Zashee’s POV Sa huli wala din akong nagawa kundi pumayag na sa opisina ni Clayv ako mag-intern. He designated me as his direct assistant para daw mas maturuan niya ako ng mabuti about business techniques. Lahat ng proposals at reports mula sa iba’t-ibang offices ng kumpanya ay ipapasa sa akin at ako ang unang magbabasa. Kapag nakapasa sa akin, I’ll forward it to him. I think the position he gave is quite high for an intern pero ang sabi niya mas makikita ko ang kabuuan ng pamamalakad kapag nababasa ko ang lahat ng reports ng offices nila. Besides, may tiwala naman daw siya sa akin kaya ayos lang na makita ko ang lahat ng tungkol sa company nila. ________ “Ma’am, tawag po kayo ni sir,” saad ng sekretarya niya sa akin. It’s been more than a week since I arrived here at naging maayo

