bc

PARAISO NG MGA ASWANG (SPG)

book_age18+
429
FOLLOW
3.7K
READ
HE
small town
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Iba ang tingin ni Alexander sa lahat ng mga babae mula nang inabandona sila ng kanyang ina at sumama ito sa ibang lalaki. Kaya marami na siyang pinangakuan ng kanyang pagmamahal ngunit lahat ay napapako at pinaglaruan lamang niya ang mga babae. Para sa kanya ay pare-pareho lamang ang lahat ng babae-makakati. Hangga't nalipat sila ng tirahan ng kanyang ama sa isang maganda at tila paraisong lugar. Muling nag-asawa ng taga roon ang kanyang ama at meron itong isang morena at magandang anak. Sinusumpong na naman si Alexander sa kanyang pagka playboy at biniktima ang kanyang step sister na si Wenona..Ngunit ang di alam ng binata na halos lahat ay mga ASWANG ang nakatira sa Lugar na iyon ..May biglang dumating na isang babaeng naging dayo din sa paraisong lugar at agad nabalita na isa itong bantugang babaeng nanghuhula ng kapalaran..Gusto ni Alexander at ng kaibigan na magpahula sa sinasabing babaeng naging dayo..KayaNabigla na lamang si Alexander nang makita ang sinasabing babaeng nag propisiya ng mga pangyayaring darating sa buhay ng isang tao!SIYA si Gandara, isang dalagang nanghuhula ng kapalaran! at may kakaibang kagandahang taglay! alam na ni Gandara ang sekreto ng paraisong lugar na iyon ngunit kailangan niyang mamalagi roon para sa Isang mission..

chap-preview
Free preview
YUGTO 1
Nagmamadaling nagtago si Alexander nang makita niyang paparating si Grace. "Dad, nandito si Grace!! Sabihin niyo pong wala ako!" Nabahalang wika ni Alexander at nagtatago sa loob ng kuwarto nito habang malakas na isinara iyon. Nagtatakang naiwan na lamang ang amang si Mang Lauro dahil sa reaksyon ng anak kung bakit natatakot ito sa paparating nitong kasintahan. Pagdating ni Grace. "Tito Lauro, nasaan po ang anak niyo? Ilang araw na niya akong iniiwasan pagkatapos malaman niyang buntis ako! Kailangan niyang panagutan ako!" Nakapamaywang na wika ni Grace. "Ano!? Buntis ka??" Gulat na tanong ni Mang Lauro. "Oo! Buntis po ako at siya ang ama! Noong una ay hindi ako naniniwalang isa siyang playboy at manloloko dahil sa mga matatamis niyang salita! Pero ngayon, naniniwala na talaga ako na totoo pala ang mga sinasabi sa akin ng lahat!" Galit na wika ni Grace. "G-Grace, wala rito ang anak ko. Hindi pa siya umuuwi mula kanina..." Pagsisinungaling ni Mang Lauro. "Kailangan ko siyang makausap! Alam ko pong lilipat na kayo ng tirahan sa isang araw! Isa din iyan sa hindi sinasabi ng manloloko niyong anak sa akin!!" Patuloy ni Grace. At si Alexander naman ay pinagpapawisan na habang nagtatago sa loob ng kuwarto nito. Nang makaalis na si Grace ay lumabas kaagad si Alexander. "Ano na namang kalokohang ginagawa mo, Alex!? Dalawang buwan mo pa lang nakikilala si Grace at ngayon ay binuntis mo na siya!? Bakit laging sakit ng ulo na lang ang ibinibigay mo sa akin, ha!?" Parang tumataas ang dugong singhal ng ama kay Alexander. "Daddy naman, hindi ko iyan kasalanan. Basta isang babaeng easy to get at makati, iyon talaga ang mangyayari sa kanila—mabubuntis sila." Kampanteng sagot ni Alexander. "Ayusin mo iyang ugali mo, Alex. Lilipat na tayo sa isang araw ng tirahan at sa bago nating tirahan ay sana huwag mong dalhin ang ugali mo roon! Dapat magbago ka na!" Galit na sermon ni Mang Lauro sa anak. "Ang tagal pa ng isang araw, Dad, para matakasan ko na si Grace..." Nakangising sagot ni Alexander. Inis na iniwan na lamang ni Mang Lauro ang anak. Noong bata pa kasi si Alexander ay iniwan siya ng kanyang ina at sumama ito sa ibang lalaki. Flashback sa nakaraan: "Mommy!! Huwag niyo po akong iiwan!!" Umiiyak na pagsisigaw ni Alexander nang makitang dala-dala na nito ang malaking bag. Tumakbong napayakap ang walong taong gulang na si Alexander sa kanyang ina at umiiyak nang malakas. "Mommy!! Huwag ka pong aalis!! Huwag mo kaming iiwan ni Daddy!!" Anang bata habang mahigpit na nakayakap sa ina nito. "Ano ba!! Lint*k na batang ito!! Hoy, Lauro, kunin mo itong anak mo! Ang kukulit!" Wika pa ni Sandra at pilit na hinuklas ang maliliit na braso ng anak na nakapulupot sa kanya. Mas lalong napaiyak si Alexander nang galit na hinuklas ng kanyang ina ang kanyang mga braso at itinulak siya patungo sa kanyang ama. Niyakap at hinawakan naman ni Lauro ang anak na pilit na nagpupumiglas upang makawala at muling habulin ang kanyang ina. "Mommy!!" "Anak, hayaan mo na ang Mommy mo. Mas mahalaga pa sa kanya ang kabit niya kaysa sa atin. Nandito naman ang Daddy. Hindi kita pababayaan, anak..." Lumuluha ring wika ni Lauro sa anak habang pinapatahan ito. End Flashback. Kaya lumaki si Alexander na may kimkim na galit sa sariling ina at iba rin ang tingin nito sa mga babae habang siya ay lumalaki at nagkakaisip. Nasa bente-siyete anyos na si Alexander at hindi na talaga sila binalikan pa ng kanyang ina. Kaya galit na galit siya rito. Para sa kanya ay halos lahat ng babae ay katulad lamang nito. At balak ngayon ng mag-ama na sila ay lilipat ng lugar. May nabili kasi silang lupa sa Don Salvador Benedicto. Ang Don Salvador ay may malawak na bulubundukin at isang napakagandang lugar. At may isang baryo rito na napapaligiran ng kabundukan at tila paraiso ang ganda ng tanawin. Ito ay ang Baryo Manara. Muling may nakilalang babae si Mang Lauro na naging karelasyon nito at ang babaeng ito ay taga-roon nakatira sa tila paraisong baryong iyon. Isang beses nang nakapunta si Lauro sa nasabing lugar at sobra niya itong nagustuhan dahil bukod sa napakaganda ng tanawin, tahimik at payapa ang lugar at mababait pa ang mga taong nakatira roon. Kaya nagpasya si Mang Lauro na ibenta ang kanilang lupa at bahay at lumipat sa Baryo Manara na nasasakupan ng Don Salvador Benedicto. Lahat ay ginagawa ni Alexander upang hindi lamang siya makita ni Grace kaya dumating na lamang ang araw ng kanilang paglipat na talagang hindi na siya nakita nito at tuluyan na niyang nilayasan si Grace. May kaya sina Alexander sa buhay. Hindi sila mayaman ngunit hindi rin naman sila mahirap. Habang bumibiyahe sila papuntang Don Salvador ay nakahinga nang maluwag ang binata. "Hay, salamat. Tapos na talaga ang problema ko kay Grace..." Ani Alexander. "Ako ang natatakot sa mga ginagawa mo, Alex. Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo kay Grace? Ang dami mo nang nilolokong babae. Mabuti nga at dalawang babae pa lang ang nabuntisan mo—yung iba ay hindi. Makonsensya ka naman. Baka karmahin ka sa mga ginagawa mong iyan..." Muling panenermon ni Mang Lauro sa anak. "Daddy, galit ako sa mga babaeng easy to get! Ayusin na lang nila ang mga sarili nila. Huwag silang lumandi upang hindi ko sila mabiktima. Kasalanan nila iyan eh. Para lang silang asawa mo dati, malanding babae!" Sagot ni Alexander na ang tinutukoy ay ang sariling ina. Mula nang iniwan sila nito at sumama sa ibang lalaki ay hinding-hindi na sila binalikan pa nito. Natahimik si Lauro sa sagot ng anak. Bago sila nagpasyang mag-ama na lumipat sa lugar kung saan may nabili silang lupa ay pinatapos muna nilang ipagawa roon ang bago nilang bahay. Kaya excited na si Alexander sa bagong tirahan, bagong tahanan, bagong mga kapitbahay at siyempre sa mga bagong chicks na makakasalamuha roon. Napangisi na lamang ang binata at napansin iyon ng ama. "Alex..." "Bakit, Dad?" "Gusto kong huwag mong dalhin ang ugali mo roon sa bago nating tirahan! Huwag mo akong ipahiya roon, anak. Puro mababait ang mga tao roon. Maliwanag ba??" Ani Lauro. Natigilan ang binata at hindi sumagot ngunit lihim na napangiti. Nakarating nga sila sa Don Salvador at ang Baryo Manara ay malayo pa pala mula sa siyudad. Totoo ngang sobrang ganda ng lugar na ito. At kung gaano kaganda ang siyudad ay mas lalo pang maganda ang Baryo Manara. Namangha si Alexander sa ganda ng tanawin ng baryong bago nilang tirahan at medyo malaki rin pala ang bahay na ipinagawa ng Daddy Lauro niya sa lupang nabili nila roon. Sa ilang araw na pamamalagi ng mag-ama sa Baryo Manara ay wala silang masabi dahil puro mababait nga talaga ang mga tao roon. Hindi naman dikit-dikit ang mga bahay sa baryo kundi may ilang metro rin ang pagitan ng bawat isa kaya tahimik at talagang mapayapa ang lugar. Sari-saring mga alagang hayop ang makikita sa malalawak na bakanteng lupa roon. At may malaki at mahabang ilog na dumadaloy mula sa paanan ng mga bundok sa unahan. Isang araw ay ipinakilala ni Mang Lauro sa anak ang babaeng ipapalit nito sa inang nangabit. Nabigla pa ang binata nang makita ang babaeng gusto ng ama na mapangasawa sa ikalawang pagkakataon. Medyo mataba itong babae at matangkad ngunit maganda naman at may kayumangging balat. "Lolita, ito ang aking nag-iisa at minamahal na anak na si Alexander. Anak, siya si Tita Lolita mo—ang sinasabi ko sa'yong magiging pangalawa mong ina..." Pakilala ni Lauro. "M-magandang araw po, Tita Lolita..." Bati ni Alexander rito. Napangiti si Aling Lolita. "Magandang araw din sa'yo, iho..." Sagot naman nito. At makikita talaga sa hitsura nito ang kabaitang taglay kaya hindi na tumanggi pa si Alex na ito ang ipapalit ng ama sa kanyang walang kuwentang ina. "Alam ba ng anak mo, Lauro, na may mga anak ako?" Tanong ni Lolita kay Lauro habang napatingin kay Alexander. "Ahh, yes. Alam naman ni Alexander, mahal, na may mga anak ka." Sagot ni Lauro. "Isang babae at kambal na lalaki ang aking mga anak, iho. At matagal nang patay ang kanilang ama..." Wika ni Aling Lolita kay Alexander. "Ahh, ganoon po ba? Wala pong problema sa akin, Tita..." Sagot naman ng binata. Dinala ni Aling Lolita ang kanyang mga anak sa bahay ng mag-amang Alexander at Lauro dahil gusto na talaga ni Lauro na makipag-live-in kay Lolita. Nasorpresa pa si Alexander nang makita ang maganda at morenang dalagang anak ni Aling Lolita at ang kambal nitong anak na lalaki. Nagtaka pa si Alexander kung bakit maputi ang kambal na lalaki samantalang sina Aling Lolita at ang dalagang anak nitong si Wenona ay morena. Pero nagpapasalamat na lamang si Alexander na kapwa mababait din ang mga anak ni Aling Lolita. Isang umaga ay nagpapahangin ang binata sa labas ng bakuran ng kanilang bahay hanggang sa napadaan ang isang lalaking mukhang kaedad lamang niya. Nakita niyang mahirap lang siguro ito dahil sa suot nitong punit-punit na t-shirt. "Pare, bago lang ba kayong lipat dito?" Tanong nito sa kanya. "Ay oo, mag-iisang buwan pa lamang kami. Bakit, pare?" Ganting tanong naman niya. "Kami nga rin ehh. Noong isang araw pa kami rito. Nabalitaan ko kasing bago rin pala kayo sa lugar na ito kaya nilapitan kita at kinausap." Sagot naman nito. "Ahh, ganoon ba. Bakit kayo napalipat dito? At taga-saang lugar kayo galing?" Tanong ni Alexander. "Taga-malayo kaming lugar, pare ehh. Taga-Mindanao kami. Lumayas lang ang buong pamilya namin roon dahil may kaaway si Tatay doon at gusto nilang patayin siya kaya napadpad kami sa lugar na ito..." Muling sagot nito. "Kung ganoon, pasyal ka lagi rito sa amin upang may bago naman akong kaibigan at kasama sa lugar na ito. Ako nga pala si Alexander, Alexander Medrano. Ikaw?" Napangising tanong ng binata. "Tawagin mo na lang akong Kaloy, Kaloy Demaguiba. Bente-otso anyos na ako pero mukhang disi-siyete lang." Sagot nitong natawa. Natawa naman si Alexander. "Samahan mo akong manilip..." Biro pa ni Alexander. Nanlaki naman ang mga mata ni Kaloy. "Manil!p ng ano, pare?" Usisa nito. "Manil!p ng kuwan..." Patuloy na biro ng binata. "Ha?? Manil!p ng kuwan ng—" Hula pa nito. "Hoy, biro lang!!" Natatawang sabi ni Alexander at natawa na rin si Kaloy. Pagsapit ng gabi. Unang gabi sa bahay nila sina Aling Lolita. Kaya pala sinadya ng kanyang ama na apat ang ipagawang kuwarto sa bago nilang bahay dahil isa para sa kambal na lalaking anak ni Aling Lolita, isa para sa dalagang si Wenona, isa para sa kanyang ama at kay Aling Lolita, at isa para sa kanya. Pagsapit ng alas-dose ng gabi ay noon lang may narinig si Alexander na isang kalampag sa may bandang kusina nila. Hindi niya alam kung anong gamit ang nagbibigay ng ingay. Pero ang mga asong naririnig niya mula sa mga kapitbahay ay matagal na niyang napapansin na halos gabi-gabi ay umuungol, umaalulong at maiingay na tumatahol. Ngunit sabi ng kanyang ama ay ganoon lang talaga sa probinsya, lalo na't nasa kabundukan sila. Muli na namang may narinig ang binata na kalampag sa labas kaya bumangon siya at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kanyang kuwarto. Lumabas si Alexander at tinungo ang kusina kung saan nagmumula ang ingay. Nagulat pa ang binata nang makita ang pusang itim na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Meow! Meoww!" Parang galit pang tunog ng pusa habang matapang itong nakatingin sa kanya. "Tsepeh!! Bakit ka nakapasok dito, ha?" Pagtataboy niya sa pusang itim.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.8K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.6K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
81.6K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Daddy Granpa

read
305.3K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook