Natatawa ko silang sinundan ng tingin. Nang ibaling ko ang mata ko kay Luke ay nahuli ko itong nakatitig sa 'kin. Nagulat siya sa biglaang paglingon ko sa kaniya at tumikhim tapos ay pasimple na iniwas ang mga mata sa 'kin. I saw how his cheeks and ears turned into red like a tomato. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago tumingin sa madilim at mapayapang langit. I've never felt this happy for a long period of time. Parang kahapon lamang ay umiiyak pa ako at halos hindi na makabangon ngunit ngayon ay parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya. Akala ko ay sa panaginip ko na lamang mahahagkan, mayayakap at makakasama ang anak ko. Akala ko...akala ko. "Luke..." Tawag ko sa kaniya, nakatingin pa rin sa langit. "Paano mo ako ipinakilala kay Lucas? Paano mo sinabi sa kaniya na ak

