Mula sa terrace ng bahay-bakasyunan, patuloy pa ring pinagmamasdan ni John si Dinnah habang papasok ito sa loob ng bahay ng mga Solivio. Habang ang kamay niyang hawak-hawak ang tasa ng kape ay di na halos matingnan habang nakatanaw siya kay Dinnah— hanggang sa tuluyan na itong isara ang pintuan at mawala na sa kanyang paningin. Hindi niya maipaliwanag kung bakit biglang uminit ang kanyang mga pisngi at parang may kung ano ring kakaibang damdamin ang bumubuhos sa kanyang puso – isang halo ng kaba, lungkot, at isang hindi maipaliwanag na ligaya nang makita itong muli. Bumuntong-hininga siya at ibinaba ang baso sa mesa, ngunit hindi pa rin mawawala ang imahe ni Dinnah sa kanyang isipan. Samantala, nang pumasok si Dinnah sa loob ng bahay nang hindi man lang nilingon ang bahay-bakasyunan sa ta

