Chapter 8

1883 Words
"Hindi ka na naman sasabay maglunch sa akin?" Kunot noong tanong ni Joana. Mula sa notebook ay inangat ko ang paningin ko sa kaniya. Bakas ang pagtataka at pagdududa sa kaniyang mukha habang naniningkit ang mga mata sa akin. "Hindi," I replied casually. It's been one week since the last time na sumabay ako sa kaniyang kumain ng lunch. Madalang na rin akong sumama sa mga hang-outs naming magkakaibigan dahil mas madalas ko ng kasama si Luke. As much as possible, ayaw kong malaman nila kung saan ako pumupunta at kung sinong kasama ko. Hindi ko naman kinakahiya si Luke but knowing my guy friends, alam kong papaulanan lamang nila ako ng tukso and baka hindi komportable roon si Luke. Simula noong lumabas kaming dalawa ay mas lalo pa kaming napalapit sa isa't isa but just to be clear, we're just good friends. When Saturday came, inaya ko si Luke na pumunta sa park para tumambay. Kumain lang kami ng kung anu-ano tapos naupo sa isang bench para magkwentuhan. Sobrang nakakatuwang pagmasdan na komportable na siya sa akin. He was talking about nonsense and corny jokes then laughed so hard. Sa totoo lamang ay mas natatawa pa ako sa kaniyang tawa kaysa sa joke. "Sa Friday nga pala birthday ni Mommy..." aniya. I looked at him and smiled, "Oh talaga? Happy birthday kung gano'n." "Thank you." he answered then bit his lower lip, para bang mayroon pa siyang gustong sabihin ngunit hindi niya masabi dahil nahihiya siya. My forehead knotted. "May sasabihin ka 'no? Sabihin mo na." I chuckled. "Eh kasi..." he looked down the floor and held his nape. "Gusto sana kitang i-invite." Unti-unting nawala ang nakapaskil na ngiti sa aking labi. Kasabay noon ang pag-usbong ng kaba sa aking dibdib. Iniimbita niya 'ko? Bakit? I haven't seen his mother personally. Sa picture pa lamang. Kilala ang pamilya ni Luke sa buong Santa Cruz dahil dati ngang Mayor ang ama nito. Ang sabi sa akin noong isang araw ni Miguel, mabait daw ang Daddy ni Luke pero iyong Mommy ang medyo ma-attitude dahil spoiled brat at anak mayaman since birth. I nervously laughed. "Bakit mo naman ako iniinvite? Hindi naman ako kilala no'ng Mommy mo." "Kaya nga ipapakilala kita, eh." Ngumuso siya at hinawakan ang dalawa kong nanlalamig na kamay, "Sige na, please? Para sa akin lang, Rose." Hindi pa nakuntento ang loko at nagpa-cute pa. "Pretty please? Please? Please?" Ang gwapo naman ng batang ito. How could I say no? Bumuntong hininga ako at marahang tumango. His eyes glimmered in happiness. Tila awtomatikong nawala ang kabang umuusbong sa dibdib ko nang makita ko kung gaano siya kasaya sa sinagot ko. Good luck na lang siguro sa'kin. Habang lumilipas ang araw ay mas lalong dumadagundong ang dibdib ko sa kaba. It was already Thursday pero pino-problema ko pa rin kung anong isusuot ko bukas. Sa sobrang hindi ko na alam ang gagawin ay pinuntahan ko si Damian sa bahay matapos ang klase ko. Naabutan ko pa ang loko sa labas ng bahay habang kinakalikot ang girlfriend niya. Motor ang girlfriend niya. Hindi ko ba alam dito sa kaibigan kong ito. Hindi naman sira iyong motor niya pero lagi na lang kinakalikot. May isang beses pa ngang nahuli ko siyang kinakausap niya iyong motor. Kinakabahan na talaga ako para sa kaniya. Sana okay lang siya. "Dammy!" tawag ko sa kaniya nang makababa ako ng tricycle. Naka-squat siya sa gilid ng kaniyang motor at tila mayroong tinitingnan. Lumingon siya sa akin at sinimangutan ako. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Anong ginagawa mo rito?" tumayo siya at pinagpagan ang kaniyang kamay. "Grabe namang tanong 'yan. Parang ayaw mo akong makita, ah?" Umirap siya at tinalikuran ako. "Talaga, buti alam mo. Sino ba namang gaganahan kung ganiyang mukha ang makikita mo?" Aba't tarantado 'to ah! Kinurot ko ang kaniyang braso dahilan para mapadaing siya sa sakit. Sinundan ko siya hanggang sa makapasok kami sa loob ng kaniyang bahay. Dumiretso siya sa kusina para uminom ng tubig. "Dammy, tulungan mo 'ko." Pinanood ko siya hanggang sa maubos niya iyong laman ng baso. Binaba niya iyon sa lamesa at tinitigan ako. "Saan naman?" walang emosyon niyang tanong. I sighed. Humila ako ng isang bangko sa dining table at umupo roon. "Kasi...birthday bukas noong Mommy ni Luke." He creased his forehead. "Sinong Luke at ano naman kung birthday no'ng Mommy niya? Invited ba ako?" "Siraulo ka talaga, Dammy!" Irita kong saad. "Si Luke Abaricia! Iyong anak noong dating Mayor-" "Oh? Close kayo? Kailan pa? Bakit ngayon ko lang nalaman 'to? Bakit? Paano? At saka kailan ka pa naging tirador ng Senior High-" "Puwede ba! Ang dami mong tanong! Mamaya ko na sasagutin 'yan." "Pero-" Padabog akong tumayo at nilapitan siya. "Samahan mo muna akong bumili ng damit na isusuot ko pero pautangin mo muna ako. Gipit ako ngayon." "A-Ano? Ngayon na?!" Gulantang na aniya. I smiled cutely and nodded. Umaayaw pa siya noong una ngunit wala rin naman siyang nagawa kalaunan. Umangkas ako sa motor niya hanggang sa makarating kami sa Sunstar Mall. Damian has a good taste when it comes to fashion. Magaling kasi siyang pumorma at kayang kaya niyang dalhin kahit na mula sa ukay-ukay lang ang suot niya kaya siya talaga ang unang taong pumasok sa isip ko na puwede kong hiningian ng tulong. And I know he wouldn't say no to me. Semi-formal lang naman iyong party sabi ni Luke. Hindi naman kailangan na pabonggahan talaga ng suot pero siyempre, gusto ko pa rin namang maging presentable kahit papaano. Iyong hindi ako magmumukhang basahan lang doon 'no. Nang sumapit ang mismong araw ng kaarawan ay siya pa mismo ang naghatid sa akin sa bahay nina Luke. I was wearing a pink off-shoulder long sleeve bodycon dress that was above the knee, paired with a three inches peep-toe heels. Nilagyan din ako noong kapatid ni Dammy ng light make-up. Aniya'y hindi ko na naman daw kailangan pang tadtarin ng kolorete ang mukha ko dahil maganda na ako. I just flipped my hair and smirked. I know right! Pagbaba ko pa lang sa motor ay halos matulala at mapanganga ako sa ganda ng mala-mansion nilang bahay. Ang mga mamahaling sasakyan ng bisita ay nakahilera sa labas. Napako ang mga paa ko sa semento. Bigla akong nanliit at humigpit din ang hawak ko sa regalong dala ko. Sa tingin ko'y hindi ako nababagay dito. "I-update mo kami nina Migs from time to time." Pinakita niya sa akin ang kaniyang cellphone. "Susunduin ka namin ng 10 pm." "A-Ano?!" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Ang OA! "10 pm? At saka, sinong 'namin'?" Singhal ko. Sumimangot siya at sinenyasan akong tumahimik, "Ssshhh! Lower down your voice, kupal. Oo, 10 pm. Susunduin ka namin nina Miguel. Naichat na rin namin si Luke kaya huwag ka nang magreklamo riyan." Sasagot pa sana ako kung hindi lang lumabas si Luke sa magarang gate para salubungin ako. Muntik na akong mapanganga sa kagwapuhan ng batang nasa harapan ko. He was wearing a white dress shirt and khaki pants. Lantad ang matipuno nitong dibdib dahil nakabukas ang tatlong butones ng suot niyang pang-itaas at nakarolyo ang manggas hanggang sa siko which fits perfectly with his messy hair. He stared at me with his lips were partly opened. Kung hindi pa tumikhim si Damian ay hindi pa siya makakabalik sa ulirat. Kumurap siya at umiwas ng tingin sa akin. Ibinaling niya ang mga mata kay Damian na ngayon ay mayroong nakakalokong ngisi sa labi habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. "You wanna come inside po?" magalang na tanong ni Luke kay Damian kaya hindi ko na napigilan ang magpakawala ng mahinang tawa. Damian chuckled and shook his head, "Babalik na lang kami mamaya para sunduin 'yang kaibigan namin. Sige, una na 'ko." He nodded at Luke then tapped my shoulders. Pinagmasdan muna naming itong sumakay sa kaniyang motor at umalis. Nang mawala na sa aming paningin si Damian ay saka ko pa lamang hinarap si Luke and to my surprised, mukhang kanina pa ito nakatitig sa akin. I arched my brows and laughed a bit. "Kanina ka pa nakatingin sa'kin, Luke? Crush mo ba ako o nagagandahan ka sa'kin?" His reaction was like he was caught off guard with my question. It was just a joke, though. "Puwede both?" He nonchalantly asked. I didn't expect that kind of answer. Anong puwedeng both? Does it mean crush niya ako at nagagandahan siya sa akin? Nanlaki ang mga mata ko at naramdaman ko ang mabilis na pag-iinit ng mga pisngi ko. Tangina. Iyon lamang ang sinabi niya pero bakit sobrang bilis ng kalabog ng dibdib ko? Tss, gutom lang 'to. Gutom lang 'yan, Rose. You were just joking. Don't take it seriously. I calmed myself. I heaved a sigh then offered him my hand. "Tara na sa loob?" He stared at it for a bit before nodding his head. Tinanggap niya ang nakalahad kong kamay at nagsimula nang humakbang papasok. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagkagat niya sa ibabang labi habang pinipigilan ang pagngiti. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa mga kamay ko. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko roon. My heart was racing so fast and I can feel some butterflies flying inside my stomach. Pasimple akong kumawala hawak niya. Kunwari ay nagkakamot ako ng likod. Nang makapasok kami sa bulwagan ng kanilang malaking bahay ay sumalubong sa amin ang malamyos na tugtog, malalakas na tawanan at kwentuhan. I saw some familiar faces, karamihan ay mga politiko. Muntik ng umikot ang mga mata ko nang makita iyong dati naming Mayor na wala namang nagawa sa bayan. Mas umunlad ang buhay niya kaysa sa bayan namin. Awit sa'yo, Mayor. I really hate politics. Bilang lang talaga sa daliri kung sino ang totoo at tapat na maglilingkod. Iyong karamihan ay inaabuso lamang ang kapangyarihan na mayroon sila. Sinasamantala at ginagamit lamang para sa sariling kapakanan at hindi iniisip ang kapakan ng mga nasasakupan niya. At iyong ibang tao naman, bulag na bulag sa politiko at kulang na lang ay sambahin iyong tao. Kahit mali na at hindi na tama, pilit pa rin nilang ipinaglalaban. Hah! Well, kung mas mahal mo iyong politiko kaysa sa sarili mong bayan o bansa, hindi ka makabansa. Panatiko ka lang. At kumbaga sa showbiz, papanoorin mo lamang iyong isang programa o pelikula dahil die-hard fan ka noong artista at hindi dahil gusto mo talaga iyong papanoorin mo. Tss. This is my own opinion, anyway. Kung anuman ang opinion ng ibang tao, sa kanila iyon at ito ang sa akin. "I'll just call my Mom." saad ni Luke. Ang kaninang mabilis na t***k na puso ay agad napalitan ng matinding kaba. Kulang na lang ay mabutas ang hawak kong regalo sa tindi ng kapit ko roon. Iniwan niya ako saglit at nilapitan ang kaniyang Mommy na abala sa pakikipag-usap sa ilang bisita. Nakatalikod ito sa gawi ko. Nilapitan siya ni Luke at mayroong binulong sa tainga. He was smiling from ear to ear. Hindi ko makita ang reaksyon ng kaniyang ina. Nahugot ko ang aking hininga nang unti-unti itong lumingon sa direksyon ko. She eyed me from head to foot. Tila mayroong gumuhosa kaloob-looban ko. Hindi na bago sa akin ang ganoong klaseng tingin. Doon palang, masasabi ko na agad na...hindi niya ako gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD