Napatigil lahat sa kanilang ginagawa. Ang kutsara sa kamay ni Dinnah ay nahulog sa sahig, gumawa pa ng malakas na tunog habang naghuhugas siya. Namutla siya at napahawak sa mesa para makatayo, at patuloy na nanginginig ang kanyang mga kamay. "Talaga po ba? Nandito na si Donnah, ang kambal ko?" sambit ni Dinnah nang mahina at tuwang-tuwa. Hindi niya alam kung bakit nakadama din siya ng takot kahit natutuwa siya – matagal na niyang hinihintay ang pagdating ng kanyang kambal, pero hindi niya alam kung paano siya makikipagharap rito ngayon. Lalo na't nalaman niya ang mga salitang binitawan ni Donnah para sa kanya. "Opo! Nasa sala po siya ngayon, maghihintay daw siya kay Sir John, at pinatawag ka niya," sagot ni Kikay, na puno ng pagkabigla. Tumingin si Dinnah kay Manang Sonia, na nakating

