"So anong balita? Nagustuhan ka no'ng Mommy ni Luke?" Usisa ni Joana at tamad ko siyang nilingon.
"Sa tingin mo? At saka wala naman akong pake kung magustuhan ako o hindi," I frankly answered and rolled my eyes.
Isang linggo na ang nakakalipas mula noong mangyari iyong Birthday Party ng nanay ni Luke. Wala namang espesyal na nangyari. Nang lingunin niya ako, binigyan niya lamang ako ng isang pekeng ngiti at muling itinuon ang atensyon sa mga amiga niya. Mabuti na lamang sa buong gabi na 'yon ay hindi ako iniwan ni Luke at mga kaibigan niya. Umaalis lamang siya sa tuwing tinatawag siya noong magulang niya para ipakilala sa mga kung sinu-sinong taong naroon.
Nabusog naman ako ng bongga dahil talagang pang-mayaman ang mga pagkaing nakahain pero iyon na rin yata ang pinaka-boring na party na nadaluhan ko sa buong buhay ko. Ang boring ng party ng mga mamayaman. Wala kang ibang maririnig sa kanila kundi pagyayabang at pagfle-flex ng mga ganito at ganiyan nila. Nakakasuka.
"Tss! Kami lang pala ni Joana ang walang alam about doon kay Luke? Nauna mo pang sabihin kila Dammy. Kung hindi pa namin nakita sa f*******: iyong mga pictures noong birthday party ni Mayora, hindi pa namin malalaman." Mahabang litanya ni Thanika sa akin.
"Ah-"
"Ni hindi nga kami aware na close pala kayo no'ng anak noong gwapo niyang anak na si Luke." Joana giggled.
"Eh-"
"Pakilala mo naman kami! Ang gwapo no'n tapos mukhang good boy pa! Anong number no'n?" Thanika giggled too.
"Ih-"
I was about to answer when Joana spoke again at tuluyan na akong nainis. At ano sila, sinu-swerte? Puwede ko silang ipakilala kay Luke but not over my sexy body...hinding hindi ko ibibigay sa kanila ang number ni Luke.
Walang kaibigan, kaibigan dito. Pumila kayo ro'n sa likod.
My forehead knotted at them, "Tangina naman, hindi ba kayo tatahimik?!"
Nabitin sa ere ang sinusubo nilang banana cue habang ang mga mata ay nanlalaki sa akin. Nagulat yata sa biglaang pagsigaw ko. Pati sina Damian na kasalukuyang nagluluto ng aming meryenda ay natigilan din.
"Bakit G na G ka riyan, Mare?" Miguel innocently asked.
Pasimple pa itong dumadampot sa french fries na nasa bowl. Nakita iyon ni Damian kaya agad niyang hinampas ng shanse ang kamay ni Miguel at pinandilatan pa ng mata. Miguel frowned and shook his hand in pain.
Nang makita niyang hindi na nakatingin si Damian sa kaniya ay mabilis siyang dumakot ulit sa bowl ng french fries at sinubo iyon lahat.
Muling inamba ni Damian iyong shanse kay Miguel. "Siraulo ka, San Miguel! Hindi pa nga naihahain sa lamesa, nangahalati na kaagad."
Umiwas naman si Miguel at bahagyang lumayo kay Damian. "Tangina mo, Damian. Hindi pinagpapala ang madamot. Tandaan mo 'yan." Miguel mouthed and pointed his finger at Damian's face.
"Sige Damian, suntukin mo! Away lang kayo, dito lang ako." Pangungunsinti pa ni Josh habang nakaupo sa isang gilid.
Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha mula sa bulsa ng aking slacks. Nang makita ang pangalan ni Mama na tumatawag sa messenger ay walang pagdadalawang isip na kinansela iyon. Nang isisilid ko na iyon sa bulsa ay muli itong tumunog. Her name flashed on the screen again. It was a chat. I sighed and opened it.
Nang mabasa ko ang kaniyang pinadalang mensahe ay tila gumuho ang mundo ko. Umusbong ang matinding galit sa aking dibdib at nagsimula nang mag-init ang dalawang sulok ng mga mata ko ngunit ginawa ko ang lahat upang pigilan iyon.
"Rose anak, sana maintindihan mo itong sasabihin ko sa 'yo. Nalaman ni Marion ang tungkol sa iyo at gusto niya akong hiwalayan. Ang tanging paraan na lamang upang manatili siya sa tabi ko ay ang itigil ko ang pagbibigay ng sustento sa 'yo. Anak, hindi ko siya kayang mawala at sana maintindihan mo ako. Sorry at palagi kang mag-iingat."
Iyon ang nilalaman ng chat.
Gusto kong murahin si Mama ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Alam ko naman na dadating ang malalaman ni Marion ang tungkol sa akin at alam ko rin na hindi ako pipiliin ni Mama kung sakaling papiliin man siya ng bago niyang kinakasama. Masaya na siya sa bago niyang buhay at sa bago niyang pamilya kaya bakit niya pa ako pipiliin, 'di ba?
Suminghot ako at kinagat ang pang-ibabang labi. Nag-angat ako ng tingin sa mga kaibigan kong masayang nagtatawanan. Ayaw kong umiyak. Ayaw kong umiyak sa harapan nila. Hindi nila puwedeng malaman na nasasaktan ako at ayaw kong makita nilang mahina ako. They've known me as a strong and independent woman at kailangan kong panindigan iyon.
So instead of bothering them with my problems, I just found myself bidding my goodbyes at them. Nagtataka man ay hindi na silang nag-abala pang usisain ako. Paglabas ko ng bahay nina Damian hanggang sa makauwi sa dorm ay tulala ako. Mabuti na lamang ay tulog na si Ate Nez nang dumating ako. Matapos kong maligo ay nagdesisyon muna akong lumabas at tumambay sa balkonahe. I stared at my phone and for the second time, I found myself dialing the number of the first person entered in my mind.
It was late in the evening and I don't know if he's still awake. Nakakailang ring pa lang ay sinagot na niya iyon.
"Hmm?" said by a voice from the other line.
It was a little bit husky, marahil ay naabala ko ang kaniyang pagtulog.
Hindi ako sumagot.
Nang maramdaman niya ang pananahimik ko ay muli siyang nagsalita.
"Rose, what happened? Are you alright?" panicked was evident in his voice.
Ang tanong niya ay naging hudyat upang tuluyan ng kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"L-Luke," I sobbed.
Sandali siyang natahimik bago suminghap, "Damn, y-you are not okay."
I smiled painfully as I looked up at the bright sky.
"You don't have to say anything, Luke. Gusto ko lang umiyak at gusto ko lang maramdaman na may nariyan para sa akin." I weakly whispered.
"Then, cry." He answered in a low voice.
He then did what I' ve said. Sa buong pag-iyak ko ay wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kaniya. Ni hindi siya nagtanong kung anong problema ko o kung ano ang dahilan ng pag-iyak ko. Tanging mabibigat na paghinga lamang niya ang nararamdaman ko at ayos lang iyon sa 'kin. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong umiyak.
Mugto na ang aking mga mata nang tumahan ako at magaan na rin ang pakiramdam ko. I heard Luke's deep sighed from the other line.
"Feeling better po?" maingat niyang tanong.
I chuckled with his question. Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ba ako sa pag "po" niya sa akin pero imbis na pansinin pa iyon ay binalewala ko na lang
"Yes. Thank you, Luke."
I glanced at my wristwatch. Ala una na ng madaling araw.
"You're always welcome, Rose." He replied and I can't help myself to smile.
I shook my head. Ano ba 'to, para naman akong tanga. Kanina ay humahagulhol pa ako ng iyak tapos ngayon ay pangiti-ngiti ako na parang baliw ngunit ang ngiting iyon ay unti-unting nawala at napalitan ng pagkabigla nang bigla siyang...
"When the visions around you
Bring tears to your eyes
And all that surrounds you
Are secret and lies..." pagkanta niya.
Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan at literal na napaawang ang mga bibig ko sa pagkamangha. I never thought...I never thought that he could sing this good. Para akong bata na hinehele ng anghel sa lamig at ganda ng kaniyang boses.
"I'll be your strength
I'll give you hope
Keeping your faith when it's gone
The you should call
Was standing there all along..."
Kumakalabog ng husto ang puso ko. The way he sang the song, it made my knees trembling. Ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang labi ay tila ba mayroong mas malalim pa na kahulugan.
I gasped out loud.
"And I will take you in my arms
And you hold you right where you belong
Til' the day my life is through
This I promise you."
He continued singing. Hanggang sa matapos siyang kumanta ay nakatulala lamang ako sa kawalan. s**t, hindi naman ako mangmang para hindi mahulaan kung ano 'tong nararamdaman ko at kung bakit ako nakakaramdam ng ganito sa kaniya. Hindi na bago sa akin ito. Hindi ito ang unang beses kong ma-inlove pero...ito ang unang pagkakataon na makaramdam ng ganitong katinding emosyon. I know that this love that I feel was deeply intense.
Love, huh.
"L-Luke,"
"Rose, I can't promise to fix all the problems, but I can promise that you won't have to face them alone," he stopped so I clenched my fist. "You know why?" namamaos niyang tanong.
"W-Why?"
"Because I'm falling in love with you,"
Damn. Tuluyan na akong hindi nakapagsalita. I couldn't find the right words to say.
"And when I fall in love, it will be forever." Dagdag pa niya at tuluyan ng tinapos ang tawag.
***********************************************************************************
Peeps, you are stronger than you know. Yes, it's going to be hard but it's going to be worth it. So don't stop chasing your dreams, anJEL's! Don't stop until you're proud. God bless and Good luck! Make your mental health a priority. If you want someone to talk to, I am here! Just send me a message! Love y'all! :)