Princess/Zashee’s POV Hindi na ako nagtaka nang hindi ko mahanap ang number ni Hanz sa contacts ko. Ni hindi na rin siya nagtext o tumawag. Simula din nung nangyari yun, hindi ko na masyadong kinakausap si Clayv. Nagtaka rin si Shiela pero sinabihan lang ako na wag ko sana siyang idadamay sa tampuhan namin ng kuya niya. Talaga namang hindi ko siya idadamay. Ang isa pang nakakainis, pag recess time lagi na naming kasama ang kuya niya kaya tuloy walang makalapit sa amin. Minsan nakita naming papasok ng canteen si Hanz pero nung nagtinginan sila ni Clayv bigla nalang siyang tumalikod at di na tumuloy. Hay! Wala nga akong kuya pero may mas malala pa sa kuya na nagbabantay sa akin. “Tita, isasali daw po sa Ms. Intrams si Zashee.” I glared at Shiela. Ako ang dapat magsasabi nun kay Ma

