KABANATA 35

1080 Words
Sa isang mamahaling resto napiling kumain ng magkasintahan. "Baby ok lang ba na dito tayo kumain?" Tanong ni Vince kay Maia. "Kahit sa turo-turo nga lang baby solve na ako eh. Basta kasama kita." "Napaka-cheesy naman ng reyna ko talaga." "I'm not kidding baby. Basta ba kasama kita kahit saan pa tayo kumain, ok lang sa akin." "Parang ayaw ko na tuloy pumunta sa get together mamaya. Gusto ko na lang kayakap ka sa kama." "Asus. You can go baby. I am ok. Baka pagsawaan mo din ako kapag lagi mo akong makikita." "Hindi ako magsasawa baby. Tandaan mo lagi yan." Sambit pa ni Vince kay Maia at hinila na papasok ang dalaga sa loob ng resto. Madami silang napagkwentuhan na magkasintahan habang naghahapunan at nagkayayaan ng umuwi. "Baby thank you sa pagpayag na lumabas ako tonight. Gusto naman kita pasamahin baby. Sumama ka na kasi sa akin para may date naman ako." "Baby ikaw na lang. I just need to rest. Just enjoy your night without me. Mamimiss mo yan kapag mag-asawa na tayo kasi hindi na kita papayagan." Nakangiting saad naman ni Maia ng papasok na sila ng bahay. "Ang daya naman. Ito na pala ang huling labas ko". Sagot din ni Vince na napapakamot ng ulo. "Joke lang baby. Syempre hindi pero dapat ako na ang priority mo kapag kasal na tayo." "Oo naman baby. Ikaw talaga ang una sa listahan. Thank you pa rin at pinayagan mo ako." "Since pinayagan kita, dapat behave ka. You will not do things na ikakagalit ko at dapat huwag mong sirain ang trust na pinagkatiwala ko." "Oo naman baby. I swear that I will be a good boy. Takot ko lang sayo." Sagot naman ni Vince na umakbay pa sa nobya ng paakyat na sila ng hagdan. , Dapat lang. Mag-ayos ka na. Huwag masyadong magpagwapo at baka mawalan ako ng mapapangasawa." Nagbibirong saad pa ni Maia. "Paano yan baby eh ang gwapo ng mapapangasawa mo. Ang hirap naman ng pinapagawa mo eh". Pagsasakay naman bi Vince. "Oo nga noh. Huwag ka na lang mamansin kapag may lumapit na girls. Kung hindi susugurin kita doon." Pagbabanta pa ni Maia. "Ok lang naman na sugurin mo sila baby para hindi na sila lumapit. Para na rin warning sa kanila na hindi na ako available kasi pagmamay-ari mo na ako." "Hindi ko naman na kailangan yan gawin baby kung magbebehave ka doon." "Oo naman baby. 101 percent na behave ako doon." Sagot naman ni Vince at pumasok na sa banyo para maligo. Naghanap naman si Maia ng maisusuot ng kasintahan sa get together ng barkada nito. Napili niya ang long sleeve na puti at maong pants. Nasisiguro niyang magiging stand out ang kasintahan sa barkada nito. "Baby I'm done taking a bath. Gagamit ka ba ng banyo?" Tanong ni Vince sa dalaga paglabas niya ng nakatapis lang ng tuwalya. "Mamaya na baby. Hinanda ko na susuutin mo para ikaw ang pinakagwapo sa lahat." *Diba ayaw mong ako ang pinakagwapo dun baby so dapat hindi ako magpapogi." Sagot naman ni Vince na lumapit kag Maia at niyakap ito. " Kahit naman basahan isuot mo gwapo ka talaga so wala na tayong magagawa doon". Turan naman ni Maia at kinawit ang kamay sa leeg ni Vince. *Hindi na kaya ako pumunta. Parang mas gusto kong mahiga na lang at kayakap ka." " Baliw. Sayang naman ang hinanda kong damit Kong hindi ka pupunta. Ako pa mismo pumili niyan para talaga makalaglag panga ka sa kagwapuhan." " Wala naman akong popormahan doon baby at andito sa harap ko ang dapat kong iimpress." " Kahit na baby. Ang importante you stand out. Bihis ka na. Baka magbago pa ang isip ko at hindi kita payagan." Sagot naman ni Maia at tinanggal na ang kamay sa leeg nag kasintahan para makapagbihis na ito. " Thanks baby." Sagot naman ni Vince at tinanggal na ang tuwalya sa bewang niya na kinatalikod naman ni Maia sa gulat. " Baby may boxers ako. Hindi naman ako maghuhubo sa harap mo. Unless gusto mong maghubo ako. Willing akong gawin iyon." "Excuse me mister. Kasal muna bago ang hubo hubo na yan." Nakataas ang kilay na sagot naman ni Maia. "Opo baby. Kasal na muna para legal na at baka kasuhan mo pa ako ng rape. I won't do that to you. I love you baby." "I love you too baby. Magbihis ka na. Remember uuwi ka ng maaga. Hindi madaling araw." "Opo boss. Pagdating ko uuwi agad ako." Sagot naman ni Vince na kinahampas ni Maia sa balikat niya. "Aray baby. Masisira ang porma ko. Hindi na ako magiging pinakagwapo doon kapag nagkataon." "Ah ganun ba. Huwag ka ba umalis. Dito ka lang." Pagbibiro naman ni Maia. "Joke lang naman baby. T-shirt na lang kaya ako at short para low profile." "Heh, magtigil ka. Kung ano pinili Kong suutin mo, yun ang suutin mo. Hindi pwede ang short at t-shirt lang. Hindi naman beach ang pupuntahan ninyo." "Oo nga baby sabi ko nga kung ano ang pinili mo, yun ang susuutin ko." "Good. Mabuti at nagkakaintindihan tayo.* " Speaking of beach baby. You wanna go out of town trip this weekend? Gusto ko magbeach tayo. Para magrelax ka. You've been working so hard kaya dapat magrelax ka din. What do you think?" " Sure baby. Gusto ko din masolo ka. Gusto ko mag unwind kasama ka." Sagot naman ni Maia sa kasintahan. " Gusto mo talaga ako masolo baby ah. Mukhang may iba kang gustong tukuyin sa pagsosolo na yan." "Baliw ka talaga. Umayos ka nga diyan. Nakakainis ka na eh. Ayusin ko tong polo mo". Sambit naman ni Maia na tinupi ang polo ni Vince para hindi naman sobrang pormal ang suot niya. "Sure na yun baby ha. Aalis tayo. I wanna spend more time with you alone." "Yes po. Huwag pong paulit-ulit." Sagot naman ni Maia na inayos ang kwelyo ng suot na longsleeve ng kasintahan. "Ang gwapo naman talaga ng baby ko. Pakiss nga." Hinapit naman ni Vince ang bewang ng kasintahan at binigyan ito ng halik na sinagot naman ni Maia ng marubdob na halik. Hinahabol nila ang kapwa hininga ng matapos ang halik na pinagsaluhan. "That was earth shattering kiss baby. I will go now baka hindi na ako makapagpigil." Sambit naman ni Vince at hinila na si Maia para maihatid siya sa baba. Humalik pa uli si Vince sa kasintahan bago sumakay sa kanyang sasakyan papunta sa bar kung saan sila magkikita ng mga barkada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD