Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang mga magulang ay umalis na kaagad si Dinnah. Pagdating niya sa school ay maaga siyang nagsimula sa kanyang klase. Tahimik ang classroom habang nakaupo ang kanyang mga estudyante sa kani-kanilang upuan. Ang ilan ay abala sa pagbabasa ng libro habang ang iba naman ay naghahanda ng kanilang mga notebook. Nakatayo si Dinnah sa harap ng whiteboard. May hawak siyang marker at nakasulat na sa board ang paksa ng araw na iyon. Ngunit kahit nagsasalita siya— parang wala siya roon. "So class, today we will discuss—" Naputol ang kanyang salita. Sandali siyang napatigil habang nakatingin sa nakasulat sa board. Hindi niya maalala kung ano ang susunod niyang sasabihin. Napansin ng ilan sa mga estudyante ang kanyang katahimikan. Nagkatinginan ang dalawa

