Mabilis lumipas ang araw at ngayon na ang oras kung kailan kami magkikita ni Luke para sa interview kuno. Kanina pa ako nakatulala sa cabinet ko habang nag-iisip kung anong dapat kong isuot. Isa 'to sa struggles naming mga babae. Kahit napakaraming damit na ang nakahayang sa harapan namin, wala pa rin kaming mapili. Sa pakiramdam ko'y kulang pa rin ang mga damit na mayroon ako.
Problemado akong umiling at bumuntong hininga. Dapat ba akong magdress or dapat casual lang? Interview lang naman 'to so okay lang siguro kung simpleng damit lang 'noh? Or nakakahiya rin naman kung pupunta ako 'ron nang hindi man lang nag-ayos kahit papaano, right?
Kinuha ko ang isang beige satin dress na above the knee. Sinukat ko iyon sa harap ng salamin at napasimangot ako. Jusko, mukha akong pupuntang bar sa itsura kong 'yon. Nakakahiya, baka sabihin ay masyado kong pinaghandaan.
Bumalik ulit ako sa cabinet at pumili ng iba. After an hour, I ended up wearing an oversized shirt paired with black leggings. Gusto ko sana ay croptop since mas maginhawa at mas komportable iyon para sa akin pero dahil nga naka-leggings ay hindi ko puwedeng isuot iyon. You know why naman...baka mayroong bumakat down there.
Naglagay din ako ng light make up. Kinuha ko ang aking sling bag at doon inilagay ang mahalagang gamit kagaya ng cellphone, wallet at pepper spray. Nakasanayan ko na ang magdala ng pepper spray just to protect myself if ever na may magtangka sa aking mangharass or what. Hindi ko naman sinabing effective 'yon sa lahat pero hindi na rin masama.
Lumabas na ako ng dorm. Nakasalubong ko pa si Nez sa hagdan na mukhang katatapos lang maglaba dahil may hawak pa siyang timba at ilang pirasong hanger.
"Oh, saan ka pupunta? May date ka?" pag-uusisa niya.
"Oh, bakit ang chismosa mo? Inggit ka?" I laughed when she glared and slapped my arms.
"Peste ka. Umalis ka na nga," aniya sa tila pagalit na boses.
Tumawa ako at kumaway bago tuluyang lumabas ng gate. Nag-abang ako ng jeep papuntang bayan. Hindi naman ako nahirapang makasakay since Sabado ngayon at hindi rush hour.
Mabuti na lang ay napilit ko si Luke at mga kaibigan niya noong sinabi kong ayaw kong magpasundo. Kaya ko namang pumunta 'ron at isa pa, out of the way rin si Luke. Sa bayan lamang siya nakatira malapit kila Miguel kaya ang hassle kung susunduin pa niya ako. Pumayag na rin ako noong sinabi niya na sagot na niya ang pagkain. Walang problema sa'kin iyon, kung gusto niya samahan pa niya ng alak, eh.
Nang makarating ako sa Infinitea ay agad ko siyang natanaw. Nakaupo siya sa pandalawahang table. Mukha siyang inip na inip sa hilatsa pa lang ng mukha niya. Tamad siyang nakasandal sa upuan habang pinaglalaruan ang ibang labi.
He was wearing a black shirt, pinatungan niya iyon ng denim jacket, ang kaniyang pang-ibaba ay denim ripped jeans and it was paired by white sneaker shoes. He was also wearing a specs. His hair was a little bit messy but it looks more attractive. Nakakatuwa lang dahil kahit wala siyang masyadong pinapakitang emosyon ay mukha pa rin siyang inosente at malambot.
Hindi yo'ng malambot na parang bakla. Basta para siyang lalaking version ni Maria Clara, mahinhin at mukhang mahiyain.
Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. He immediately stood up and scanned me from head to foot. His lips parted as he tried to looked away. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang biglang pamumula ng kaniyang pisngi at tainga.
Palagi na lamang ganiyan ang reaksyon niya sa tuwing nakikita niya 'ko. Minsan talaga naiisip ko na lang nab aka crush niya ako. Ganoon kakapal ang mukha ko at ganoon ako ka-assuming.
"Hi," I greeted.
He faked a cough and fixed his specs, still looking away from me.
"Hi," He greeted back using a casual tone.
Sinenyasan ko siyang umupo na agad din naman niyang sinunod. I took a glanced at my wristwatch. Late na pala ako ng ten minutes.
"Sorry kung pinaghintay kita. Kanina ka pa ba rito?" pagsisimula ko sa usapan.
"Uh...kanina pa p-pero ayos lang naman. Maaga lang akong umalis sa amin." He nervously smiled at me and stood up. Tiningala ko siya. "Anong gusto mo? Ako na ang mag-oorder."
"Wintermelon Milk tea na lang. Libre mo naman ako, 'di ba?"
He nodded.
"Okay. Dagdagan mo na rin ng Cheesy Beef Fries at Cheesy Beef Nachos." I added.
He nodded again while biting his lower lip, trying to suppressed a smile. "Uh-huh, iyon lang ba?"
Tumingala ako at nag-isip pa. I snapped my fingers in the air when pasta flashed into my mind.
