Chapter 10 Alyssandra’s Point of View Gosh! Nalate ako ng gising! Mas maaga dapat ang pasok ko ngayon dahil nagpapa-meeting si Boss. Nagmadali na akong bumaba ng hagdan, dapat 6:30 pa lang nakaalis na ko eh. 7am na! "Oh Princess, huwag kang tumakbo baka mahulog ka sa hagdan. Kain ka muna dito." - sabi ni Nay Minda "Sa Office na lang po ako kakain. Malelate na ko Nay eh." - sabi ko pagkababa ko ng hagdan Dumiretso muna ako sa sala para i-check kung ok na ba yung mga gamit na kailangan ko hanggang mamayang gabi para sa ALU. Ok na, wala naman na yata akong naiwan? "Nay, alis na po ako." - sigaw ko nasa kusina na kasi siya eh "Sige sige. Ingat ka ha?" - sabi ni Nay Minda "Salamat po." - sagot ko Kinuha ko na yung susi ng big bike ko. Magmomotor ako, hindi ko na hih

