Story By Faith Love Hope Dreame
author-avatar

Faith Love Hope Dreame

ABOUTquote
Hello po sa lahat ng readers👋 Sana patuloy niyo po akong supportahan. Hindi man perfect sa bantas at grammar sa pagsusulat pero sisikapin kong mapasaya ko kayo sa bawat akda ko.
bc
YAYA SEÑORITA
Updated at Dec 5, 2025, 00:35
Naisilang at lumaki sa bundok si Eliana at hindi kilala ang kanyang tunay na ama. Ngunit marami ang nakakahalata sa kanyang kakaibang ganda at pati na ang medyo blue niyang mga mata. Dinala siya ng kaibigan ng kanyang Ina sa siyudad at nagtatrabaho bilang Yaya sa anak ni Mr. Sebastian Delgado. Noong una'y ginawa siyang katatawanan ng lahat dahil sa kanyang pagka ignorante. Laging mainit ang ulo sa kanya ng kanyang among si Sir Bastian dahil sa kanyang kamanulan. Nang tumagal siya ng ilang buwan sa mga Delgado ay unti-unti niyang naramdaman na may kakaiba sa mga tingin sa kanya ni Sir Bastian. At siya naman ay tuloyang nagkagusto na talaga sa guwapong amo. Hanggang dumating sa puntong may nangyari sa kanila kahit wala naman silang relasyon nito. At kung kailan naman iyon nangyari ay saka naman bumalik ang dating asawa ni Sir Bastian. Makakaya kaya n'yang manatili sa mga Delgado na araw-araw din siyang nasasaktan ngayong bumalik na ang babaeng mahal nito at Ina ng anak nito? at higit sa lahat makakaya kaya niya ang pangungutya sa kanya at panlalait ng sexy, maganda, classy at eleganteng ex wife ni Sir Bastian na si Ma'am Faye Miller? Paano kapag biglang babaligtad ang mundong ginagalawan ni Eliana at matutupad ang lagi niyang napanaginipan na siya'y nakaupo sa maganda at mamahaling upuan na tila upuan ng isang princesa?
like
bc
Dr. Dave Dela Torre's Legal Wife
Updated at Dec 4, 2025, 20:58
Hindi lahat matatakasan ang masakit na nakaraan. Minsan may mga pagkakataong darating talaga ang oras na kailangan mo itong harapin. Gaya ngayon ni Helena. Kailangan niyang harapin ang kanyang masakit na nakaraan sa kabiguan niya sa lalaking kanyang pinakasalan at siya'y nagawang lokohin sa mismong araw pagkatapos ng kanilang kasal. At ang babae nito'y walang iba kundi ang kanyang adopted sister.
like
bc
The Billionaire's Ex-wife's Revenge
Updated at Nov 30, 2025, 20:44
Blurb Siya si Lailyn Santiago, simpleng babae at walang maipagmamalaking ganda. Ngunit di niya inaasahan na magustohan s'ya ng isang bilyonaryong binata na si Mr. Marcus Gavin Monteverde. At ex boy friend pa ng kanyang among dalaga. Una'y di s'ya naniniwala rito dahil bukod sa di s'ya maganda ay mahirap lang din s'ya kaya imposibleng magkagusto ito sa kanya. Subalit pilit nitong idinikit ang sarili sa kanya. Kaya natagpuan nalang niya ang sariling sinagot ito dahil sino ba kasi ang babaeng aayaw sa tulad ng guwapo at bilyonaryong binata? hangga't pinatunayan pa nito sa kanya na talagang mahal siya nito dahil pinakasalan talaga s'ya ni Marcus. Ngunit hindi s'ya tanggap ng pamilya nito at marami s'yang negative na naririnig na isang araw ay ipagpapalit din s'ya ng asawa sa iba. Hindi naman niya napigilan ang sariling ma-insecure sa mga magagandang babaeng minsan makasalamuha ng kanyang asawa lalo na't di s'ya maganda at malayo lang ang kanyang hitsura sa mga magagandang dalagang minsang nakakaharap ng asawa. " Bakit ka nagdududa sa pagmamahal ko, Lyn, darling? hindi pa ba sapat sa'yo na pinakasalan kita at binigyan ng time? hindi kita pakakasalan kung hindi kita mahal, kaya h'wag kang makikinig sa mga negative na narinig mo. I love you so much darling. Ikaw lang talaga." Matamis na wika nito at pangako pa ng asawa na pinanghahawakan naman niya. Para sa kanya ay s'ya na ang pinaka swerteng babae sa buong mundo dahil pag-aari niya si Marcus at asawa s'ya nito. Subalit minsan ay mapapahiya pa s'ya sa tuwing ipakilala siya nitong asawa sa mga party na dadaluhan nila. Hindi s'ya nito itinago sa bahay kundi proud talaga itong dalhin siya kapag may mga importanteng party itong daluhan. "Oh my goodness, why did she become your wife, Mr. Monteverde? Are you blind?" Walang prenong wika pa ng isang magandang babaeng isa sa mga guest sa party'ng iyon. Natigilan naman si Marcus sa sinabi ng magandang babae at nakatingin sa kanya. Mahigpit s'yang hinawakan ng asawa at pinisil iyon na ibig sabihin ay h'wag niyang pansinin ang sinabi ng babaeng kaharap nila. " Ay! sorry. Nadulas tuloy ang dila ko." Nakangiti pang wika nito sa kanila at lalo na sa kanya. Hiyang-hiya siya ngunit ayaw naman n'yang mang away dahil mas lalong mapahiya pa si Marcus kung maging palaaway pa s'ya. Wala nang mahihiling pa si Lailyn. Basta kasama lang n'ya ang asawa ay okay na ang lahat para sa kanya. Ngunit lumipas ang tatlong taon na pagsasama nila ay hindi s'ya nabuntis. Nagpa check up naman sila ngunit nagulat s'ya nang malaman na s'ya ang may diperensya at di daw niya kayang bigyan ng anak ang kanyang asawa. Mula noon ay nagsimula na ang kalbaryo sa buhay ni Lailyn. Napansin na n'yang naging malamig na sa kanya si Marcus at tila nagbago ang pakikitungo ng asawa sa kanya. At minsan ay dalawang araw na itong hindi umuuwi. Nasaktan s'ya ngunit tiniis lang niya ang lahat. Hangga't nagimbal nalang s'ya isang araw nang umuwi si Marcus na dala ang isang magandang babaeng buntis! " M-marcus!? a-anong ibig sabihin nito?" Umiiyak niyang tanong sa asawa at parang sinaksak ang kanyang dibdib ng patalim ang sa mga sandaling iyon! "Lailyn, I hope you understand me. She is Haneline. I paid her to get pregnant with my child. Hindi ko na sinabi sa'yo ang tungkol dito dahil nahirapan ako. At ngayong malapit na s'yang manganak ay kailangan ko s'yang dalhin dito upang maalagaan ng isang Doctor ng obstetrician-gynecologist or OB-GYN. Upang healthy ang anak ko." Ang sabi ng asawang si Marcus habang nang-uuyam namang nakangiti sa kanya ang magandang babaeng buntis. Parang dinaganan ng buong mundo si Lailyn sa kanyang nalaman at narinig mula sa asawa. Talong-talo s'ya sa babae. Bukod sa maganda ito ay buntis na ito sa anak ng kanyang asawang si Marcus! "At ako Marcus!? paano ang naramdaman ko? hindi mo ba iniisip na sobrang sakit ito sa akin?! niloloko mo ako at iniinsulto! porke't ganito lang ako, hindi mo nirerespeto ang naramdaman ko bilang asawa mo!" Malakas n'yang iyak sa harap ng asawa at ng babaeng buntis. "Sawang-sawa na ako, Lailyn! gusto ko na ng anak! kaya h'wag mo akong sisihin. Kung hindi mo kaya ang ginawa ko, you're free to leave my territory!" Malakas na sigaw ng kanyang asawa. Nanlumo si Lailyn at tila nawalan s'ya ng lakas at pag-asa sa buhay.
like
bc
ANNA BELLA
Updated at Oct 6, 2025, 18:23
Mas pinili ni Sam Ang babaeng mayaman na pakasalan kaysa sa kanyang kasintahang si Anna. Dahil sa laki ng problema nito sa financial. Mahirap lang si Anna kaya nasasaktan siya sa desisyon ng kasintahan na mas pipiliin nito ang mayamang si Yassy, kahit Seven years na silang magkasintahan.Wala siyang nagawa nang ideklara ng pari Ang kasal ng kanyang kasintahan at sa mayamang babae. Kahit nagpunta pa siya roon at sinubukang tutulan ang pagpapakasal ni Sam sa ibang babae.Ngunit ang puso ni Sam ay nanatiling kay Anna lamang. Kaya ganoon nalang ang galit ni Yassy kay Anna at ginawa nito ang lahat upang maging miserable ang buhay ni Anna at ang pamilya ni Anna.Sa galit ni Anna sa mga ginawa sa kanila ng mayamang Asawa ng kanyang ex boyfriend ay naisipang niyang ipapakulam ang babae sa isang malayong probinsya kung saan nakatira ang Isang bantog na bilyonaryang mangkukulam! At sa pagkakataong iyon ay kamamatay lang ng pinaka paboritong apo ng mangkukulam na si Bella na siyang nag iisang apo at pinaka mahal sa lahat.Ayon rito ay pagod na ang spirit ni Bella kaya lumabas ang kaluluwa nito sa katawan ng magandang dalaga at namatay ito.At nang malaman ng matandang mangkukulam ang sadya ni Anna na magpapakulam dahil puno na ng galit ang puso nito ay nagkaroon ng pag asa ang mangkukulam na mabubuhay ulit ang kanyang apong si Bella sa pamamagitan ng kaluluwa ni Anna.inofferan ng mangkukulam si Anna ng magandang Buhay at tutulongan nito Ang pamilya upang makaraos sa kahirapan, kapalit sa isang kamangha-manghang kondisyon- sa pamamagitan ng ritwal ng mangkukulam ay palalabasin nito ang kaluluwa ni Anna sa katawan nito at ipapasanib sa mainit pang katawan ni Bella..Una'y tumanggi pa si Anna dahil natatakot Siya. Ngunit nang kalauna'y pumayag na rin siya para sa kanyang pamilya.Missing si Anna, iyon ang akala ng lahat ngunit ang kaluluwa ng dalaga ay nasa katawan ni Bella-Isang sikat at magandang modelo at galing sa Mayamang angkan.Ganoon nalang Ang pagtataka ng pamilya ni Anna nang biglang dumating si Bella sa Buhay nila at tinulongan sila sa kanilang kahirapan.Isang Araw ay nasorpresa si Bella nang gustong makipagkita sa kanya ang kanyang pinsan na adopted ng kanyang uncle. Sobrang nagulat pa siya nang makitang dumating ang kinasusuklamang asawa ng kanyang dating kasintahang si Sam! at mismo si Sam ngayon ay kasa-kasama rin nito! Napahalakhak si Bella habang nakaharap at tiningnan ang sarili sa malaking salamin.Siya si Anna ,at ang Tadhana na mismo Ang gumawa ng paraan upang makapaghiganti siya sa mga umaapi sa kanya at sa kanyang pamilya.
like
bc
NINONG FABIANO (SPG)
Updated at Oct 1, 2025, 01:55
Si Fabiano Saavedra ay isang kinilalang galing sa mayaman at maimpluwensyadong pamilya at isa sa tagapagmana ng kanilang angkan . Siya'y apo ng yumaong Secret trillionaire at Hacienderong si Don Manuel Saavedra. Panganay siyang anak ni Senior Ricardo at Seniora Elaiza Saavedra. Lihim namang umibig sa binata ang anak ng tauhan sa Hacienda na walang iba kundi ang dalagang si Luissa. Kinilala nitong Ninong ang among binata, dahil sa galante nitong magbigay sa kanya ng pera at mga mamahaling bagay na gustong-gusto naman ng dalaga. Kinilala na rin silang tunay na pamilya ng mga Saavedra dahil bukod sa matalik na kaibigan ni Ninong Fabiano ang kanyang amang si Terio ay matagal na rin ang kanyang amang nanilbihan sa loob ng Hacienda lalo na ang kanyang Lola Vicenta. Ngunit nagbago ang lahat nang magtraidor ang kanyang ama sa kanyang Ninong Fabiano. Sa galit ni Ninong Fabiano sa kanyang ama ay sa kanya naibaling ang lahat na galit nito nang pinuwersa ng kanyang ama ang babaeng nagustohan ng Ninong niya at nais sanang pakasalan. Kaya siya ang nagdusa sa malaking kasalanang ginawa ng kanyang ama. Minalas si Luissa nang makulong Ang kanyang ama at namatay pa ang kanyang Lola Vicenta dahil inatake ito sa sakit sa puso nang malaman nitong pinuwersa Ng anak ang girl friend ng kanilang among binata. Bilang ganti ng kanyang Ninong ay lihim s'yang inangkin nito upang makaganti ito sa ginawa ng kanyang ama. At ang akala ni Luissa ay sa tagal at paulit-ulit s'yang inangkin ng kanyang Ninong ay nagkagusto na rin ito sa kanya at umaasa s'yang totohanin at mamahalin din s'ya nito. Ngunit isang araw ay bigla na lang nitong pinutol ang ugnayan nila sa isa't isa at ipinamukha nito sa kanya na kahit kailan ay di ito magkakagusto sa isang tulad niya. Iniwan s'ya nito sa Hacienda na parang basahan at ito'y nangibang bansa. Dahil sa kanyang kalungkutan at kabiguan ay kusa na rin s'yang umalis sa Villa ng hacienda dala ang pagkasuklam niya sa lalaking minahal niya sana ng labis. Isang lihim naman ang kanyang iniwan sa Villa ng Hacienda na balang araw ay kailangan niyang babalikan. Nabuntis s'ya ng lihim dati ni Ninong Fabiano . At sa mismong villa lang din niya iniwan ang bata na walang nakakaalam na s'ya ang tunay na Ina nito. Nagpunta s'ya ng Maynila noon pagkatapos niyang isinilang ang kanyang sanggol, kahit masakit sa kanya na talikuran ito ay wala s'yang magagawa. Dahil sa kanyang murang edad at kalagayan ay di naman niya mabigyan ng magandang buhay ang kanyang anak. At sa pakikipagsapalaran niya sa Maynila ay di niya akalaing pinalad s'ya sa ipinakita niyang galing sumayaw at umakting kaya sya'y nadiscover at kinuha siyang artista sa kaibigan ng kanyang amo doon na isang sikat at malakas na producer. Hangga't nagkaroon s'ya ng maraming project at sya'y sumikat sa larangan ng showbiz. Sa kanyang pagbabalik ay misyon niyang kukunin ang kanyang anak dahil kaya na niya itong bigyan ng magandang buhay. Magtatatagumpay kaya s'yang kunin ang kanyang anak na nasa pangangalaga ngayon ng mga Saavedra? sa mismong poder ng sarili nitong ama? Sa ayaw at sa gusto niya'y kailangan niyang muling magpakita sa Hacienda para kukunin ang kanyang anak na napipilitan niyang abandonahin dahil sa mapait niyang nakaraan..
like
bc
PROBINSYANANG SUPLADA
Updated at Aug 2, 2025, 10:46
Dahil sa ginawang pag abandona sa kanila ng kanilang Military'ng ama ay tuloyang namatay ang kanilang inang may sakit, dahilan kung bakit bata pa lang si Telly ay natuto na s'yang maghanap buhay para sa kanilang magkapatid. Isang mabigat na obligasyon ang naiwan sa kanya sa edad pa lang niyang dose anyos. Siya ang bumuhay at nagpapaaral sa kanyang dalawang kapatid. Kaya galit at pagkapoot sa dibdib ang naramdaman n'ya para sa kanyang manlolokong ama na basta na lang s'yang iniwan. Pinaniwala kasi nito ang kanyang Ina na binata ito, hangga't dumating ang time na nalaman na lang nila na may pamilya na pala ito. Simula noon ay hindi lang s'ya sa kanyang ama galit, kundi galit siya pati sa lahat ng Army dahil para sa kanya, mga manloloko ang mga ito at maraming babae. Dumating naman ang araw na pilit silang kinuha ng kanyang Military'ng ama at dinala sa Maynila. At nagulat s'ya nang muli n'yang makita roon si 1st Lieutenant Samuel Hernandez. Ang dating nagbakasyon sa kanilang probinsyana na pinag-aagawan ng mga kadalagahan doon maliban sa kanya. Namangha pa s'ya nang malaman na anak pala ito ng asawa ng kanyang ama sa unang lalaki sa buhay nito. Kaya iisa sila ng tahanan ng binata!
like
bc
JAKE MONDRAGON, MY HERO BILLIONAIRE
Updated at May 31, 2025, 03:09
Hindi sinadyang umibig si Kerai sa lalaking nagligtas sa kanya sa ilang beses na pagkakataon. Kahit suplado ito ay may gintong puso naman ito, napatunayan niya iyon dahil sa ilang beses na niligtas siya nito. Ngunit pinrangka siya nito na hindi ang tulad niyang taga Isla ang gusto nitong maging kahati sa buhay. Paulit-ulit siya nitong ininsulto kaya kahit masakit dahil mahal niya ito ay pilit nalang siyang umuwi sa kanilang Isla kung saan lagi siyang masaya noon. Siya'y adopted lamang at di na niya akalaing Makita pa niya ang kanyang tunay na mga magulang. Mayaman ang mga ito at sa isang iglap ay biglang nagbago ang kanyang buhay sa piling ng tunay na mga magulang. Ngunit Isang malaking problema ang kanyang haharapin, dahil noon pa pala Siya inireto Ng mga magulang sa anak ng kumpare nito. At labis pang ikinagulat ni Kerai nang Makita ang lalaking ipapakasal sa kanya. Si Jake Mondragon! Isang bilyonaryong binata na kanyang tagapaligtas na siyang nananakit din ng kanyang puso't damdamin.
like
bc
THE LONG LOST WIFE Book 2 ( SPG)
Updated at May 24, 2025, 02:30
14 years na missing si Mikaella De Chavez kaya Akala ng lahat na siya'y Wala na talaga. Na crash ang eroplanong sinakyan niya papuntang Cebu nasagip naman siya ng mabuting pamilya, dinala Siya Ng mga ito sa bukiran ng Leyte. At walang nakakilala sa kanya doon. Iyon din ang dahilan na hindi na siya nakikita ng kanyang pamilya. Ngunit hindi naman siya habang buhay nakakulong sa buhay sa bukid na pansamantalang ginagalawan niya, dumating din ang tamang panahon na siya'y nakabalik sa kanyang mga alaala. Umuwi siya sa kanyang pamilya ngunit akala niya'y masosorpresa niya ang mga ito Lalo na ang asawa niya na siya'y buhay pa pero Siya pala ang nasorpresa dahil may bago nang asawa Ang kanyang asawang si Mr. Sierge Saleem. Isang sikat na business man at galing din sa maimpluwensyadong pamilya. Kahit masakit pero pipilitin niyang tanggapin ang mapait na katotohanan.
like
bc
RICARDO, ANG HEREDERO
Updated at Feb 20, 2025, 06:44
Isang pagkakamali ni Ricardo na nagbunga ng maraming pagsubok sa kanila ng babaeng pinakasalan at tunay niyang iniibig. Paano niya ipaglaban ang babaeng minamahal kung ito'y pagmamay-ari na ng iba? At paano niya ito mababawi kung wala naman itong maalala sa nakaraan? Magtatagumpay kaya siyang bawiin ang Asawa mula sa mga kamay ng kanyang step brother na may Galit at inggit sa kanya?
like
bc
JUANCHO, THE HEARTTHROB BILLIONAIRE
Updated at Dec 7, 2024, 00:09
Labis Ang pagkagusto ni Mariella sa kanyang among binata sa edad niyang 17 years old. Subalit Reject siya nito at hindi man lang siya pansin. Nainis din Kasi ito sa kanya dahil sa kanyang pagka flirt.Hangga't sa dumating ang time na siya'y nabuntis nito, pinakasalan naman siya subalit ginawa lang siyang katulong nito at pinamukha pa sa kanya na iba ang gusto nito. Kaya ba niyang magtiis habang buhay sa piling ng asawang Bilyonaryo at habulin pa ng mga babae?
