Chapter 23 Seeing him again

2017 Words
Nagising ako na wala na si Rox sa tabi ko. Alam kong madaling araw na siyang nakauwi kagabi at ngayon maagang bumangon. Dahil sa nangyari sa planta palagi siyang busy lately at late na kung makauwi. Halata ang pagud at minsan kulang pa sa tulog. Ang magagawa ko nalang ay i-remind siya na magrelax minsan at uminum ng vitamins, which is ginagawa naman niya. "Mam magbi-breakfast na po kayo? Gusto mong dalhin ko nalang sa room mo ang iyong agahan? Tanong agad ni Leni ng makasalubong ako sa hallway. Hanggang ngayon di parin ako sanay na may personal maid ako na handang gawin ang lahat ng inuutos ko. Parang kailan lang ako'y naging utusan ng iba at ngayon ako na ang nag-uutos sa iba. "Wag na Leni sa labas nalang ako. Nakita mo ba ang sir Rox mo?" "Ay maagang umalis Mam kasama ng mga bodyguards niya. Di ba siya nagpaalam sayo?" "Di eh, tulog kasi ako masyado. Di ko naramdaman ang pag-alis niya kanina." "May problema ata Mam kasi nagmamadali silang umalis eh." "Ay oo, problema planta na nasunog at mga investors na nagrereklamo. Ahhmm pwede bang sa pool area nalang ako kakain kasi ako lang mag-isa. Gusto kong magrelax dun." "Sige Mam ihahatid ko dun ang pagkain mo." Bumalik ako sa aking kwarto at tingnan ang aking phone. Nakita ko na may note pala si Rox sa may dresser ko, nakahang sa mirror area. "I'll be out early again dahil may asikasuhin ako at may deliberation na magaganap mamaya sa company. Call me when you woke up." Message niya with signature niya sa baba. Palagi ko itong nakikita kapag di siya nakapagpaalam sa akin ng personal. Tinawagan ko siya agad ng nasa pool area na ako habang nagseserve si Leni sa akin ng breakfast. "Hi babe, good morning." Masigla parin ang boses niya na akala mo walang problema at mabigat na nangyari na kinakaharap. "Kumusta ka na diyan?" Unang bungad ko sa kanya dahil nag-alala ako. Mali man na maramdaman ko ang ganito pero di ko mapigilang mag-alala para sa kanya. Sa nakalipas na mga araw parang mag-asawa na ang turingan namin ngayon. "I'm good, no worries. Have you had your breakfast already?" "Actually ngayon pa lang, andito ako sa may pool area kakain. Ikaw nakapag breakfast na ba?" "Later babe, after matapos ang meeting namin." May naririnig akong boses na nagdi-discuss sa background. "Ay nasa meeting ka pala, nasa di mo lang sinagot ang tawag ko and tinitext nalang. I'm sorry tawag ka nalang mamaya kapag na vacant ka." "No worries, they are just reporting to me all the details. Enjoy your breakfast and talk to you later." Pagkatapos kong magbreakfast, gusto kong maglakad lakad sa labas. Parang exercise na rin kasi nabobored na ako. Wala naman kasi akong gagawin dito. Maraming nakaabang sa akin kapag may kailangan ako need ko lang iutos sa kanila. "Leni pwede mo ba akong samahan sa labas, maglakad lakad lang tayo. Or may malapit ba dito na park? Na pwede nating ikutan, parang exercise narin?" "Oo Mam meron diyan, malapit lang tayo sa plaza nitong subdivision." "Sige kahit isang oras lang tayo mag-ikot ikot, pampawala lang ng boredom." Nagalak ako sa aking narinig. Nagbihis kami at nagpa-alam pa guard na diyan lang mag ikot ikot. Tingin ko safe naman ang lugar na ito. Tahimik. Sa aming paglakad lakad ni Leni habang nag-uusap, feeling ko may matang nakasunod sa akin. Same feeling nong palagi akong sinusundan ni Rox. Nagtataka ako kasi ngayon pa lang ako nakalabas ng bahay. Wala naman akong kakilala sa labas para may makapansin sa akin. Siguro imagination ko lang. "Mas gusto ko ang ganitong lugar maglakad lakad malayo ang maabot ng tanaw mo." Sabi ko kay Leni. Maganda ang panahon, di masakit sa balat kasi nasa 9am palang naman at maraming malaking kahoy sa plaza. Busy kami sa pag-uusap habang paikot sa circle ng plaza nang may nalingunan akong isang matang nakatitig sa akin. Bigla sumikdo ang aking puso at kinabahan ako. Di ako nagkamali sa matang yun. Kilala ko siya masyado para lang baliwalain ang paninitig niya. Bakit siya andito? Siya ba yun nakatitig sa akin simula kanina? Sinusundan ba niya kami? Di siya kumilos, nakatingin lang siya sa akin. May usapan kami dati na di niya kami guguluhin, pero bakit andito siya? Na parang ako lang ang pakay niyang makita. "Leni alis na tayo? Balik na tayo sa bahay." Sabi ko sa aking kasama na walang alam sa nangyari sa paligid. Sinulyapan ko ang gawi ni John. Di siya sumunod pero nanatiling nakatitig lang siya sa akin, parang may gustong sabihin pero walang lumalabas na tinig. Naging balisa ako sa nakalipas na oras. Di maalis sa aking isipan ang nakita. "Bakit pa siya nagpapakita uli sa akin? Okay na ako eh. Tanggap ko na ang nangyari. Bakit pa niya ginugulo ang aking isipan?" Dahil sa naging problema, di nakauwi si Rox. Dun lang siya sa opisina nagpalipas ng gabi kasi may bed naman siya dun. Di ko naman masabi about sa aking nakikita kasi marami na siyang problema. Ayaw kong makadagdag sa kanyang alalahanin. Next day pumunta ako sa may roof top. Dun ako nagpapahangin at nagpapalipas ng oras. Pero nahagip ng aking mata sa baba na may isang taong nakatanaw sa bahay ni Rox. Di ako nagkamali it's John again. Ano ba ang kailangan niya? Bakit andiyan siya sa labas? Di pwede ang ginagawa niya baka mapansin pa siya ng guard. I guess kailangan ko siyang harapin. Time for us to talk. Kaya pumanaog ako. Nagpaalam kay Leni na maglakad lakad lang sa labas at sa guard. Nakita ako ni John kaya sinenyasan ko siya ng palihim na sundan ako sa may plaza. "Bakit ka andito? Ano ang kailangan mo? Di ba nag-usap na tayo na di mo na ako guguluhin pa? Di ba nakuha mo na ang pera na gusto mo?" Sunod sunod kong tanong sa kanya. "Yama, na miss lang kita ng sobra. Di ko pala kaya na mawala ka sa akin ng tuluyan. Please bumalik ka na akin." Na shock ako bigla sa pakiusap niya sa akin. "Nahihibang ka na ba John? Di ba bininta mo na ako sa kanya? Di ba malinaw sa usapan na siya na ang nagmamay-ari sa akin simula nong tinanggap mo ang pera niya?" Sumbat ko agad sa kanya. "Klaro na wala na tayong dapat pang pag-usapan pa. Wag mo na akong guluhin. Okay na ako. Natanggap ko na ang nagyayari." Biglang naging mabigat ang aking pakiramdam, naging emotional dahil naalala ko na naman ang nakaraan. "Katulad ka narin ba ng iba diyan na nasilaw sa pera niya? Kaya gusto mo na akong kalimutan ng tuluyan dahil sa kanya? Nadadala ka narin ba sa lahat ng naibibigay niya sayo? Kasi sa tingin ko malaki na ang ipinagbago mo ngayon." Di ko napigilang ang sarili na sampalin siya agad. How dare him accuse me of being like that. "Sino sa atin ang nasilaw John? Sino ba nagdala sa akin sa ganitong sitwasyon? Sino ba ang nagbinta sa akin na parang isang bagay lang? Wala kang karapatan na sabihin yan sa akin. Ilang beses akong naki-usap sayo." Di ko mapigilang ilitaniya sa kanya ang ginawa niya sa akin dati. Biglang naging maamo ang mukha niya. Ang lalaki sa aking harapan ay di ko na kilala. Malayo na siya sa John na aking nakilala sa probinsya, may nagbago na sa kanya. At di ko na rin kayang pakisamahan siya katulad ng dati, may nagbago na sa aming dalawa. "Yama may pera na ako ngayon, pwede na na tayong mamuhay ng komportabli. Iwanan mo na siya at sumama ka na sa akin." Di ako makapaniwala sa aking narinig. Parang kay dali lang sa kanya ang lahat. "Kung makapagsalita ka ay parang ganun na lang ka simply ang lahat. Di ba may pinermahan ka na contract kay Rox na bawal kang lumapit sa akin within a year? Saan ba galing ang pera mo ngayon, di ba galing din sa kanya?" Di siya agad nakapagsalita. I caught him off guard. "Pinutol ko na ang ugnayaan natin John, simula nong umalis ako sa lugar na yun. Klaro yun sa usapan natin. Magkalimutan na tayo, di na rin natin kayang ibalik ang kung ano tayo dati. Firm kong saad sa kanya. "Hindi Yama, hanggat di pa na-annulled ang kasal natin, pagmamay-ari parin kita, asawa parin kita. Oo pumerma ako ng kasunduan at 1 year lang yun. Babawiin kita sa kanya pagkatapos ng isang taong at malapit na yun." Balik niyang saad sa akin na mukhang desidido sa binitiwang salita. "Magsusumikap ako Yama, ipakikita ko sayo na ibang John na ako ngayon. Ang John na kaya mong ipagmalaki. Magkikita pa tayong muli, di ito ang last nating pagkikita." The way niya sinabi yun, may pagbabanta at alam kong gagawin niya yun. Isa yun sa alam ko kay John, kapag gusto niya gagawin niya talaga. Nakatulala parin ako hanggang ngayon dito sa bench ng plaza. Di makapaniwala sa aking narinig. After ilang months na di ko siya nakikita, ngayon ay nagparamdam naman siya. Bigla may tumawag sa aking phone. It's Rox. Sinagot ko agad ang tawag niya. "Hi babe, how are you? Baka makauwi ako diyan ng maaga ngayon. After 2 days of being away." May sigla sa boses niya habang nagsasalita. "Ah sige, hihintayin kita sa bahay." Alanganin ko pang sabi. Gusto kong maging masaya kasi makauwi na siya pero ang puso ko ay balisa. "Hey what happened? Is something wrong? Bakit matamlay ka?" Paano niya na sense ang naramdaman ko eh sa boses ko lang naman ang naririnig niya? "Okay lang naman ako. Andito ako ngayon sa park naglakad lakad kaya medyo hiningal ako ng kaunti at nagpapahinga. Pauwi narin ako ng bahay ngayon." "Ah okay careful babe, see you later." Di ko pwedeng sabihin kay Rox ang pagkikita namin ni John. Ayaw kong ma upset siya. Pagdating ni Rox sa bahay, nakita ko ang sobrang pagud ng kanyang mukha at alam ko kulang siya sa tulog din. "Hi, welcome home." Salubong ko sa kanya agad pagdating pa lang. "Thank you babe." Kiss at yakap niya agad sa akin kaya napapayakap na din ako. Ramdam ko ang pagkasabik sa kanyang yakap. "Gusto mong kumain muna bago matulog?" Suggest ko pa. "No babe, di pa ako gutom, nakakain na ako sa office. All I want now is to cuddle you until I fall asleep. I miss you so much." Di siya nahihiya na ipakita ang naramdaman niya kahit may makatingin sa amin ngayon. Tinulungan ko siyang dalhin ang mga gamit niya sa kwarto. "Gusto mo ba ng hot shower para maging maayos ang tulog mo?" "Yes please;" kaya agad kong tinimpla ang temperature ng tubig sa shower at i-prepare ang gamit niya sa paliligo at gagamitin pagkatapos. Lahat ng beddings dito sa room ay bago para masarap ang maging tulog niya. Alam kong kailangan niya ng mahabang tulog para makabawi ang kanyang katawan. Nilagyan ko din ng aroma ang silid, para mas mapadali ang pagkatulog niya. "Hmmm, smells something nice in here. Ngayon pa lang parang dinuduyan na ako para matulog." Nakangiti niyang sabi habang pinupunasan ang buhok. "Come here babe, I want to snuggle with you. Please sleep with me." Kaya pumaloob na din ako sa loob ng kumot. He wrapped me in his arms, parang sabik sa aking yakap. "I wanted to make love to you at this moment but my body is really dead tired. Thanks sa pag-asikasaso sa akin. I really appreciate your efforts." He gives me kisses on my lips. "Sige na matulog ka na para makabawi ka agad ng lakas. Andito lang ako sa tabi mo." Sabay response sa halik niya. Di naglaon nakatulog siya agad "Bakit parang mas asawa pa kita ngayon kompara sa lalaking pinakasalan ko? Bakit sayo ko naramdaman ang mga bagay na dapat kong maramdaman sa aking asawa?" "Mali man pero di ko maiwasan na nakaramdam nito kasi mas ipinakita mo sa akin ang kahalagahan ko sa buhay mo, bagay na di ko naramdaman sa kanya dati." Sambit ko sa aking sarili habang minamasahi ang scalp niya para mas mapadali ang kanyang pagtulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD