Chapter 7

1158 Words
"Mama's boy ka?" Nabitin sa ere ang sinusubo niyang french fries at naiwang nakanganga ang bibig dahil sa tanong ko. He looked so shocked with my sudden question. "H-Hindi naman," Tumango ako at isinawsaw sa ice cream ang french fries na hawak ko. Nang maisubo iyon ay pumalumbaba ako at tinitigan siya. "Ngayon lang kasi ako nakarinig na grade twelve student na pero sinusundo pa rin ng driver..." I chuckled. "Actually, kung walang Kto12 dapat college ka na rin, eh." Humalumbaba rin siya sa lamesa at bumuntong hininga. Kasakuluyan kaming kumakain ng dinner sa isang fast-food chain dito sa loob ng mall. Mayroon siyang biniling regalo sa isang clothing boutique na aniya'y ireregalo raw niya sa Mommy niya next week. "My mom is kind of strict and she ruled over me." he sighed and stared at his food, "That's the way of showing her love for me I guess..." "Hindi ka naman ba nasasakal sa ginagawa ng Mommy mo? I mean, nage-gets ko na strict siya kasi natural lang naman 'yon sa isang ina but don't you think that your mother is too much?" May rumehistrong pait sa kaniyang mga ngiti ngunit agad din naman iyong nawala. "Wala akong magagawa 'ron, Rose. To be honest, ang dami kong gustong gawin sa buhay pero hindi puwede kasi b-baka magalit si Mommy. Siya lang ang puwedeng magdecide-" I cut him off. "Ano bang mga bagay na hindi mo pa nagagawa pero gusto mong gawin?" Sandali siyang natahimik bago muling ngumiti nang matamis sa kawalan, "Pangarap kong maka-experience kumain ng street foods, tumambay sa park, mag-cut ng klase kahit isang beses lang, manood ng sine, maglaro ng arcade, sumabit sa jeep at kung anu-ano pa. Iyong karaniwang ginagawa ng mga simpleng kabataan." I nodded and gave him a warm smile. Ngayon ko na-realize na magkakaiba pala talaga ang mga magulang. May ibang sobrang strict na halos masakal at mawalan na ng kalayaan ang mga anak nila. Mayroon din namang sakto lang at mayroong ding sobrang luwag na halos pabayaan na ang mga anak nila. As I stared at Luke, hindi ko maiwasang makaramdam ng awa. He should be enjoying his life and learning how to be independent on his own ngunit hanggang ngayon ay masyado pa rin siyang nakadepende sa desisyon ng kaniyang mga magulang. "Ikaw, anong klase ng parents ang mayroon ka?" he asked. I pursed my lips because of his question. Bigla akong napatanong sa sarili ko. Oo nga, anong klaseng magulang nga ba ang mayroon ako? May magulang pa ba ako? Parang wala na nga yata, eh. Hindi ko maramdaman. Simula noong pinalayas ako ay hindi ko na muli pang nakausap ang ama ko. Iyong ina ko naman, madalang pa sa patak ng ulan kung tumawag. I smiled weakly and shrugged my shoulders. "Wala silang pakialam sa akin." It was funny, right? Kung gaano ka-strict ang mga magulang niya. Ganoon naman ka-luwag ang mga magulang ko sa akin. Matapos kumain ay sakto rin ang pagtawag sa kaniya ng Mommy niya. Natataranta siyang lumabas ng fast-food chain habang nakasunod lamang ako sa kaniyang likuran at pinapanood ang bawat galaw niya. "Yes, Mommy." he nervously answered and bit his finger. Hanggang sa makalabas kami ng mall ay hindi pa rin natatapos ang tawag. Sumulyap siya sa akin at matipid na ngumiti. Tumango naman ako at kinagat ang aking labi, medyo dumistansya ako ng kaunti ngunit hindi pa rin inaalis ang mga mata sa kaniya. Nagpakawala siya ng buntong hininga bago lumapit sa akin. "Sorry ha? Kanina pa pala ako hinahanap ni Mommy. K-Kailangan ko nang umuwi," "Walang problema," Paninigurado ko, "Paano ka nga pala uuwi? May susundo ba sa'yo?" He nodded, "Mayroon, iyong pinsan ko po. Si Markcus. Ihahatid ka na namin-" "Ay hindi na! Kaya ko naman na ang sarili ko. Hintayin na lang natin iyong sundo mo," "Pero-" "Okay lang ako, Luke." Pag-uulit ko kaya wala na siyang nagawa pa. Hindi rin naman nagtagal ay may tumigil na isang itim na motor sa harapan namin. Iyon na yata ang sundo niya. Nagpaalam na kami sa isa't isa ngunit bago siya tuluyang makasakay ay tinawag ko siyang muli. "Luke, if you want to chase your dreams, sometimes you need to break the rules." His forehead knotted. "W-What do you mean?" Instead of answering him, humakbang ako papalapit at ginulo ang kaniyang buhok. Walang pasabi akong tumalikod at tumawid patungo sa kabilang kalsada. The next day, na-late na naman ako sa klase kaya hindi ko naabutan ang discussion sa accounting. Ang ending? Bagsak sa unang quiz. Sa pangalawang quiz naman, naka-balance ako sa trial balance. Proud na proud pa ako, kinginang 'yan. Mali naman pala. Nang matapos ang pang-umagang subject ay napagdesisyunan kong idaan na lamang sa kain ang lahat pero bukod doon ay mayroon pa akong ibang plano. "Joana, hindi ako sasabay kumain sa'yo ngayon." I said while putting all my things inside my bag. "Huh? Bakit?" "May pupuntahan ako," sagot ko. Mabilis akong tumayo. Tinapik ko siya sa balikat bago ako lumabas ng classroom. Mayroon pa siyang sinasabi na hindi ko naman maintindihan. Malalaki ang hakbang kong tinahak ang SHS Building. Napangiti ako nang makita ko si Luke sa labas ng classroom nila kasama sina Aivee. "Hi." I greeted and his lips parted, natameme pa sa akin. Binati rin ako ng mga kaibigan niya at sinuklian ko naman iyon ng matamis na ngiti bago harapin ang tulala pa ring si Luke. "Tara, sumama ka sa'kin." I held his pulse. "Huh? Saan tayo pupunta?" naguguluhang aniya habang hinahatak ko siya palayo sa mga kaibigan niya. I showed him my big smile and answered, "Gagawin natin iyong ilan sa mga bagay na gusto mong gawin." He looked so stunned for a bit pero kalauna'y tumawa at sumang-ayon siya sa akin. Nang makalabas kami ng campus ay para siyang batang excited. Nauna pa siyang tumakbo patungo roon sa stall ng street foods. "They are not accepting cards ha?" I joked. Muntik na siyang mabulunan sa sinabi ko kaya agad kong inabot sa kaniya ang gulaman na hawak ko. Walang pagdadalawang isip niya iyong kinuha sa akin at ininom. I roared a laughter. Sinamaan niya 'ko ng tingin. "Huwag mo na ngang ipaalala sa akin 'yon, please. First time kong sumakay ng jeep kahapon kaya ganoon and that was embarrassing." His mouth twisted. Pagkatapos naming kumain ay pumunta naman kami sa mall para maglaro ng arcade at manood ng sine. Oo, hindi kami pumasok noong hapon na iyon. Halos lahat yata ng mga gusto niyang gawin ay nagawa namin noong araw na iyon. Kulang na lamang ay kapusin kami ng hininga kakatawa. I was so amazed that I saw the hidden side of Luke. Malayong malayo sa Luke na mailap at mahiyain. The way he burst out into laughter...it was just satisfying to see. And whenever I looked athim, my heart was beating so fast that I can't even tamed it. In his smile, I saw something more beautiful than the stars. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD