Princess/Zahee’s POV Ilang linggo nang boring ang buhay naming magbestfriend dahil bawal kaming tumuntong ng JS building kaya madalas dito nalang sa canteen ang tambayan namin. Pag weekend naman hindi kami masyadong nakakapunta ng shop ni Mama dahil may mga projects na kaming dapat tapusin. Patapos na rin kasi ang first quarter. “Bez, yung admirer mo oh!” siko ko kay Shiela. Nakatingin na naman kasi yung isa naming classmate kay Shiela. Napatawa naman ito. “Hihintayin ko nalang na lumaki si Damon,” biro niya saka ako binato ng fries. Ginantihan ko naman siya hanggang sa nagbatuhan nalang kami habang tawang-tawa sa isa’t-isa. May naiiwan kasing powdered cheese sa mukha namin na kulay orange. Napatigil lang kami pareho nang may magsalita. “Bawal paglaruan ang pagkain,” anang baritonong

