One year later... NAGTATAKA siya dahil wala pa ring mga customer na pumapasok. Bukas 24/7 ang coffee shop ni Rick dahil nagdagdag pa ito ng mga tauhan para magkaroon ng shifting schedules. Ito ang ikalawang branch ng Forever Cafe. Nang matapos ang kontrata niya sa pinapasukang pabrika ay muli siyang hinikayat na Rick na pumasok sa Forever Cafe. Ilang sakay lamang mula sa bahay na tinutuluyan nila ng tiyahin. Siya lang ang fixed Thursday and Friday off dahil nagbalik siya sa pag aaral. Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management ang kinuha niya. Dinoble check niya pa ang sign board sa labas ng pinto. Tama naman ang nakalagay. Ang weird ng araw na ito. Hindi niya tuloy alam ang gagawin dahil naayos na niya ang mga kagamitan sa shop. "Tricia, ikaw na nga ang maghatid ng order

