Chapter 8 Panibagong pahina na naman ng istoryang ito. Hindi ba kayo nagtataka o napapaisip man lang sa title ng story na ito? Bakit nga ba may mga taong hindi naniniwala sa love? Bakit may mga taong takot maranasan ang pag-ibig? Oh ngayon napaisip kayo kung bakit noh? Siguro depende yan sa mga taong nakapaligid din sayo. Kung lagi mo kasing nakikita ang mga kaibigan mong babae na umiiyak because of a guy, sa tingin niyo ba lalakas ang loob niya na magmahal pa? Malamang isipin niya na masasaktan lang rin siya once na umibig siya. Kaya para saan pa ang pagmamahal kung sakit at pagluha din pala ang idudulot nito sayo? Iyan malamang ang nasa isipan ng ibang lumaki sa hindi gaanong maayos na pamilya, kagaya ko. Niloko ni Dad si Mommy. Ang naging result? Namuhi ako sa kanya at inisip ko

