I only want my child. Gusto ko lamang naman na makita at makapiling ang anak ko pero bakit parang pinagdadamot? Ako na nga iyong iniwan. Ako na nga iyong nagdusa ng halos apat na taon tapos ako pa ang hihingian ng pabor na kung gusto kong makita ang anak ko ay dapat sumama ako sa kaniya? Huh! Hanga na talaga ako kung paano at saan niya hinuhugot ang kapal ng mukha na mayroon siya. Where's the soft and innocent Luke that I'd met in college? "Ipatulfo natin 'yan! Gusto mo?" gigil na sulsol sa akin ni Damian habang prenteng nakaupo sa sofa. "Ayaw ko nga! Hinding hindi ko gagawin 'yon! Nakakahiya!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Oh, bakit hindi? Tuturuan kita kung anong sasabihin mo! Ganito lang oh," Tumikhim siya at umayos ng upo. "S-Serapi, ganito po kasi 'yan..." he mimicked my voice. K

