Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo. Binalewala ko ang ilang mga estudyante na nababangga ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang papasok sa University Cantee. Kahit hinihingal at tumatagaktak ang pawis ay hinabol ko pa rin siya.
"Hey tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" pagalit na sigaw sa akin noong isang babaeng nabangga ko mula sa likod.
"Sorry! Tumabi ka kasi!" I said and laughed a little.
Mayroon pa siyang sinigaw na hindi ko naman na naintindihan. Pagkapasok ko sa Canteen ay agad kong inilibot ang aking mga mata. And there, I saw him buying a cold water. Nag-aabot siya ng bayad roon sa babae nang lapitan ko siya.
"Luke," pagkuha ko ng atensyon niya.
Dahan-dahan siyang lumingon sa 'kin. Ang kaniyang kunot na noo ay agad napalitan ng panlalaki ng mga mata. Halatang nabigla sa prensensya ko.
"L-Lov-I-I mean, Rose," nanginig ang kaniyang boses. "Bakit?"
"Can we talk?"
He looked confused with my question but he slowly nodded. Hinihingal pa rin ako at mukhang napansin niya iyon. Hinawakan niya ang braso ko at iginaya patungo sa isang bakanteng upuan. Inalalayan niya akong maupo roon.
"Tumakbo ka ba? Bakit pawis na pawis ka?" takang tanong niya habang binubuksan ang bottled water na binili niya.
"Hmm." I nodded. "Hinabol kita."
Tila naging double meaning iyong dating noong sinabi ko dahilan para matigilan siya at mapaawang ang labi, hindi pa rin inaalis ang mga mata sa bote ng tubig. Biglang nanuyo ang lalamunan ko dahil maski ako ay kinabahan sa sinabi ko kaya naman inagaw ko na sa kaniya ang bote at ininom ang laman noon.
"Ang tagal mo magbukas! Mamamatay na lamang yo'ng iinom, nakatulala ka pa!" reklamo ko pagkatapos uminom ng tubig.
He then held his nape and chuckled. "S-Sorry." Mayroon siyang dinukot na panyo mula sa kaniyang bulsa at inabot iyon sa 'kin. "Magpunas ka. Baka matuyuan ka ng pawis."
Tipid akong ngumiti at tinanggap iyon. Marahan ko iyong idinampi sa aking noo at batok habang siya naman ay inosenteng nakatingin at pinapanood ang bawat kilos at galaw ko.
The way he looked at me sent shivers down my spine. Kahit sa simpleng tingin lamang na iyon ay halos mayanig na ang buong sistema ko kaya naman tumayo na ako at inaya siya palabas ng canteen. Nakasunod siya sa akin.
Sa totoo lamang ay wala akong ideya kung saan kami pupunta o dadalhin ng mga paang ito. Hindi ko alam kung paano siya kokomprontahin at tatanungin. Tila biglang isang naging bula na pumutok ang tapang na mayroon ako kanina.
Tumigil kami sa gilid ng Activity Center. Mayroong mga puno at upuang gawa rin sa semente ang nandoon kaya doon kaming nagkasundong dalawa. Ilang minuto kaming tahimik at walang kibuan. Ang mga mata ko ay diretsong nakatuon lamang sa mga taong masayang naglalakad. Ang iba ay may hawak na rosas, lobo at kung anu-ano pa.
"Gusto m-mo ba akong kausapin para itanong kung ako iyong unknown number na madalas na magtext sa 'yo?" mahinang tanong niya habang nakayuko at pinaglalaruan ang kaniyang mga daliri.
I looked at him with full of sarcasm in my face. "Hindi ko na kailangan itanong, Luke. Sinabi mo na, eh."
"Hindi kaya!" depensa pa ni Atabs.
I laughed. "Inamin mo, indirectly nga lang." Tumaas ang kilay ko nang lumingon siya sa akin at sinimangutan ako na parang bata.
See? Wala pa ring pinagbago.
"What if ako nga 'yon?" tanong niya. "Magagalit ka ba sa 'kin?"
Nagalit nga ba ako? Hindi. Siguro nainis lang ako pero noong napagtanto ko na siya iyon, kahit hindi sigurado, ay awtomatikong nawala ang inis na nararamdaman ko at napalitan iyon ng kakaibang pakiramdam.
"Bakit mo ginagawa 'yon? Bakit mo pinag-aasayahan ng oras ang pagte-text sa akin gayong hindi mo na naman responsibilidad na gawin iyon sa akin? Hindi ko maintindihan, Luke. Matagal na tayong tapos. Matagal na tayong walang communication dalawa then all of the sudden, bigla kang magpaparamdam na para bang wala lang ang lahat. The last time I checked, we're not okay. We're not in good terms. I hurt you-"
"But I still love you," aniya na siyang nakapagpalaglag ng panga ko.
W-What?
"Yes, you hurt me. Hindi tayo okay kasi hindi natin napag-usapan ng maayos noon. Naging bingi at bulag ako, Rose. Nilamon ako ng sakit. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan noong nakita kong hinahalikan ka ng kaibigan mo. I was hurt not because you hurt me..." He sighed and looked up above the sky. Pinipigilan niya ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa kaniyang mga mata. Namumula na rin ang kaniyang ilong at pisngi. "I was hurt because even though you hurt me, I am still willing to accept you."
Tila mayroong gumuho mula sa kaloob-looban ko. Nanghihina akong yumuko at inihilamos ang dalawang kamay ko sa aking mukha.
"You didn't give me any reasons. Hindi mo dinepensahan ang sarili mo sa akin, L-Love." His voice cracked. "I was waiting for your explanation that time. Kahit kasinungalingan, kahit sabihin mong hindi niyo sinasadyang maghalikan...tatanggapin ko 'yon. Basta sinabi mo...papaniwalaan ko."
Suminghot ako at pasimpleng pinahid ang luhang biglang pumatak mula sa mga mata ko. Ewan ko, hindi ako makapagsalita. Wala akong masabi. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga binibitawang salita ni Luke. God knows how much I loved him and how much I love him right now pero alam kong hindi puwede.
Hindi pa puwede.
O baka hindi talaga kami puwedeng dalawa.
I couldn't risk the people surrounds me just to be with him again. Hindi ko alam kung ano at hanggang saan pa ang kayang gawin ng Mommy niya sa akin at sa mga tao sa paligid ko.
Mahal ko siya. Gusto ko siyang balikan pero...
"And yes, we stopped talking but it doesn't mean that I also stopped loving you." dagdag pa niya. "I want you back, Rose. I-I just don't know how to approach you again."
"H-Hindi kasi puwede, Luke."
Sandali siyang natahimik.
"Pero gusto mo." Lumingon siya sa akin at tipid na ngumiti. "Gusto mo rin akong balikan kaso hindi puwede...kasi kung hindi mo na gusto pang makipagbalikan sa 'kin, ang sasabihin mo ay 'ayaw ko.'"
Ano ba namang klaseng logic ang mayroon 'tong lalaking 'to? Nakakainis. Pinisil ko ang ilong ko at akmang magsasalita ngunit naunahan niya 'ko.
"Is this because of my Mom?" he carefully asked and that made me startled.
"P-Paano-"
"Damian told me...everything."
What? Ginawa niya 'yon?