Naunang nagising si Maia kay Vince para lutuan ito ng almusal. Kahit may kasambahay sila mas gusto ni Maia na siya ang mag-alaga kay Vince. Naligo din siya agad para hindi na hassle kapag nagising na din ag kasintahan.
"Wow baby ang agao nagising". Saad ni Vince kay Maia pagkatapos itong halikan sa noo.
"Gusto ko kasing lutuan ka ng almusal kaya gumising ako ng maaga. I want to take good care of you baby."
"Ang sweet naman ng mapapangasawa ko talaga."
"Syempre naman kaya kapag nagloko ka hindi mo na mararamdaman ang pag-aalaga ko."
"Hindi talaga ako gagawa ng bagay na maging dahilan para iwanan mo ako baby." Sagot naman ni Vince at umupo na para makapag-almusal sila.
Matapos ang masayang almusal pumasok na ang dalawa sa opisina. Medyo gamay na din ni Maia ang pasikot-sikot sa negosyo kaya hindi na siya gaanong nagpapaturo kay Vince. May sarili na siyang opisina para mas makafocus siya sa trabaho.
Tumunog ang telepono ng dalaga at napangiti siya ng makita niyang si Vince ang tumatawag.
"Baby it's lunch time. Masyado ka namang busy diyan. Kain na tayo. Nakapag-order na ako ng lunch natin at nakahanda na sa pantry."
"Oh, I almost forgot na lunch time na pala. I was reading some contracts baby. Pupunta na ako diyan saglit lang."
"Ok baby. Take your time. I will be waiting." Sagot ni Vince na ipinagtataka ni Maia na parang katabi lang niya.
Napansin ni Maia na nasa harapan na pala niya si Vince.
"Baby naman ginulat mo ako. Akala ko aantayin mo ako sa pantry."
"Syempre susunduin ko ang reyna ko. Tara na baby. Tama na muna yan. Baka magkasakit ka pa dahil sa nalipasan ka ng gutom." Sambit ni Vince sa kasintahan at hinila na ito sa pantry.
"Ang sweet naman talaga ng boyfriend ko." Sagot na lang ni Maia at ikinawit na ang braso sa kamay ni Vince.
Pagdating nila sa pantry, nakahain na ang lunch ng dalawa.
"Ang dami naman nito baby. Pinatataba mo talaga ako ha."
"Hindi naman baby. Ang payat mo na nga eh. Dapat magkalaman ka naman ng kaunti."
"Sabi mo eh." Sagot naman ni Maia at umupo na sa upuang hinila ni Vince para sa kanya.
"Baby may gusto sana ako sabihin sayo". Saad ni Vince na kinakunot naman ng boo ni Maia.
"Ano yun baby?"
"May get together kasi ang barkada mamaya kasi dumating ang isa sa mga tropa noong college. Magkikita kami sa bar. Pwede ka namang sumama baby, if you want."
"Ganun ba. Hindi na. Tiyak boys night out yan. Kayo na lang baby. Huwag ka lang pakalasing. I'll be fine. Basta maaga ka lang uuwi."
"Are you sure ayaw mong sumama? Alam naman ng barkada na I'm engage to be married so it's fine if you'll come with me."
"Oo ok lang na sa bahay lang ako. Besides madami pa akong pag-aaralan na dokumento."
"Masyado mo atang pinepersonal ang trabaho baby ah."
"Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang talaga maging hands on sa trabaho."
"Ok. Kung yan ang gusto mo. Pwede pang magbago ang isip mo baby if gusto mo sumama mamaya."
"Hindi na baby. Ihatid mo na lang ako sa bahay mamaya."
*Magdidinner na muna tayo baby mamaya bago ako pupunta to meet my college friends. Syempre uunahin kita kesa sa kanila."
" Naks naman. Nambola pa talaga. May suhol muna para payagan lumabas." Nakangiti namang tugon ni Maia.
"Hindi ah. Kung hindi mo ako papayagan na makipagkita sa kanila, hindi ako pupunta baby. Ikaw ang kumander eh. Ikaw ang boss."
"Asus. If I know, you miss your friends so it's ok. You can meet them. Just drink moderately ok. Kapag umuwi kang lasing. Outside de kulambo ka sa akin."
"Hindi naman pupwede yun. Dapat katabi pa rin kita matulog baby. Huwag kang ano diyan. Hindi ako papayag. Aba hindi ako makatulog kapag hindi ka kayakap baby."
"Kaya nga, so dapat behave ka. Kapag nalaman ko na may babae doon, humanda ka na Mr. Dela Fuente. Hindi ka makakatuntong sa kwarto natin kahit ikaw pa may-ari ng bahay."
"Opo Mrs. Dela Fuente. Behave po ako. Hindi po akk gagawa ng bagay na ikakasira ng mood mo." Sagot naman ni Vince at pinagpatuloy na nila ang kanilang tanghalian.
May meeting si Vince pagkatapos ng lunch nila ni Maia kaya hinatid na niya ang kasintahan sa opisina nito at naghanda na para sa meeting niya.
Naging abala din si Maia na pag-aralan ang mga responsibilidad niya sa kompanya. Hindi na naman niya namalayan na malapit na ang uwian. Napansin na lang niya na nasa harapan na naman niya ang nakangiting nobyo.
"Baby kanina ka pa ba?"
"Hindi naman, kakarating ko lang. Masyado mo talagang dinidibdib na pag-aralan ang negosyo."
"Oo naman baby. Kailangan ko maging productive."
"I'm proud of you baby. Tara na. May bukas pa naman. I'm hungry baby. Dinner na muna tayo tapos uuwi na para makapaghanda ako sa get together namin ng barkada. You can join us baby. My offer still stands." Kumindat pa ito sa kasintahan.
"No baby. I wanna rest. I have a long and tiring day. I just wanna lay on bed."
"If that's what my queen wants. So tara na baby."
"Ok. I'll just go to the bathroom baby."
"Sure. Babalik lang ako sa opisina to get my things." Sagot naman ni Vince at hinalikan ang labi ng kasintahan bago lumabas ng opisina nito.
Nakangiti namang hinatid ng tanaw ni Maia ang kasintahan bago pumunta ng banyo para mag freshen up.
Inayos ni Maia ang pagkakapusod ng buhok niya at nag-apply na din ng pressed powder at lip tint. Nang masigurong ok na ang ayos niya ay lumabas na din siya ng banyo at nakitang nag-aantay na ang nobyo sa labas.
"Shall we? You look gorgeous baby."
"Bolero. Nag powder lang ako at lip tint gorgeous agad."
"Eh totoo naman baby na maganda ka. Kaya dapat lagyan na kita ng helmet baka mauntog ka at iwanan ako."
"Asus. Ikaw nga itong ang gwapo eh, baka mamaya may babae ng aagaw sayo sa bar. Subukan mo lang talaga." Nakangusong sambit naman ni Maia.
"Baby no one can replace you in my heart. Remember that always. Alam mo namang mahal na mahal kita baby."
"I love you too baby." Sagot naman ni Maia at magkahawak kamay na tinungo ang elevator.