 'yong nagre-record pre,"
Umingay ang buong classroom dahil sa mga samu't-saring mga tanong. Mrs. Bawasan laughed and clapped her hands to get our attentions.
"Okay. Use your commonsense. Ang sabi sa transaction 20,000 ang amount noong Office Supplies, right? Then ang sabi naman sa problem, unused supplies amounted 5,000. Therefore, 20,000 minus 5,000 is 15,000. 15,000 was the used supplies kaya iyon ang ilalagay niyong amount. Did you get me?"
We nodded our head kahit malinaw naman sa iba kong kaklase na naguguluhan pa rin sila.
"Gets ko na. Bakit mo nga naman ire-record kung hindi mo pa nagagamit, 'di ba?" Joana laughed.
"Next is Deferral Income. Unearned Rental Income amounted 120,000 and the problem is December 31, unearned rental income is for a one-year rent w/c started June 1. So, what will be the entry?" She roamed her eyes around the classroom.
Natahimik tuloy kaming lahat at matimtim na nagdasal na sana ay hindi kami matawag. Ang iba ay nagkunwari pang abala sa pagsusulat habang ang iba ay panay ang iwas ng tingin.
Nahigit ko ang aking hininga nang tumigil ang mga mata nito sa akin.
"Quejano, stand up,"
I stood up confidently.
"What do you think is the answer, hmm?"
"Uhm..." Tangina ano nga ba? Hindi ko naman kasi masyado pang naiintindihan. Naglo-loading pa rin sa utak ko iyong mga pinagsasabi niya.
Palihim kong sinipa ang paa ni Joana sa gilid ko ngunit mukhang may lahing tarsier yata 'tong professor namin dahil nakita niya iyong ginawa ko. She shook her head, disappointed at me.
"Sit down," she commanded and went back to her table. "Akala ko ba naiintidihan niyo 'ko? Simpleng tanong lang at paggamit ng commonsense hindi niyo pa nagagawa. Ang basic lang ng mga examples na binibigay ko,"
She shook her head once again, "Okay. Unearned Rental Income, 70,000, debited. Rental Income, 70,000, credited. Why? Paano naging 70,000? 120,000 divide 12 months is 10,000 and 10,000 times 7 months is 70,000. Saan ang galing ang seven months? Kasi ang sabi sa problem, started in June 1 up to December 31..."
The discussion continued while my mind was flying somewhere. Fifteen minutes before the actual time, Mrs. Bawasan dismissed us already. Agad kaming lumabas ni Joana ng campus at kumain sa karinderya sa labas. Medyo punuan na ang mga lamesa dahil lunch break, mabuti na lang ay mayroon akong kakilala at saktong tapos na sila kumain kaya roon na kami umupo. Si Joana na ang umorder ng sisig para sa'kin, nagpadagdag pa ako ng isang extra rice at softdrinks.
Habang hinihintay si Joana ay may biglang pumasok sa karinderya na grupo ng mga SHS. Iyong barkadahan na naman nina Luke. It's been two weeks since the last time I saw that boy. Iyon pa 'yong time na bigla siyang sumulpot sa harapan ko para hiningin 'yong number ko tapos biglang nagwalk-out.
Weird, mukha siyang tanga sa part na 'yon.
Nahihirapan silang humanap ng table kaya tinaas ko ang kamay ko para tawagin sila. Unang lumingon sa akin ay si Luke. Nanlaki ang kaniyang mga mata tapos pasimpleng tumago sa likuran noong isa pa niyang kaibigan na lalaki.
Kasunod na lumingon sa akin ay iyong mga kaibigan niyang babae. Malawak ang kanilang ngiti, kumaway sila at lumapit sa akin.
"Hi po," pagbati sa akin noong isang babae na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.
Sa kanilang apat ay si mahiyaing Luke pa lamang ang nakikilala ko.
"Hi," I greeted back, "Gusto niyong maki-share sa amin ng table? May space pa naman at saka dadalawa lang kami rito."
"Sige ate, sure!" sagot noong babae at akmang ipapatong na sa upuan ang kaniyang bag nang pigilan siya ni Luke.
"S-Sa iba na lang kaya tayo kumain?" dinig kong bulong ni Luke sa kaibigan niya.
"Ano ka ba! Hindi naman malalaman ng Mommy mo na sa karinderya ka kakain unless sasabihin mo," tugon no'ng kaibigan niya.
"Oo nga pre at saka gutom na gutom na talaga ako. Hindi kaya ako kumain ng almusal." sabi pa noong isang kaibigan niyang lalaki.
"Hindi kasi 'yon ang problema eh..." mahinang sagot niya at sumulyap sa akin bago bumuntong hininga, "Sige na nga."
Inilagay muna nila sa table naming ang kanilang bag bago pumila para maka-order na. Naiwan si Luke na tahimik na nakaupo sa harapan ko. Nakayuko siya habang pinaglalaruan ang mga kamay niya. Kaming dalawa lang ang naiwan sa table. Si Joana naman ay hindi pa rin bumabalik, nakapila pa roon.
Itinungkod ko ang aking siko sa lamesa at ipinatong ang baba sa kamay habang tinititigan ang mahiyaing si Luke. Kapansin-pansin din ang pamumula ng kaniyang mukha at tainga kahit hindi ito nakatingin sa akin.
"Ba't nangangamatis ka?" I blurted out.
His eyes widened as he looked at me.
"Ano?" Gulat na aniya.
I bit my lip to suppressed my laugh. Ang cute, tangina.
"I mean, bakit namumula ka? Okay ka lang ba? Naiinitan ka ba? Kailangan mo ng aircon-"
"O-Okay lang ako Ate," he cut me off.
Umarko ang kilay ko bago sumilay ang mumunting ngisi sa labi. I crossed my arms and looked at him intently.
"Huwag mo na 'kong tawaging ate. Hindi naman kita kapatid," kunwari'y pagsusungit ko.
He bit his lower lip while nodding his head, "Okay sorry."
Hindi rin nagtagal ay bumalik na rin si Joana pati ang mga kaibigan ni Luke dala ang mga inorder na pagkain.
"Gwapo no'ng Luke ah," bulong ni Joana nang maupo ito sa aking tabi.
"Pangit ka. Hindi ka type niyan." I whispered back.
Nagsimula na kaming kumain. Ayos at masaya naman kausap 'tong mga SHS. Nakilala ko na rin sila sa pangalan. Iyong palaging ngumingiti at bumabati sa akin ay si Aivee. Iyong isa niyang kasamang babae ay si Mella at ang isang lalaki ay si Jovani. Grade twelve students, STEM.
Matapos namin kumain ay sabay-sabay na rin kaming lumabas ng karinderya at bumalik sa campus. Magpapaalam na sana kami ngunit tinawag ako ni Aivee at pinalapit sa kanilang magkakaibigan.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
Nahihiyang ngumiti si Mella sa akin at siniko si Jovani. Ngumiti rin sa akin si Jovani at siniko naman si Luke. Nanlaki ang mga mata nito at umiling.
"Kayo na ang magsabi," saad niya sa mga kaibigan na mas ipinagtaka ko.
"Sabihin ang alin?"
"Ako na nga! Ako na ang magsasabi!" Aivee hissed at them then faced me, "Ganito kasi 'yan ate. Mayroon kasi kaming performance task para sa isang subject at kailangan naming mag-interview ng isang college student. So naisip namin na baka puwedeng ikaw-"
"Puwede naman," I cut her off. "Kailan ba? Hindi ako available ng weekdays."
She grinned, "Saturday ate. Okay lang?"
"Sure,"
"Nice! Si Luke kasi ang mag-iinterview sa'yo kaya kayo na lang dalawa ang mag usap." Masayang usal ni Jovani bago tapikin sa balikat si Luke.
Magrereklamo pa sana si Luke ngunit agad nang kumaripas ng takbo palayo ang mga kaibigan niya. Tila natuod si Luke sa kinatatayuan niya, ang mga mata nito ay nakatuon lamang sa semento. Hindi nag aangat sa akin.
His lips were trembling and I can see how uncomfortable and nervous he was. I pursed my lips and put my hands inside the secret pocket of my blouse.
"Sabihin mo sa akin kung saan tayo magkikita at anong oras," Panimula ko.
Unti-unting umangat ang tingin niya sa akin.
"Uh..."
Napasimangot ako at napakamot sa ulo, naiinis na. Nawe-weirduhan na talaga ako sa kaniya. Hindi naman ako nangangagat pero parang takot na takot siya sa akin. Wala naman akong gagawin na hindi maganda sa kaniya.
"Alam mo, mukha namang hindi ka interesado. Humanap na lang kayo ng ibang iinterviewhin." Akmang tatalikuran ko na siya ngunit bigla siyang tumakbo sa harapan ko habang nakadipa ang mga braso, pinipigilan ako.
"No, sorry!" Natatarantang aniya.
I arched my brows. Nanginginig ang kamay niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at inabot sa akin.
"I-Ilagay mo riyan number mo. Ite-text kita kung saan or kalian."
Sandali ko siyang tinitigan bago tinanggap ang nakalahad na cellphone. Nilagay ko ang numero ko at ibinalik agad sa kaniya.
"Ahm, ite-text na lang kita," He uttered and forced a smile.
"Sige. Una na 'ko." Ginulo ko ang buhok niya at mabilis na naglakad palayo.
Mukhang nainip yata si Joana kaya hindi na niya ako hinintay. Naroon na sa loob ng classroom ang Professor nang makarating ako. Late na naman, pucha.
Matapos ang panghapon na klase ay dumiretso uwi na ako sa dorm. Habang nagtitimpla ng kape ay biglang nag-vibrate ang phone ko na nakapatong sa lamesa. Binitawan ko ang kutsara at chineck ang message.
It was from unknown number.
"This is Luke. Save my number. Infinitea, 2pm."
Iyon ang nilalaman ng text. Magrereply na sana ako nang makatanggap na naman ako ng kasunod na mensahe mula sa kaniya.
"Sunduin na lang kita sa Saturday."
My forehead knotted and typed my reply, "Huwag na," ngunit sa kasamaang palad...naalala kong wala nga pala akong load.
I sighed and shrugged my shoulders. Bahala na, pupuntahan ko na lang siguro siya bukas.