like
bc
SEDUCING MY SISTER'S HUSBAND
Updated at Mar 27, 2025, 09:34
Gumawa ng paraan si GIANNA upang makakatulong Siya sa mga kinilala niyang magulang. Halos lahat ng kalokohan ay pinasok niya para lang magkapera at upang masustentuhan lamang Ang mga gamot ng kanyang kinilalang Ina.Hindi Siya pinabayaan ng mga ito kahit Hindi siya tunay na anak ng mag-asawa. Tomboy Siya sa paningin ng iba dahil sa kanyang pananamit pero babae naman talaga ang kanyang puso..Hangga't labis siyang nagulat at nagtataka nang makatagpo niya Ang Isang mayaman at sexy'ng babae na kamukhang- kamukha niya. At kapwa nila nalalaman na ito ay kanyang kambal at nagkahiwalay lamang Sila dahil iba-iba Ang umampon sa kanila. Nagkakilala Sila sa panahon na kapwa nila kailangan ang Ang isa't- isa." Five Million pesos..para sa pagpapanggap mo na ikaw ay ako at ipaghihiganti mo ako sa mga taong nagpapaiyak at nananakit ng aking damdamin! Ipaghihiganti mo ako sa aking asawa at sa kanyang kabit!!" Galit at mariing wika sa kanya ng kanyang kambal na mayaman na si Ciamara Briones.Namangha si Gianna sa laki ng perang sinasambit ng kambal sa kanya! Napalunok pa Siya ng laway sa Five millions na Sabi nito. Naninigas Siya at halos di makahinga sa kinatatayuan."Deal or no deal..??" Tanong ni Ciamara sa mukhang tomboy na kambal."D-deal !!" Nauutal na Sagot at agree ni Gianna.Sa Five millions ay babaguhin nito ang kanyang buhay at mga kinilalang magulang. Ang gagawin niya lang ay ang maging artista, mag- acting at magpanggap para maghihiganti sa Asawa nitong si Mr. John Henry Fuentebella at sa Kabit nitong si Miss Elisse De Vera! makakaya kaya niya Ang lahat??
like
bc
A DANGEROUS ATTRACTION
Updated at Jan 29, 2025, 06:48
Galit Ang naghahari sa puso ni Sarah nang mag suicide Ang kanyang Ate Leah dahil sa pambababae ng asawa nitong si Mr. Darius Enriquez. Gusto niya sanang umalis sa pamamahay ng mga Enriquez subalit ayaw naman niyang iiwan ang kanyang dalawang maliliit pa niyang pamangkin. Kaya napilitan parin siyang tumira sa poder ng mayamang Asawa ng kanyang ate kahit ang totoo'y gusto na talaga niyang lumayas. Nagpatuloy Siya sa pag-aaral niya sa kolehiyo na Ang sumusuporta ay Ang kuya Darius niya, Ang mayamang Asawa ng kanyang ate Leah. Ngunit Isang Araw ay bigla nalang nagpapakita Ng pagkakagusto sa kanya si Kuya Darius. Takot Siya rito sa pagpapakita nito sa kanya ng malaking pagkakagusto. Ano ba ang gagawin niya? ito na ba Ang daan upang maiganti niya Ang kanyang Kapatid ?
like
bc
PARAISO NG MGA ASWANG (SPG)
Updated at Oct 11, 2024, 18:07
Iba ang tingin ni Alexander sa lahat ng mga babae mula nang inabandona sila ng kanyang ina at sumama ito sa ibang lalaki. Kaya marami na siyang pinangakuan ng kanyang pagmamahal ngunit lahat ay napapako at pinaglaruan lamang niya ang mga babae. Para sa kanya ay pare-pareho lamang ang lahat ng babae-makakati. Hangga't nalipat sila ng tirahan ng kanyang ama sa isang maganda at tila paraisong lugar. Muling nag-asawa ng taga roon ang kanyang ama at meron itong isang morena at magandang anak. Sinusumpong na naman si Alexander sa kanyang pagka playboy at biniktima ang kanyang step sister na si Wenona..Ngunit ang di alam ng binata na halos lahat ay mga ASWANG ang nakatira sa Lugar na iyon ..May biglang dumating na isang babaeng naging dayo din sa paraisong lugar at agad nabalita na isa itong bantugang babaeng nanghuhula ng kapalaran..Gusto ni Alexander at ng kaibigan na magpahula sa sinasabing babaeng naging dayo..KayaNabigla na lamang si Alexander nang makita ang sinasabing babaeng nag propisiya ng mga pangyayaring darating sa buhay ng isang tao!SIYA si Gandara, isang dalagang nanghuhula ng kapalaran! at may kakaibang kagandahang taglay! alam na ni Gandara ang sekreto ng paraisong lugar na iyon ngunit kailangan niyang mamalagi roon para sa Isang mission..
like
bc
MUTYA NG KAGANDAHAN
Updated at Sep 30, 2024, 16:58
Dahil sa Pagkasira ng kaharian ng mga Engkanto at natalo ang mga ito ng mga kalabang ANTINGERONG aswang ay sinadyang itapon ng kanyang inang Engkantada si Princesa Shahara sa mundo ng mga tao upang siya'y itago mula sa mga kaaway. At itinago ng inang Rayna ang totoong mukha ni Princesa Shahara at pinalitan ng isang pangit na mukha ang princesa upang di ito makikilala ng mga antingerong mga ASWANG na kaaway. Sa takot na baka patayin ng mga ito ang Princesa.Na ampon Ang Princesa sa mga taga lupa at siya'y pinangalanang si Emang na ubod ng pangit. Nagkaroon si Emang ng mabait na kaibigang lalaki, Siya si Argus. Isa itong makisig at guwapong binatang hangaway at antingerong mangangaso. At akala niya ay nagkagusto ito sa kanya, ngunit nang malaman ng kaibigang si Argus na may gusto Siya rito ay itinatwa siya nito at nilayuan na labis namang ikinalulungkot ni Emang.Ngunit Sa tuwing bilog Ang buwan ay Kumikinang Ang isang maitim na Mutyang nakadikit sa singsing ni Emang, ayun ng kanyang mga magulang na umampon sa kanya ay nasa leeg niya ito na sadyang ikinuwentas upang di mawala nang siya'y makita ng mga ito sa gubat. At ang sekreto ng mutyang ito ay siyang ipinagtataka ni Emang at tanging siya lang ang nakakaalam sa sekreto nito-sa tuwing bilog ang buwan ay biglang magbabago ang kanyang ka-anyuan bilang isang magandang babae! Labis namang nagkagusto at nagmamahal si Argus sa isang magandang babae na nagpapakita lang sa kanya sa tuwing bilog ang buwan.
like
bc
MY SISTER'S HUSBAND IS MY EX-BOYFRIEND
Updated at Sep 16, 2024, 00:48
Ikasasal na sana sina Alexa at Ang kanyang kasintahang si Kharvin subalit isang di inaasahang aksidenteng nangyari Kay Alexa nang siya'y papunta na ng simbahan. At dahil niyon ay na comatose Siya ng Six years. Ang buong Akala ng pamilya niya ay di na Siya magising sa coma at yun din ang akala ng kasintahang si Kharvin. Ngunit sa muling pagbabalik ni Alexa sa kanyang katawan at siya'y muling nagising ay nagkaroon pa Siya ng ilang buwan na amnesia bago tuloyang gumaling. At sa kanyang paggaling ay nayanig siya dahil sa kanyang nalaman! May asawa na si Kharvin at Ang kanyang mismong Kapatid na si Arriana Ang Asawa nito at may Isang anak na Ang mga ito..
like
bc
THE LONG LOST WIFE
Updated at Jun 2, 2024, 16:23
Ten years nang nawawala Ang Asawa ni Brent De chavez.mga six years Ang pghihintay nito at naniniwalang babalik pa ito at uuwi,ngunit Wala ni kahit anino ng Asawa Ang nagpapakita pa sa kanya kaya Ang buong akala Niya ay wla na tlaga ito.missing ito nang ma crash Ang eroplanong sinakyan nito Mula maynila patungong silay city.kaya sa 6 years n na pghihintay at pghahanap ay sumuko na siya.umibig at nagmahal ulit ng iBang babae.kung gaano ka bait Ang unang Asawa ni Brent ay ganoon din ka pangit ng pag uugali Ang pangalawang wife nito.Hanggat Isang Araw habang nagbo- bonding sina Brent at Ang second wife nito Kasama Ang Isang 4 years old na anak nila sa Isang beach resort ay may biglang nakita si brent.nanlaki Ang kanyang mga mata sa nakita!Ang kanyang dating Asawa!Parang Wala itong matandaan Dahil Hindi Siya kilala nito..
like