Prologue
PROLOGUE
Ang t***k ng puso ni Dinnah ay sobrang lakas na tila naghahagis ng kamao sa loob ng kanyang dibdib habang hakbang-hakbang siyang lumalapit sa lalaking nakatayo sa gitna ng malawak na veranda ng bahay-bakasyunan nito, na malapit lang sa bahay ng kanyang mga magulang.
Ang hangin ay malamig ngunit pawis na pawis siya mula nang pumasok siya sa bakuran ng bahay nito. Ilang beses siyang napalunok ng kanyang laway at halos hindi siya makahinga sa lakas ng kanyang kaba habang siya’y humakbang patungo sa nakatalikod na si Mr. Halden—ang kasintahan ng kanyang kambal na si Donnah.
"Huwag kang kabahan. Ipagpanggap mo lang na ikaw si Donnah. Kung maaari ay sanayin mo na ang sarili mo na ikaw si Donnah para magiging maayos na ang lahat. Hindi naman mahirap mahalin si Mr. Halden, nasa sa kanya na ang lahat, di nga namin maintindihan ang kapatid mo kung bakit iniwan niya ang kasintahan niya." Ang sabi pa ng kanyang ina sa kanya bago siya nagpunta rito ngayon.
Alam na rin ni Mr. Halden na siya ay pupunta ngayon rito dahil iyon ang sinabi ng kanyang ina na muling babalik si Donnah ngayon at ayusin ang kanilang problema. Kaya heto siya ngayon, bilang si Donnah na kanyang kambal, upang magpanggap na siya ang kasintahan nito. Napilitan talaga si Dinnah na gawin ito ngayon upang malutas ang problema ng kanyang pamilya.
Ngunit nang lumingon at tumingin sa kanya ang kasintahan ng kanyang kambal, mas lalo siyang nabahala sa mukha ni Mr. Halden at mas lalong nanlamig ang kanyang mga kamay.
Ang kagwapuhan nito ay higit pa sa nakita niya dati — ang matangos na ilong, matitipunong pangangatawan, at ang mga mata nitong tila hihilahin siya agad palapit rito!
Ang tanging nakikita niya ngayon ay ang galit sa mga mata nito habang nakatitig ito sa kanyang paghakbang palapit rito.
"Finally, you showed up and came back, Donnah." Biglang wika nito sa galit at malamig na boses na parang yelo, na mas lalong nagpalakas ng kanyang kaba.
Hindi siya nakapagsalita at nakatingin lang rito. Pakiramdam niya ay namutla siya sa harap nito dahil sa takot niya rito.
"Are you just going to stare at me, Donnah, honey? Apologize to me! If what your mother said is true — that you're truly sorry for what you did — then prove it now. Come here… hug and kiss me!" utos nito sa matigas na boses.
Nanlaki pa ang kanyang mga mata sa sinabi nito. Paano niya gagawin ang utos nito!? Iyon ang pinakamahirap ngayon!
Nanginginig ang mga labi ni Dinnah sa sinabi ng kasintahan ng kapatid.
"J-John… pasensya na. Hindi ko alam k-kung bakit nagawa ko yun, s-sorry." Aniya, ang paggamit niya sa pangalan nito ay parang kuko na pumuputok sa kanyang lalamunan — hindi niya kailanman akalaing ganoon kahirap banggitin para sa kanya ang pangalan nito.
"What?? Why are you calling me John? You never called me John before — 'honey' is what we used to call each other!" Inis na wika nito sa kanya, naningkit ang mga mata.
Para siyang nanigas sa kinatatayuan.
"Ahhm, s-sorry again, h-honey!" nauutal na wika niya.
Hindi niya alam kung paano niya magagawang ipagpatuloy ang pagpapanggap rito sa mga araw na susunod.
"Bilisan mo, lapitan at halikan mo na ako, Donnah! Do you miss me too?" Wika pa nito na may halong galit pa rin sa tinig.
"Ahhm—"
"Hurry up!" Tila nainip na wika nito sa kanya kaya nagmamadali naman siyang lumapit rito at niyakap ito. Parang yelo ang kanyang buong katawan sa lamig, ngunit ang akala lang ni John ay dahil sa takot niya rito sa kanyang pagkakamali bilang si Donnah kaya siya malamig.
Nagulat nalang siya nang tila uhaw itong niyakap siya ng mahigpit at mapusok na hinalikan sa labi!
Pakiramdam niya ay para siyang maputulan ng hininga sa mga sandaling iyon, lalo na sa tagal ng mga halik nito sa kanya! ang sarap at ang galing nitong humalik.
Sa tuwing tinitigan siya ni Mr. Halden, takot siyang makita niya ang pagkakaiba sa pagitan niya at ng kanyang kambal. Sa tuwing nakikipag-usap siya, sinusubukan niyang gayahin ang tono ng boses ni Donnah, kahit na alam niyang mas mahinahon siya kumpara sa kanyang kapatid na palaging malakas ang boses.
Ngunit bago niya man mapigilan ang lahat, ang araw ng kanilang kasal ay dumating na. Ang simbahan ay simple lang ngunit maganda, subalit hindi niya nakita ang anumang kagandahan dahil sa takot na baka may makapansin na hindi siya ang tunay na Donnah.
Nang ibinigay siya ng kanyang ama kay Mr. Halden, ang kamay nito ay malamig at walang emosyon.
"Don't you ever do what you did before again." bulong nito sa kanyang tenga, na mas lalong nagpatakot sa kanya ngunit pinilit niyang pigilan ang kanyang takot at maging normal ang kanyang kilos para hindi ito magduda sa kanya.
Ang kasal ay natapos nang mabilis, at ngayon ay narito na siya sa loob ng malaking kwarto ng bahay nito.
Unang gabi nila at ang ilaw ay sinadyang mahina lamang mula sa kandila na nakasabit sa dingding, at ang mga mata ni Mr. Halden ay nakatingin sa kanya habang unti-unting lumalapit sa kanya.
"Come, honey. Let's enjoy our wedding night. We've been intimate many times before, but let's make this night even hotter as newlyweds." halos pabulong na wika nito sa kanya.
Isang iglap lamang, at biglang nawala ang kanyang lakas.
At hindi niya alam ang gagawin. Sabi nito ay maraming beses nang may nangyari rito at sa kanyang kapatid, at siguradong mabubuking siya na hindi siya si Donnah kapag malaman nitong virgin pa siya!
At dapat ay habang maaari pa niyang protektahan ang kanyang p********e ay gagawin niya ang lahat!
"Ahhm, h-honey, mag CR muna ako!" Ang sabi pa niya na pilit pinasigla ang boses para hindi halatang sobrang tense na siya.
"Ahh, okay, bilisan mo, I'll wait for you in our bedroom." sabi pa nito sa mapungay na mga mata.
At pagpasok niya sa CR, isinara niya ng mahigpit ang pinto at agad na kinuha ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang damit. Habang umiiyak siya, binabaan niya ang tawag sa kanyang ina.
"Inayyy." aniya sa ina sa mahina at puno ng paghihirap na boses.
"Hindi ko kaya! una, Hindi ko kayang ibigay ang p********e ko sa kanya, nay! Lalo na't maiisip ko na nagpanggap lang ako at kasintahan siya ng kapatid ko! At isa pa, baka mabubuking niya ako nay! " aniya sa mahinang boses ngunit nababalisa at sinabi sa ina na siya ay wala pang karanasan at tiyak na magtataka si Mr. Halden pag may mangyari sa kanila.
"Huwag kang matakot anak," ang sabi ng ina mula sa kabilang linya na tila nababagabag din.
"May paraan naman. Yayain mo muna siyang uminom kayo at lasingin mo siya. Kapag lasing na siya, hindi niya mapapansin ang pagkakaiba." Ang sabi pa ng ina.
Ngunit hindi sang-ayon si Dinnah, sobrang hirap pala para sa kanya pagdating sa bagay na ito! ang kanyang mga luha ay tuloy-tuloy na umaagos sa kanyang mga pisngi dahil sa kanyang problema ngayon.
"Hindi ko pala kayang gawin ito, nay! Hindi ko kayang hayaan na may mangyari sa amin, lalo na’t hindi niya alam na hindi ako si Donnah! hindi ko pala kakayanin ang pagpapanggap na ito!”
"Dinnah, please," ang pakiusap ng ina sa kabilang linya.
"Wala na tayong ibang pagpipilian. Kailangan namin ng tulong mo anak. Kung hindi mo ito gagawin, mawawalan tayo ng lahat — pati na rin ang ating bahay. At mas lalong magagalit pa si Mr. John Halden sa atin!" Pagmamakaawa ng ina.
Napaupo si Dinnah sa sahig ng CR, habang siya’y umiiyak nang walang tigil. Alam niya ang sinasabi ng ina ay totoo, ngunit hindi niya alam kung paano niya ngayon isakripisyo ang kanyang sarili para sa pamilya.
Paano niya malulusutan si Mr. Halden sa unang gabi ngayon ng kanilang kasal? bigla siyang nakaramdam ng galit sa kanyang naglayas na kapatid, siya pa tuloy ang napahamak ngayon!