"Dagdagan mo pa ng Chicken Carbonara-"
"Okay, I got." Hindi na niya napigilan ang pagngiti. His eyes were filled with amusement. "Mukhang hindi ka talaga kumain para masulit 'tong panlilibre ko sa'yo o sadyang gutom ka lang?"
I crossed my arms and raised my brows. Kunwari ay galit ako. Gusto ko lang makita kung anong magiging reaksyon niya.
"Nagrereklamo ka ba? Kasi kung ganoon, aalis na 'ko." Isinukbit ko ang aking sling bag sa balikat at akmang tatayo na ngunit pinigilan niya ako.
"N-Nagjo-joke lang ako," Nanginginig ang kaniyang boses at bakas ang pagkataranta sa mukha.
Hindi ko na napigilan ang tumawa dahil ang epic talaga ng itsura niya. Umalingawngaw ang halakhak ko sa loob ng Infinitea dahilan para maglingunan sa akin ang ilang customers pati na rin iyong crew at cashier.
"Joke lang din 'yon," I said, smirking.
Tumikhim si Luke, he looked so embarrassed. "Uh n-nice, joker ka pala." Tapos ay alanganin siyang tumawa.
Mabilis namang natapos ang interview. Nagtake rin kami ng pictures bilang proof daw sa teacher nila hindi inimbento ang mga sagot. Hindi rin kami umalis kaagad dahil pinipilit kong ubusin ang mga pagkain na inorder niya para sa akin. Pinipilit ko na lamang kainin ang mga iyon kahit na parang sasabog na ang tiyan ko sa sobrang kabusugan.
It was already 5:30 in the afternoon. Medyo makulimlim ang ulap, uulan pa nga yata kaya nagdesisyon na kaming umuwi na. Inayos ko muna ang sarili at magkasabay kaming lumabas ng Infinitea. Ngunit sa kasamaang palad, biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"Tangina naman ang hassle," I whispered as I looked above the dark and heavy clouds. Mukhang matagal pa yata bago tumila ang ulan.
"Rose," Luke called me.
Kunot noo ko siyang nilingon. Mahina akong tumawa nang makita siyang pilit na iniiwas ang suot niyang puting sapatos sa tilamsik ng ulan. Hinawakan ko siya sa braso at tinago sa likuran ko para hindi tuluyang magdumi ang suot niyang sapatos at para na rin hindi siya Mabasa.
His breath hitched and his eyes widened in my sudden move. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon.
Nag-aalala ako sa kaniya dahil gumagabi na, baka hinahanap na siya ng magulang niya. Mukhang hindi pa naman agad titila ang ulan.
"Paano ka uuwi?" tanong ko at matagal siya bago makasagot.
"Susunduin ako no'ng driver namin. Uh, ihahatid na kita," He offered at agad ko iyong tinanggihan.
"Hindi na. Kaya ko naman umuwi mag-isa at saka hassle rin kung ihahatid mo pa ako."
"Pero-"
I cut him off. "Hindi na nga, Luke. Promise, kaya ko na ang sarili ko."
He sighed, defeated. Hindi ko makita kung anong reaksyon niya dahil nakatago siya sa likuran ko.
"Okay, I won't force you but..." He trailed off, "But can you send me a message when you get home?"
I pursed my lips and faced him, "Sure."
He let out a small and genuine smile. Ilang saglit pa ay dumating na ang sundo niya. Isang beses pa niya ulit akong pinilit pero tinanggihan ko pa rin siya.
"Ingat ka," Saad ko.
"Ingat ka rin, Rose." Tugon niya at hinubad ang suot niyang denim jacket. Ipinatong niya iyon sa balikat ko. "Use this para hindi ka lamigin pag-uwi. Text me when you get home, alright?"
Nagulat man ako sa ginawa niya ay sumagot pa rin ako sa pamamagitan ng paggulo sa kaniyang buhok. He licked his lips and looked away, nagbla-blush na naman. Hanggang sa makasakay siya sa kotse at makaalis ay sinundan ko iyon ng tingin.
Humigpit ang kapit ko sa jacket. Amoy na amoy ko ang matapang at mabango niyang perfume, malayong malayo sa personality niyang malambot at mahiyain. I chuckled and shook my head.
Ang cute niya talaga.
Punuan na ang mga jeep kaya nahirapan akong makasakay. Nang tumila ang ulan ay inilabas ko ang aking cellphone at tinawagan si Damian.
"Oh?" tamad niyang sagot mula sa kabilang linya.
"Anong ginagawa mo, Dammy? Busy ka?" I bit my lip.
"Ah may ginagawa ako. Bakit?" sagot niya.
"Magpapahatid sana ako. Eh busy ka pala kaya huwag na-"
He heaved a sigh. Rinig ko ang pagkalampag ng susi niya, "Papunta na 'ko. Nasaan ka ba?"
"Infinitea,"
"Okay papunta na ako," then he ended the call.
Wala pang limang minuto ay dumating na si Damian at hinatid ako sa dorm. Nagpaalam na rin siya matapos niya akong ihatid. I texted Luke na nakauwi na ako ngunit wala na akong nakuhang reply mula sa kaniya. Iyon na rin ang huling pagkikita namin dahil naging abala na ako sa mga sumunod na araw at buwan.
Hindi na muli pang nagkrus ang landas namin at okay lang naman 'yon sa akin.