Chapter 6

1061 Words
"Uwi na tayo guys. Bukas ulit." Saad ko sa mga ka-grupo ko sa P.E. "Huh? Ayaw niyo nang magpractice? Mamaya na tayo umuwi," Sagot naman noong isa kong kagrupo. "Uuwi na kami. Kung gusto mo pang magpractice, ikaw na lang. Maiwan ka rito." Inirapan niya ako at padabog na nilapitan ang kaniyang bag. Sinadya pa niyang banggain ang balikat ko. I just smirked and shrugged my shoulders. Balewala na sa akin ang ganoong klaseng pagtrato. People love and hate me at the same time. Mahilig akong mambara at mang-real talk ng ibang tao. Prangka ako at wala akong pakialam kung anuman ang mararamdaman ng ibang tao sa sasabihin ko. Basta ako, sasabihin ko kung anong nakikita ko at kung ano ang totoo, nasa sa iyo na iyon kung didibdibin mo o hindi. Kung nasaktan ka man sa sinabi ko, problema mo na 'yon. Truth hurts, ika nga. Pero kung hindi ka naman nasaktan, edi mabuti.  Mangilan-ngilan na lamang ang natitirang estudyante sa loob ng campus. Anong oras na rin kasi. Mukha ngang wala pang balak umuwi 'tong mga ka-grupo ko ngunit bakas na talaga ang pagod sa kanilang mga mukha. Buong maghapon ang klase namin kanina, tinadtad pa kami ng activities at quizzes lalo na sa accounting. Pagkatapos noon ay dumiretso na kaagad kami sa ibang bakanteng room para roon magpractice ng yoga na ipe-perform namin bukas. Iyong performance namin ang magsisilbing midterm exam sa P.E. Nang makarating sa main gate ay agad na rin kaming nagpaalam sa isa't isa. Lumakad ako patungong pedestrian lane. Mahigpit akong humawak sa strap ng aking bag habang lumilingon sa kaliwa't kanan, hinihintay na humupa sa kalsada ang mga rumaragasang sasakyan. Napalingon akong muli sa gate dahil sa maiingay na pamilyar na lumalabas doon. It was Luke with his friends. He was smiling from ear to ear ngunit agad yo'ng napawi nang magtama ang paningin naming dalawa. "Oh hi, ate Rose!" Aivee greeted me with a wide smile. Binati rin ako ni Mella at Jovani while Luke focused himself to his phone. Binalik ko ang tingin sa tatlo at binigyan sila ng matamis na ngiti, "Hi, uwi na kayo?" "Ay hindi ate, papasok pa lang." Pamimilosopo ni Jovani at tumawa pa ng malakas. "Sige, Jovani. Ingat ka pagpasok." I answered, still smiling. Umiling si Mella at pasimpleng sinamaan ng tingin iyong kaibigan niyang lalaki. Nang may tumigil na jeep na patungong Pila ay mabilis silang nagpaalam sa akin at kay Luke. Pinanood ko muna silang sumakay sa jeep at nang makaalis na iyon ay saka ko binalingan ang tahimik na lalaking nasa likuran ko. I glanced at my wristwatch and roamed around my eyes in the surroundings. Madilim na ang paligid at wala nang masyadong estudyante. "Hi! Hindi ka pa uuwi?" I asked, breaking the deafening silence between us. His lips were formed into a grim line as he shook his head. "Bakit?" tanong ko ulit. "Hinihintay ko pa ang sundo ko," He uttered coldly. My lips parted a bit. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Seryoso ba? At the age of seventeen or eighteen, sinusundo pa rin siya? Hindi ba't nakakahiya naman na 'yon? I sighed and nodded, "Oh sige, sasamahan na kitang maghintay." Nanlaki ang mga mata niya, gulat na gulat sa sinabi ko. Gustuhin ko mang bawiin ang sinabi ko dahil bigla kong naalala na kailangan ko pa nga palang labhan ang uniform ko ngunit hindi ko na binawi pa. His safety was more important than that. Sa lamya niyang iyan, imposibleng makalaban siya sa mga loko-loko riyan sa gilid. "Hindi na. Ahm, may pupuntahan pa rin kasi ako," Kinakabahang aniya. I arched my brows and crossed my arms, "Saan? Sasamahan na kita." "No need! Magje-jeep a-ako." "I bet you can't a ride a jeep alone?" Muling napaawang ang labi niya kasabay nang pag-iwas ng tingin. Kahit madilim ay hindi pa rin nakaligtas sa mga mata ko ang pamumula ng kaniyang mga pisngi. "Saan ka ba pupunta?" "Mall," My forehead knotted, "Sa mall ka pala pupunta, bakit hindi ka pa sumabay kila Aivee?" Ilang saglit muna siyang tumitig sa akin bago iniwas ang tingin. "I-I just want to check if you went home safe," he whispered. Napatunganga ako sa kaniya. Sinubukan kong ibuka ang mga labi ko ngunit wala namang lumalabas na kahit isang salita man lamang. My heart was pounding swiftly and there were some sensations tickling my stomach that I couldn't name. This feeling was weird and quite unfamiliar to me. I shrugged it out and offered my hand. "T-Tara na," Saad ko, hindi pinahalata ang panginginig ng boses. Bumuntong hininga siya bago unti-unting tinanggap ang nakalahad kong kamay. When our skin touched, I felt weird electricity runs through my veins. Tila napaso ako sa init ng malambot niyang palad. Sinabayan pa iyon ng mabilis na t***k ng aking puso. "Alright, I'll just text my driver. " He tightened his hold. Ang isa niyang kamay ay nagsisimula nang magtipa ng mensahe sa cellphone. Mariin kong kinagat ang aking labi at tumango. Sa kasamaang palad ay siksikan ang jeep na nasakyan namin. Nasa pinakadulong bahagi kami at magkaharap na dalawa kaya malaya kong natititigan ang maamo niyang mukha. He looked uncomfortable, panay rin ang pagpunas niya ng pawis sa kaniyang noo. Sa tuwing dumidikit ang hita niya sa katabi niya ay napapangiwi siya. I chuckled. Ang arte. Binuksan ko ang aking wallet at kumuha ng sixteen pesos doon. Akmang iaabot ko na iyon nang pigilan ako ni Luke. "I'll pay for us," Aniya, "Are they accepting cards?" Dagdag pa niya sa inosenteng tinig. Tumaas ang kilay ko bago bumunghalit ng tawa. "Cards? Ano bang klaseng card? Advantage card-" "No! What I mean is credit card?"  "Pffft." Pinalobo ko ang aking pisngi, pinipigilang tumawa ng malakas.  He pouted, "Why are you laughing?" "Ako na ang magbabayad, Luke." I winked at him. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at inabot na ang barya sa pasaherong katabi ko. "Makikiabot po. Dalawang sunstar mall po, estudyante." Manghang pinapanood ni Luke kung paano pagpasa-pasahan ng mga pasahero ang bayad namin hanggang makaabot iyon sa driver. Luke held his nape and whispered, "So they are not accepting cards." I shook my head. Tumingin na lamang ako sa bintana habang pilit pa ring pinipigilan ang pagngiti. How can he be innocent yet so cute at the same time? Langya, binabaliw ako ng batang ito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD