Isang umaga sa magarbong dining room ng Mansion ni John. Ang mesa ay puno ng masasarap na pagkain – sunny-side up na itlog, tocino, longganisa, puting kanin, at mainit na kape at tsokolate. Kasalukuyang kumakain sina John at Donnah nang biglang magbukas ng usapan si John. "Uhm, Donnah, I have to tell you something," Simula ni John habang inilalagay ang kanyang kutsara at tinidor sa plato. Napatingin naman si Donnah kay John at natigil din sa pagsubo. "Yes, hon?" Tanong naman nito. "Magsisimula na ang konstruksyon ng proyekto ko sa Tagaytay – yung Executive Office Building and Resort Complex. And I'm planning to stay at the vacation house in Tagaytay for a while – so I can keep better track of all the project details." Ang sabi ni John. Hindi nakaimik si Donnah. Mula pa noong marin

