I need a job. Iyon ang pinakaunang bagay na pumasok sa isip ko nang sabihin ni Mama na hindi na siya magbibigay ng sustento sa akin.
Hindi ko na rin naman siya pinilit pa, kung mas mahal niya iyong bago niyang pamilya at kung iyon ang mas pinili niya kaysa sa akin, ayos lang.
Sanay naman na akong mag-isa at papatunayan ko na kaya kong mabuhay na wala sila.
Tumigil din si Tita Mavs sa pagpapadala ng pera sa akin dahil aniya'y mayroon siyang mahalagang bagay na pinaggagastusan sa ngayon pero kapag nakaluwag-luwag naman daw siya ay hindi siya magdadalawang isip na bigyan muli ako.
"Pupunta kaming Pampangga sa Christmas, sa bahay ng lola ko. Doon kami magce-celebrate ng pasko at bagong taon," Joana said.
"Kami naman sa Baguio," saad naman noong isa kong kaklase.
Nakahalumbaba lamang ako habang nakikinig sa usapan nila. Kapag ganitong klaseng usapan ay madalas akong tahimik dahil duh, wala naman akong ibang pupuntahan.
"Ikaw, Rose? What's your plan? Uuwi kang Paete?" Chinna asked.
I gave her a fake smile and nodded.
"Oo naman! Miss na ako ng pamilya ko, eh. At saka alangan naman na magstay ako sa dorm mag-isa, ano namang gagawin ko ro'n?"
But that was the truth. Sa buong semester ay magtra-trabaho ako. I will also celebrate Christmas and New Year alone. Ewan ko, bahala na. Baka itulog ko na lang din 'yon.
She laughed and shrugged her shoulder. "Sabagay, oo nga naman."
Mayabang akong ngumisi. Hindi sinasadyang mabaling ang mga mata ko kay Joana na ngayo'y seryosong nakatitig sa akin na tila ba sinusuri ang reaksyon ko sa mukha.
I raised my brows at her.
She then pursed her lips and shook her head. Hindi na kami nakapag-usap pa dahil pumasok na ang Professor namin sa Accounting dala ang mga test paper na sasagutan namin. Today is our final examination.
Ramdam na ramdam ang tensyon at kaba sa buong classroom. Nanlalamig ang mga kamay ko dahil hindi ko pa man nasisimulang sagutan ang exam, alam ko na ang kapalaran ko. Kapalaran namin.
Nang ibigay sa akin ang test paper ay bumuga ako ng hangin. Pinasadahan ko iyon ng tingin. May identification, multiple choice, essay at sa kasunod na papel ay mga business transactions na. Kailangan naming sagutan iyon mula jorunal entries hanggang post-closing trial balance.
Anak ng putang bida bida, sa trial balance pa nga lang ligwak na ako, eh.
"You may now start answering your papers. No calculator, no exam. Erasure is not allowed." Our Professor announced.
"Wala rito si Chito, si Chito Miranda. Wala dito si Kiko, si Francis Magalona. Wala dito si Gloc-9 kasi wala siyang alam dito. Magbabagsakan dito, mauuna si Quejano!" I sang that made my classmates laughed. Pati si Prof ay natawa rin sa akin.
Makalipas ang dalawang oras ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Iyong natitirang isang oras namin ay ginugol namin sa pagche-check ng test papers...at tama nga ang hula ko. May nagbagsakan nga.
At isa na ako 'ron.
Ayos lang naman sa akin, at least hindi ako mag-isang bumagsak 'noh. Halos lahat kami ay bumagsak at dalawa lang yata iyong nakapasa.
Edi sila na. Sana all, brainy. Basta ang mahalaga sa akin ay buhay ako at humihinga pa.
"Bilisan mo naman. Hinihintay na tayo nina Miguel sa baba." Reklamo ko kay Joana.
Ilan na lamang kaming natitira rito sa room. Ang iba naming kaklase ay nakaalis na. Samantalang ako ay heto, hinihintay pa rin si Joana na matapos sa paglalagay ng kolorete sa mukha.
"Rose may naghahanap sa 'yo," Chinna said.
Kunot noo akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Sino?"
"Iyong anak noong dating Mayor. Si Luke. Kilala mo ba-"
"Sabihin mo wala ako!" I cut her off.
"Pero kanina pa siya naghihintay-"
"Chinna, basta sabihin mo wala ako rito," I nervously said. "S-Sabihin mo, hindi ako pumasok or kanina pa ako nakaalis. Basta, ikaw na ang bahala!"
Nagsalubong ang kaniyang kilay ngunit agad din namang tumango. Lumabas siya ng classroom. Tumakbo ako papuntang pinto at dahan-dahan iyong sinarado. Huminga ako ng malalim bago bumalik sa tabi ni Joana na ngayo'y nakatitig at naguguluhan na naman sa akin.
"Anong nangyayari? Bakit parang iniiwasan mo?" Pag-uusisa niya.
I let out a deep sigh and shook my head. "Wala lang."
She scoffed and put down her make-up kit. "Anong wala lang, Rosas? Iniiwasan mo kasi wala lang? Tsk, puwede ba 'yon?"
"Joana, kung anuman 'yong dahilan ko, sa 'kin na lang 'yon. At saka ano naman kung iwasan ko siya? Hindi pa naman kami sobrang close, ah."
Ngumiwi siya.
"Bahala ka, Rose. Kung iwasan din kaya kita dahil wala lang? Matutuwa ka ba?"
Natutop ko ang aking bibig at umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko rin naman gustong iwasan si Luke. Kahit sa maikling pagkakataon ko naman na nakasama siya ay naging masaya naman ako. I enjoyed being friend with that innocent and charming guy but there were some things that you really need to end...hangga't maaga pa.
The night when he confessed his feelings was our last conversation. Mula noon ay hindi ko na siya kinita at kinausap kahit anong pangungulit ang ginawa niya.
I am strong but that night...that was the day I felt scared for the first time. I am not into a serious relationship. Ako iyong tipo ng taong may nagugustuhan ngunit kapag pumasok na isang relasyon na ay bigla akong makakaramdam ng umay at aayaw na lamang bigla. Nare-realize ko na hindi naman pala malalim iyong nararamdaman ko at simpleng infatuation lamang iyon.
Alam kong iba ang nararamdaman ko kay Luke hindi katulad sa mga nagdaan kong karelasyon. Kung ikukumpara, walang wala ang mga iyon sa nararamdaman ko ngayon para sa kaniya. Ngunit hindi ko alam kung saan ba ako natatakot, iyong aminin na sa sobrang lalim ng nararamdaman ko ay hindi na ako makakaahon pa o iyong baka mababaw lamang pala ang nararamdaman niya para sa akin at ma-realize na mas marami pa riyang iba?
Hindi ko alam.
Maybe what he feel right now was just a pure infatuation or pagmamahal lamang bilang isang ate. Baka kapag iniwasan ko siya, ma-realize niya na hindi pala talaga siya inlove sa akin. Na tanging paghanga lamang iyon.
Napapabuntong hininga na lamang ako sa t'wing nakikita siyang nakaabang sa akin sa may main gate o di kaya'y sa labas ng classroom. Minsan ay nangangati na rin ang mga kamay kong magreply sa mga chat niya ngunit matinding pagpipigil ang ginagawa ko sa sarili.
Namimiss ko na siya.
"Una ka na. Magc-cr pa ako," sabi ko kay Joana.
"Sure ka? Samahan na kita."
Umiling ako at kinaway ang kamay ko, "Gaga ka, umuna ka na nga. Kaya ko na mag-isa."
"Oh sige!" She waved her hands and walked away.
Ngayon na ang huling araw ng unang semester. Pumasok lamang kami para tapusin ang clearance. Pinauna ko na si Joana dahil magkikita pa rin naman kami mamaya kila Miguel. Naisipan naming magsama-sama mamaya dahil ang iba sa amin ay aalis ng Sta. Cruz at magbabakasyon sa ibang bayan. Tanging ako, si Miguel at Damian lamang ang maiiwan dito ngunit kahit ganoon ay baka hindi na rin ako masyadong makasama sa kanila dahil magsisimula na ako sa trabaho bukas. Tinulungan ako ni Damian makapasok sa isang fast-food chain sa bayan, eh.
Dumaan muna ako sa restroom ng CIT Building para mag-ayos ng sarili. Ako lamang ang tao nang pumasok ako roon. Abala ako sa paglalagay ng lipstick sa labi nang bumukas at sara ang pinto. Hindi ko naman iyon pinansin kasi wala naman akong pakialam.
"Rose,"
Natigilan ako sa paglalagay nang marinig ang pamilyar na boses. Mahina iyon at mahinhin. Dumagundong ang dibdib ko nang makita si Luke mula sa repleksyon ng salamin. Literal na nabitawan ko ang hawak kong lipstick habang pabalik-balik ang mga mata sa pinto at sa kaniya.
"P-Paano-"
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang bigla niyang tinakbo ang distansya naming dalawa at niyakap ako ng mahigpit. Nagulat ako at napatulala sa kawalan. Ang mukha nito ay nakabaon sa dibdib ko.
"R-Rose," his voice broke.
My jaw literally dropped lalo na ng maramdaman ang pagkabasa ng uniform ko sa bahaging dibdib dahil sa pag-iyak niya.
"Rose, what did I do wrong?" he asked, still crying.
Nataranta ako at agad siyang inilayo sa akin ngunit mas lalo lamang humigpit ang yakap niya na may kasama pang sunud-sunod na pag iling.
"Ayaw ko," he whispered.
Umangat ang ulo niya at isiniksik naman sa leeg ko ang kaniyang mukha. I bit my lip to suppresed my smile.
Tangina, bahala na.
Dahan-dahang gumalaw ang mga braso ko para yakapin siya pabalik. Ang isa ay nakayakap habang ang isang kamay ko naman ay sinusuklay ang malambot niyang buhok.
"Tahan ka na," I said using a sweet voice.
Tanging singhot lamang ang isinagot niya kaya natawa ako.
"Tahan na. Sige ka, hindi na talaga kita kakausapin kapag hindi ka pa tumigil kakaiyak diyan."
Mabilis siyang lumayo at pinunasan ang luha sa kaniyang pisngi ngunit hindi maitatago ang pamumula ng kaniyang dalawang pisngi pati na rin ang ilong.
Tss, ang baby talaga ng atabs na 'to. Nakakagigil.
"Sorry..." panimula ko.
Tumingin siya sa akin ng ilang sandali bago nagsalita "You hurt me."
"Did I?"
He bit his lower lip then nodded his head, "Oo at nakakainis ka. Alam mo ba 'yon? Hindi mo alam kung ilang baldeng lakas ng loob ang inipon ko para lang masabi sa 'yo iyong feelings ko pero anong ginawa mo pagkatapos? Iniwasan mo na lang ako bigla!" Tears keep on falling from his eyes.
"Luke-"
"Iniisip ko tuloy, sana hindi na lang ako nagconfess sa 'yo kung alam ko lang na pagkatapos noon ay iiwasan mo lang ako," he continued.
Natutop ko ang aking bibig dahil sa sobrang konsensya.
Mali ba talaga iyong ginawa ko?
"Luke, baka infatuation lang-"
"Hindi! Rose, alam ko 'tong nararamdaman ko. This is not just a simple infatuation. Ayos lang naman sa 'kin kung hindi mo kayang suklian 'yong nararamdaman ko. Willing naman po akong maghintay, eh. Willing naman ako mag-effort. Willing ako-"
"I love you." I promptly said that made his mouth shut.
Napaawang ang labi niya at kumurap-kurap pa. "Y-You what?"
"Bingi ka? Ang sabi ko, I love you."
He averted his eyes as his face turned red.
"L-Love mo 'ko?" he asked again, still looking away.
I arched my brows and nodded, "And I'm sorry for-"
"It's okay na po. I love you too." he answered and hugged me again. "Basta huwag mo na po ako iiwasan ulit ha?"
I chuckled and kissed his forehead lightly. "Rupok mo."