Chapter 9 Alyssandra’s Point of View "Sassy!" – sigaw ni Kath pagkababa namin ng kotse ni Kaps "Tsh, ang ingay talaga." – pabulong na reklamo ni Xander sakin "Ikaw din naman maingay eh, pareho lang kayo. Psh." - sagot ko naman "Kinikilig ka naman pag maingay ako." - banat ni Kaps "Nyenye. Tara na nga sa loob!" - pag iba ko ng topic Pumasok na kami sa Jerry’s Restaurant. Nakita ko agad si PD at Gabriel. Masama ang tinginan, haha. Bakit kaya? "Sassy! Tara dali!" - sigaw na naman ni Kath Lumapit naman ako sa kanila. Magkasunod kami ni Kaps maglakad. "Kamusta?!" - sabi ko bago ako umupo sa tabi ni Kath "Ayos naman ako Sassy! Haha." – sagot ni Kath "Oo, halata nga Kath, ayos na ayos ka. I mean, kamusta Gabriel?" - sabi ko Tumahimik si Kath, haha. Loka talaga t

