Isang umaga at araw ng sabado iyon ay alam na nina Donnah at John na magharvest sa bukid ang mga magulang ni Donnah. Dahil nagkausap si John at ang ama nilang si Mang Pablo kahapon na sa araw na iyon ay magharvest ang mga tauhan nina Mang Pablo sa gulayan ng mga ito at tutulong na rin ang mga ito. Nagkasundo si John at ang ama nina Donnah at Dinnah na papasyal sila ni Donnah sa bukid, total magamit lang naman ng kotse papunta doon dahil nasa tabi lang ng malaking kalsada ang kanilang malapad na gulayan at prutasan. Ito ang mga lupaing naisangla noon na si John ang nagbayad para mabawi iyon ng mga magulang nina Donnah at Dinnah na gustong kunin ni John. At pati na rin ang ibang properties noon sa malayo na naisangla rin dahil sa pagkakasakit lagi ni Mang Pablo. "Pupunta ka talaga sa

