Yama
Nagising ako sa isang mahigpit na yakap. Ang sarap sa pakiramdam pero kailangan kong bumangon kasi naiihi na ako.
Pagbuka pa lang ng aking mga mata, nashock ako kasi si Rox pala ang yumayakap sa akin. Katulad kung paano niya ako niyakap kagabi.
Ang sarap niyang tingnan habang natutulog. Di mababakas sa kanyang mukha ang pagiging strikto. Parang siyang angel while sleeping kabaliktaran kapag gising na may striktong mukha na akalain mong mahirap lapitan.
In my whole duration na kasama ko siya, unti unti ko ng nakilala ang ugali niya. Oo strikto siya tingnan, mahirap lapitan pero mabait siyang tao, makatao, di siya basta basta nagagalit na walang dahilan.
Pero tama si Vera mahirap siyang kalabanin. Nakita ko na kung paano siya magalit pero nakita ko rin kung paano siya mag-care ng tao. Paano niya pinahalagahan ang taong nakasama niya, katulad kong paano niya akong alagaan.
"Rox, kung sana nagkakilala tayo sa di maling pagkakataon siguro pagbibigyan ko ang aking sarili na mahalin ka pero alam kong mali, di tama. Isa akong may obligasyon na tao at nakatali na sa iba.
"Ang pagsama sayo rito ay isa ng kamalian pero anong magagawa ko kung naiipit ako sa sitwasyon? Ang tangi ko lang magagawa ay pigilan ang sarili na wag ng dagdagan pa ang aking kasalanan sa Dios.
Bulong ko sa sarili habang tinitigan siya.
Naramdaman kong mas hinigpitan pa niya ang hawak sa akin, na para bang aalis ako.
Masaya ako sa aking naramdaman. I feel treasure and honored na binigyan niya ako ng ganitong pagkakataon, panahon at pinapahalagahan.
Hindi siya basta basta na tao, ang isang katulad mahirap maabot pero sa ipinapangita niya ngayon ay parang ang dali lang niyang abutin.
Hindi ko alam kung saan ito hahantong pero ika nga I need to go with the flow. Sabay sa agos ng buhay, saka ko na iisipin or haharapin ang bukas when andun na ako.
Naiihi na talaga ako. Feeling ko lalabas na ang ihi ko sa pantog pero paano ako kikilos na di siya nagigising? Ayoko ko siyang magising na ganito kami ka close.
Buti nalang lumuwag ng kaunti kaya nahiwalay ko ang sarili mula sa kanyang hawak.
Pumunta ako ng banyo, naglinis at naligo nalang parang isang bagsakan na kapag nagising si Rox ready na ako. Paglabas ko ng banyo, tulog mantika parin siya.
Gusto ko siyang ipagluto para naman makatikim siya ng luto ko, pero di ko alam kung may stock ba na pagkain dito.
I decided na magtingin tingin sa kusina. Pagcheck ko sa fridge. Puno sa pagkain.
Pwede pa lang magluto dito kaya lang di ko alam kung paano gamitin ang mga kagamitan nila. Hi-tech pa naman halos narito na gamit.
Nag-experiment ako na galawin ang kagamitan katulad ng stove nila. Kaya lang mahirap talaga, baka makasira pa ako. Lahat ata nakaconnect sa kuryente. Di ko alam kung paano i-operate.
"Sayang naman ang mga pagkain sa ref kung di magagamit. Baka spoil lang." Problemado kong sabi sa sarili.
May nagdoorbell kaya binuksan ko.
"Hi Mam, house keeping po." Ah taga linis pala ng resort. May naalala ako baka makatulong siya sa akin.
"Miss alam mo ba kung paano gamitin ang mga kagamitan sa kusina? Pwede mo ba akong turuan kung paano yun gamitin? Gusto ko kasing magluto ng pagkain kaysa mag-order pa sa kitchen area, sayang ang stock na pagkain sa fridge."
"Ah sure Mam, tuturuan kita kasi nakapagturo na rin ako sa ibang guess namin dati" Masayang sabi niya.
"Perfect;" sabi ko sa kanya at pumunta na kami sa kusina.
Tinuruan nya akong kung paano gamitin lahat ng tools at equipment sa kusina.
"Thank you miss, natatakot kasi ako baka makasira ako ng gamit dito." She just smiled then balik sa paglilinis ang labas.
Sinabihan ko siya na wag na muna sa kwarto kasi tulog pa si Rox. Ako nalang maglilinis mamaya pati dito sa kusina kasi mamaya pa ako matatapos. Sabi naman niya balik nalang siya mamaya kapag wala kami para makapaglinis siya sa lahat.
Masaya akong nagluluto. Namiss ko ang simpling pagkain namin sa probinsya or sa bahay. Sa bahay kasi nila Rox, chef ang nagprepare ng pagkain kaya pang-international ang dating.
Nagluto ako ng itlog para kay Rox, nagprepare din ako ng salad at sandwich para sa kanya. Nagluto din ako ng chicken adobo pwede na ito hanggang lunch at sympre gulay at rice para sa akin. Ayoko ng sandwich, feeling ko di ako mabubusog nun.
Ang niluto ko ay di pang breakfast na pagkain pero okay lang. Ito ang nakasanayan namin na pang breakfast sa amin. Heavy meal at namiss ko ito.
"Wow, that smells nice. What did you cooked?" Sambit agad ni Rox ng napunta sa kusina at kumuha ng tubig.
"Ito pang lunch na pagkain. Na miss ko na kasi ang lutong bahay, yung pang ordinary lang. Ikaw anong gusto mong kainin at lulutuin ko? May sandwich akong ginawa dito."
"Ahh that's all good. I will eat them, they seems yummy as I smell them, nagutom tuloy ako."
"Ahh sige upo ka na mesa para maihain ko na ito. Gusto mo ng coffee?"
"Yes please." Nakita ko siyang umupo sa mesa.
Pagkatapos kong inilagay sa mesa lahat ng pagkain, nagtimpla ako ng coffee namin. I know he likes his coffee dark pero this time I try kong iserve ang creamy style, my style.
"Hmm it tastes good. I can eat this all day babe. And the coffee is creamy. The smell is addicting. I don't usually drink this because I thought it was not good but it tasted really great."
Masaya niyang sabi at ganado sa pagkain pati pag-inum ng coffee.
"Thank you babe for cooking this for me. I enjoyed it so much."
Nashock ako sa ginamit niya na term para sa akin na babe, ngayon ko lang narinig na tinawag niya ako ng ganun. At mukhang baliwala lang sa kanya yun.
"Salamat naman at nagustuhan mo. Di ka pala choosy sa pagkain. Simpling lutong bahay lang ito, unlike sa bahay mo may chef na tagaluto."
"I guess it's the way you prepared the food, makes it tasty." Nakangiti niyang sabi. And he looks genuine in saying those.
"Saan pala tayo ngayon?"
"Today it's all about us exploring the area. We might go island hopping later. This is a vacation trip so we must enjoy it while we can. Coz when we gets back to the city, we might be busier again."
Tumango ako sa kanya. Kung nasaan siya andun ako.
Natapos kami sa aming pagkain at nagsimula na akong magligpit.
"Thank you babe for the great meal. Busog na busog ako." Nakangiti pa niyang sabi.
"Walang anuman, masaya ako na mapagsilbihan kita." Tipid kong sabi.
After ng breakfast. Nagtour kami sa buong lugar muna, pumunta kami sa palengke. Naglakad lakad sa buong downtown. Wala kaming bodyguard kasi di naman siya ganun kakilala dito sa probinsya. Kaya malaya siyang makapaglakad sa labas ng walang mediang nakasunod.
Namimili ako ng souvenir na display sa sidewalk. Fascinated ako sa mga local na handicraft. Like home decoration. Nakasunod lang siya sa akin at namimili din. Sometimes he gives suggestions kung ano ang mas maganda. Para kaming totoong mag couple na namimili.
"Look babe, it's nice right?" Bigla sabi niya habang tinitingnan ang t-shirt na nakadisplay sa maniken.
Oo maganda ang printing ng t-shirt, handly crafted ang printing, catchy ang print. Kaya tumango ako sa kanya. Saka ko nalaman na couple shirt pala yun.
We ended up sinuot yun kasi tinatry namin baka di kasya at di na niya pinaalis.
We explore the whole downtown. Minsan naglakad along the street katulad ng iba. Minsan sumasakay sa pampublikong sakayan like trisikad, jeep at motorela.
We also enjoyed eating street foods, ice cream sa tabi tabi and even attended a mass ng nadaanan namin ang isang maliit na simbahan.
Nang sumapit ang gabi we enjoyed eating out sa isang night cafe sa street at namimili sa display sa night market.
"I missed this kind of living. Matagal ko ng di naranasan to." Sabi niya sa akin. He holds my hand while we are walking kasi minsan naiipit ako at nasasagi kapag marami ang naglalakad. He protected me.
"Bakit naman matagal na di ka nakapasyal, pwede ka ng naman maglakad lakad ah, ang magbakasyon kasi may pera ka naman. Madali lang sayo gawin lahat yun compared sa katulad ko, walang chance kasi walang budget."
"Well, it's the will to go around, to enjoy stuff like this. I don't have enthusiasm before. Maybe it's because wala akong company to go around, boring naman magbakasyon mag-isa."
"Bakit wala ka bang girlfriend noon or di kaya asawa para mahatak mo kung saan? Para magbonding kayo?" Wala lang na sabi ko.
Then natahimik siya. Dun ko narealize na baka na offend ko siya. I cross the boundary.
"I'm sorry Rox if I cross the line. Di ko dapat sinabi yun. Wala lang yun sa akin." Paumanhin kong sabi.
"It's okay, its normal na pag-usapan yan.
Actually i was just so busy before trying to accomplish things, put my business stable in the market, marami akong hinahabol na trabaho kaya vacation is not apart of my plan." Ah kaya pala.
"I keep traveling to monitor my business and kausapin ang nga investor. After nun uwi kaagad kasi may hinahabol na appointment. Ngayon lang ako nakaluwag pero wala naman akong pwedeng isama. I was stuck with my business."
Naintindihan ko siya. Minsan ang mga businessman talaga mas inuuna ang negosyo kaysa sa sarili.
"But now that you are here. You can accompany me anywhere. Di na boring maglakad mag-isa. I'm really glad to have this moment with you. I really enjoyed every minute of it."
Napangiti ako sa sinabi niya. Nag-enjoy din naman ako kasama siya.
"I miss this simple way of living. Simple things makes me happy. Thank you for reminding me that I should stop and enjoy the moment. Matagal ko ng nakalimutan ito."
"Masaya din ako Rox na nakasama kita sa ganitong pagkakataon at ngayon ko lang naranasan ito."
"It's my pleasure to do this with you. And this is not the last, a lot more to come so brace yourself and be ready to explore."
Kung sana ganito lagi ang buhay. Masaya lang but I know di palaging ganito kasaya ang buhay. May kapalit ang kasayahang ito.