KABANATA 9

2089 Words
DINALA AKO ng pang-amoy ko sa pinangagalingan ng hindi nakikitang usok, kung saan nagmumula ang pagkalansing ng kutsara at pinggan. Inamoy-amoy ko ang nagkahalo-halong bango habang maingat kong itinutulak ang stroller. “Whoa!” nagniningning ang mga matang puri ko sa mga nakahanda sa mesa. Inuutusan ako ng utak kong dumampot ng isa sa mga cupcake, pero pinigilan ko ang sarili dahil hindi ko yatang puwedeng tikman. “Naghahanda ka ng pagkain para sa mga empleyado mo?” tanong ko pagkaangat ng tingin. Dumampi ang labi niya sa noo ko sabay ngiti. Pinansin ko ang paggupit niya sa tomato sauce na may markang sweet style sa ibaba. Nasa tabi naman niya ang nasala ng macaroni. Umiling siya. “This is for us.” Itinuro niya ang mga nasa mesa. Siya pa ang nag-bake ng chocolate cupcakes na kanina pa pinupuntirya ng mata ko dahil ito ang paborito niyang i-bake kapag sinipag siya. Star shape oatmeal cookies, saka iyong aroma ng tinimplang kape sa tapat ko. “Ginising mo dapat ako para matulungan kita,” sabi ko. Kagigising ko lang kasi kanina at binihisan din si Rosette matapos kong mapaliguan sa medyo may pagkamaligamgam na tubig. Katatapos ko lang ding mag-breastfeed, hindi ko napansing nandito pala siya sa kusina at abala nang nagluluto. Hindi pa nakaabot sa kuwarto namin iyong mga inihanda niya kaya wala akong kaalam-alam. Wala rin sa manang sa bahay. Muli siyang ipinatawag ni Tita Vivian sa kanila. Mukhang nagiging hassle para kay manang magpabalik-balik sa bahay, lalo na at medyo may edad na rin si manang. “Naging madalas ang pag-uwi ko sa gabi nitong mga nakaraang araw kaya naisipan kong bumawi,” sagot niyang nginitain ako nang matamis. Ngumisi ako, tuwang-tuwa ang puso ko. Minsan lang siyang bumawi sa ganitong paraan simula noong maikasal kami. Palagi niya akong dinadala sa restaurant para kumain lang at mag-usap nang kaunti, tapos pag-uwi namin, matutulog agad siya. Iyong dating nakagisnaan ko noong high school to college days pa lang kami, hindi na namin magawa-gawa. Gusto ko sanang panatilihin iyon kahit na habang lumilipas ang panahon ay nadadagdagan ang edad namin. Kaso. . . hinding-hindi ko na maibabalik iyon. Sa lahat ng pinagdaanan namin bago maabot itong bagong stage ng aming relasyon, masasabi kong nandoon iyong saya pero unti-unting nawawala ang sweetness. Siguro ganito talaga ang nangyayari kapag matagal na kayong magkasama. “May maitutulong ba ako?” Kumaway siyang sinabayan ng pag-iling. “No, just sit there.” Tumango ako at isinama ang stroller sa pag-upo ko sa upuan. “Iyong ginawa ko kagabi,” panimula ko kahit hindi ako komportableng pinapanood lang siyang kumikilos. Tumikhim ako at sinabi ang sadya. “Sorry. Hindi ko na gagawin ulit.” Nagtama ang mata namin pagkaangat niya ng ulo. “Sorry rin kung medyo hindi maganda ang tono ko sa mga sinabi ko kagabi.” Ngumiti akong iwinagayway ang palad. Sanay na ako sa ganoong tono niya kapag isang bagay siyang hindi nagustuhan. “Kalimutan na natin iyon. Huwag na lang natin uulitin.” Tumango-tango siyang tinalikuran ako nang simulan niyang timplahan ang sauce ng gagawin niyang baked macaroni. Mas mabango talaga ang sibuyas kapag iginigisa kaysa sa bawang. Humalo ang amoy ng sibuyas sa isinunod niyang karne. “Matalino iyong batang tinuturuan ko,” kuwento ko para bigyan nang kaunting ingay ang paligid namin. “What is his name again?” tanong niyang humarap para kunin ang sauce. “Caleb,” sagot kong hindi napigilan ang sariling maupo lang. Pumunta ako sa likuran niya para maghanda rin ng white sauce. “Baka maging engineer iyon,” dagdag kong kinuha ang kaserola sa ibaba ng drawer. Pagkaharap ko para ilagay sa kalan ang hawak kong kaserola ay inilapit niya ang hawak nitong sandok sa akin habang hinihipan. Tintimtiman ko ang sauce. “How's the taste?” tanong niya habang nakatingin siya sa labi ko. Isinara ko ang bibig at sinindihan ng apoy ang kalan. “Medyo matabang,” sagot kong ibinuhos ang butter sa kaserola para tunawin. Isinunod ko ang all purpose flour na nasa mangkok, mukhang nasukat niya na. “May suggestion pala si mama,” sabi niyang tinakpan ang kaserola matapos niyang dagdagan ng asin iyong sauce. “I'm not sure if you're not against with her idea since you two aren't in good terms.” Nang ma-absorb ng harina ang butter ay tumabi siya sa aking ibinuhos nang paunti-unti ang fresh milk habang patuloy naman ako sa paghalo para hindi magkabuo-buo. “Ano iyong suggestion ni tita?” tanong ko sa kaniya nang marinig ko ang pag-shoot niya ng box ng fresh milk sa trash bin. Kukunin sana ang quick melt cheese nang pagkaharap ko ay hawak niya pala ito at inilahad sa akin. Pinatay niya ang sindi nang okay na iyong meat sauce. “She wants to come here and see Rosette, but she doesn't want to see you here.” Inisang hulog ko ang lahat quick melt cheese imbes na hahatiin ko pa sana dahil sa narinig. “Ziel, sorry agad, ha?” hingi ko ng paumanhin habang itunuloy ko ang paghalo, pero humigpit ang hawak ko sa wooden spatula. “Hindi ba parang ang babaw naman na masyado ng mama mo?” tanong kong hinarap siya pagkatapos kong patayin din ang sindi noong maganda na ang texture ng white sauce. “Puwede naman siyang pumunta rito anytime. Kung ayaw niya akong makita, wala siyang ibang choice kasi makikita at makikita talaga niya ako.” Hindi niya ako maalis sa bahay kahit gaano pa niya kaayaw sa akin. I'm Rosette's mother and Aziel’s wife. Sumobra na kasi siya. Maliit na bagay, ginagawang big deal masyado. Itinuturing niya akong parang may nakahahawang sakit kung pakisamahan. Ayaw akong palapitin sa kaniya, kahit wala naman akong nakahahawang sakit at lalo namang wala akong gagawing masama sa kaniya. “Do you hate her now?” Kinuha ang panghalo sa kaniya nang dinadahan-dahan niyang ibuhos ang sauce sa macaroni at inilingan ito. “Hindi. Napapagod na akong umintindi at palaging mag-adjust,” diretsa kong sagot, hindi man lang natinag. Manghang-mangha ang mga mata niyang napatitig sa akin at bahagya pang nakaawang ang bibig. “I didn't know that you have this side,” sabi niya matapos makabawi sa pagkamangha. Sadyang hindi ko lang napigilan ang magtimpi pa. Ilang taon nang ganito. Wala man silang naririnig sa akin, pero kinikimkim ko ang mga napapansin ko dahil mas pinipili kong umintindi. Noong nalaman ko kahapon ang posibleng dahilan kung bakit ganito ako tratuhin ni tita, naisip kong parang napakababaw na. “Gusto ko lang maging honest kahit ngayon lang ulit sa kung ano ang nararamdaman ko.” Sinamahan niya ako sa paghalo nang mabuti sa sauce, iyong lahat ay nalagyan. Siya ang nagbuhos sa white sauce, samantala, ako naman ang nagkalat para malagyan lahat. “Mahirap nga palang sagarin ang pasensya ng maintindihing tao,” sabi niyang kinuha sa akin ang spatula. “I understand you, but, please, don't lose your patience to my mother.” Gaya ng dati, ganito ulit ang pakiusap niya. “Hindi naman nawala. Ang akin lang, kahit kaunting respeto lang din at kahit napakakaunting bait lang ang hinihiling ko sa kaniya,” sabi kong itinaas pa ang kamay, binigyan ng distansya ang hintuturo at hinlalaki ko. “Alam na alam kong ayaw niya sa akin, pero sana naman. . .” Huminto akong iniiwas ang tingin at ibinaling ko kay Rosette na nakangiting pinaglalaruan ang mga nakasabit na stuff toy sa stroller niya. “Ayaw kong makita ni Rosette kapag nagkamuwang na siyang hindi maayos ang relasyon namin ng mama mo.” Kahit iyon lang sana ang ibigay niya. Wala naman akong ibang hinihiling. Ilang taon ko nang kinukuha ang loob niya, pero mas lumalayo lang. Tumigil na ako at hindi na ipinilit ang sarili, kaso nakakasakal iyong ganito. Wala siyang memory sa akin na nakasama namin siyang nagsalo-salo, tapos ipapamukha niya sa aking kasalanan ko kung bakit hindi siya nakapunta at bakit kami lang ang masaya sa mga makikita niyang picture naming naka-post sa f*******:. “Mayroon ka ba ngayon?” tanong niyang napapikit ako ng mga mata. “Ramdam kong malapit na,” buntonghininga kong sagot sabay dilat, pinapakalma ang sarili. Pinipigilan ang bibig na makapagsabi pa ng hindi magiging sang-ayon sa pandinig niya. Ayaw ko nang sirain ang magandang mood niya, ang araw namin kahit may gusto pa sana akong sabihin tungkol kay Tita Vivian. “I'll talk to her,” paniniguro niyang hinawakan ang kamay ko bago siya tumalikod at isalang sa oven ang macaroni na pinaulanan pa niya ng cheedar cheese sa ibabaw. Umismid lang ako. Alam ko na kung saan patutungo ang sinabi niya dahil paniguradong magiging bula lang at mabilis maglalaho. Hindi makakarating kay Tita Vivian. Iniwan ko siya roon at bumalik sa pag-upo. Tumititig ako kay Rosette na aliw na aliw. Biglang napawi ang inis ko, ang bigat sa loob kong kanina ay nasa dibdib ko nang makita ang mala-gintong ngiti niya sa ganda. “Rosette, nagluluto si Dad,” sabi niyang kumakaway-kaway at tumabi sa akin. Dumikit ang likod ng hintuturo niya sa pisngi ni Rosette, malambing niyang inihahaplos. “Bilisan mo ang paglaki mo para matikman mo agad ang luto ko.” “Medyo magaling lang ang Dad mo, Rose. Hindi siya sobrang galing magluto,” kontra ko sabay sulyap kay Aziel na nakasimangot sa narinig. “Medyo lang?” Ipinatong ko ang siko sa balikat niya pagkabalik ng tingin sa anak naming hindi nawala ang lapad ng ngiti. Kumakaway-kaway siyang parang iyong pusang display na nagtatawag ng customer sa chinese shops. “Do you agree with that, Rosette?” Tumawa si Rosette dahilan para sundutin ni Aziel ang bandang tiyan ni Rosette. “You little bias,” patampong sabi niya. “I'll work hard to be a good cook.” Kada kaway ni Rosette ay tumatama sa palad niya. Binitiwan niya ang kamay ni Rosette at tumayo. Lumapit siya sa oven para patayin ang sindi niyon. “Uunahin ko munang i-master iyong paborito mong kuhol na gata,” sabi niyang nagsuot ng pot holder gloves. “Mainit pa iyan. Magpalipas ka muna ng dalawang minuto,” saway ko sa kaniya nang yumuko siya at nagbalak kunin ang bake pan sa loob ng oven. Sasagot sana siya ngunit hindi natuloy sa pag-ring ng phone niyang nasa bulsa. “I'll answer this first,” paalam niya sa aking tinanggal ang suot na pot holder gloves at inabot sa akin pagkadaan niya. Nakalapag na ang pinggan sa mesa at niyakap ng palad ang mga tasang napakalamig na ng kape. Sunod kong inilapag ang bake pan, inilagay ko sa pinakagitna. Pagbalik niya sa loob ay agad siyang lumapit sa akin para maupo. “Rosette, kakain na kami ni Mom mo,” kausap niyang nakatingin pala si Rosette sa kaniya paglingon ko sa stroller na nasa gitna namin. “Oh,” sagot ni Rosette na ikinatawa naming dalawa. Sumasagot na siya sa Dad niya. “Baby Ohhh,” sagot pabalik ni Aziel, hinabaan pa niya at biglang binagalan sabay tataasan na para bang nasa choir siya. “Ohhh,” pagsabay ni Rosette at sumipa-sipa siyang iwinagayway ang maliit niyang mga kamay. Tumatawa akong tiningnan silang dalawa. Ginagaya ni Rosette si Aziel. Kada sabi niya ng “oh” ibabalik din ni Rosette. “Ah goo,” malakas na sabi ni Rosette, bakas ang tuwa niyang nakikipagkulitian sa kaniya. Aziel gently clap Rosette's hand. Ipinagkru-krus niya ang mga kamay nito, iniuunat at itinataas-baba na hindi inaalisan ni Rosette ng tingin ang Dad niya habang may ngiti sa labi at maya't maya ang pagtawa. “Love ka ni Dad at ni Mom.” Lumabi si Aziel sabay dampi ng labi sa pisngi ng anak namin. Sobrang ganda ang ukit ng ngiti niyang nakatitig sa akin habang patuloy siya sa pagsasabi ng oohh, na sinasabayan ni Aziel na ang harap niya ay nasa kaniyang pinggan. Hinati ko ng tig-apat kaya may labin-dalawang piraso lahat. Nilagyan niya ng baked macaroni ang pinggan ko pagkahati. Muling bumalik ang tingin ni Aziel kay Rosette. I let them have a quality time together. Madalas kasing gabi na siya umuuwi kaya hindi niya naabutan ito. “Mamaya dede ka, ah,” sabat ko bago isubo ang kutsarang may lamang baked macaroni. “Oohhh,” she make a long ohh sound, reaching the elephant stuff toy. Bumungisngis kami ni Aziel sa tuwa. I can see his eyes sparkling with joy. As we continued to eat, she kept cooing while making an eye contact with us every time we check her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD