Pumasok agad si Maia sa kwarto nila ni Vince pagkatapos niya mahatid ng tanaw ang papalayong sasakyan ng kasintahan. Naisipan niyang tingnan ang kanyang social media account. Matagal ng hindi niya ito nabubuksan. Nagulat siya ng nakita niyang naka-follow sa kanya si Vince. Tiningnan niya ang profile ng binata. Wala naman gaanong picture iyon. May friend request din ang kasintahan sa f*******: account niya kaya in-accept din niya iyon. Sa f*******: mas madaming pictures ang kasintahan dahil na rin sa naka tag dito. Hindi na muna niya inusisa iyon. Nagreply na muna siya sa mga message ng barkada niya na hindi na daw siya nagpaparamdam. Nagkachat pa sila ng barkada niya noong college. Nasa bar daw ito at may ikukwento sa kanya.
"Hi Sissy." Chat sa kanya ni Sheila sa kanya.
"Yes sissy. Kamusta na?" Sagot naman ni Maia.
"I'm good. Look who's here in the bar?" Sagot naman ni Sheila na isa sa mga naging kaibigan niya noong nag-aaral pa siya.
"Who was it?" Tanong naman ni Maia. Natutuwa ang dalaga na may kakwentuhan siya habang wala si Vince.
"Your ex, Vince is here with some friends. Hindi na ata niya ako naalala. Hindi naman ako lumapit kahit kilala ko siya. Madami siyang kasama. May mga girls din pero hindi ko pa sure kung may date siya."
Biglang nainis si Maia sa nalaman sa kanyang kaibigan. Ang alam niya kasi puro lalaki ang mga kasama ni Vince sa lakad nito tapos malaman-laman niya may mga babae pala.
" Talaga. Masaya naman sila kaya hayaan mo na." Sagot na lang ni Maia pero parang gusto na niyang puntahan ang bar na iyon para makita mismo ng mata niya ang ginagawa ng kasintahan. Pero nagpigil naman siya at may tiwala siya kay Vince.
"Sis are you still there?" Tanong ni Sheila sa kanya ng hindi pa siya nagrereply.
"Yes I'm still here. Anyways. Thank you sis for still remembering me. Just keep in touch." Reply naman ni Maia.
"You too. Salamat at nagparamdam ka din. Kita na lang tayo some other time."
"Ok Sissy. Ingat at don't drink too much."
"Ok Sissy. Bye." Sagot naman ni Sheila na hindi na nireplayan ni Maia.
Naiinis na siya sa nalaman sa kaibigan. Binalikan niya ang sss account ni Vince ng may nag tag sa kasintahan ng picture nila sa bar. May caption na get together with some friends. Tiningnan ni Maia ang picture at nakangiti nga ang boyfriend niya doon habang may hawak na alak. May katabi itong babae. Group picture naman iyon kaya hindi na pinansin ni Maia. May sumunod pa nga lang na picture na kinausok ng ilong ni Maia. Parang stolen shot iyon na mag bumubulong kay Vince habang nakangiti ito. May naka-caption din na reminiscing the past. Nainis lalo si Maia dahil sa caption. Baka isa ito sa mga naging ex ng kasintahan. Hindi niya napigilan ang mag comment sa picture na iyon sa niya. "nice" iyon ang naging comment ni Maia. At marami ng sumunod na mga comment dahil sa maikling komento niya.
Nag log out na lang sa social media account niya.
Naramdaman naman ni Maia na parang may humahalik sa pisngi niya kaya napamulat siya ng mata at tiningnan ang oras sa alarm clock na nasa bedside table.
"O baby bakit andito ka na agad. Ang aga naman natapos ang bonding ninyo." Takang tanong ni Maia kay Vincent.
Lumapit pa lalo si Vince sa kasintahan at nagsumiksik sa leeg nito na pinagtaka naman ni Maia.
"Baby I'm sorry. Huwag kang maniwala sa comment sa f*******: ko. Hindi totoo yun. Please baby forgive me. Natakot ako sa comment mo na nice. Parang galit ka na agad kaya umuwi na ako baka pagdating ko dito sa bahay iniwan mo na ako. Hindi ko kakayanin yun baby. I suffered a lot nung iniwan mo ako kaya sisiguraduhin ko na hindi mo na ako iiwan. Iiwasan ko na ang mga babaeng napaugnay sa akin. I wanna focus myself on you. Please baby talk to me." Mahabang paliwanag ni Vince.
"Baby wala naman akong sinasabi ah. Nagcomment lang ako ng nice kasi akala ko kayong mga lalaki lang ang magkikita. Yun pala may kasama palang mga babae."
"Hindi ko nga din lubos maisip kung bakit may kasamang mga babae doon". Sagot naman ni Vince pero nasa leeg pa rin ni Maia ang mukha nito.
"It's ok. Ang mahalaga dito ka na. Gutom ka ba? Ipaghahain kita."
"Ang sweet naman ng baby ko. I'm full baby. I just wanna cuddle you like this."
"Magbihis ka na muna para maging komportable ka". Pag-uutos naman ni Maia dito kaya tumayo na si Vince pero ninakawan muna ng halik ang nobya.
"Your not mad baby?" Pangungulit na tanong ni Vince dito.
"Hindi nga baby. Mas magagalit ako kapag hindi ka pa nagbihis. Naaamoy ko ang babae na katabi mo sa damit mo at I don't wanna be near you dahil sa amoy na yan." Pagtataray naman ni Maia kaya inamoy bigla ni Vince ang kanyang damit at bigla na lang pumasok sa banyo.
Narinig na lang ni Maia ang lagaslas ng tubig sa shower kaya napangiti siya ng maalala ang mukha ng kasintahan ng sinabi niyang naamoy ang pabango ng babaeng katabi sa bar.
Napalingon si Maia sa banyo ng makitang lumabas ang kasintahan na may guilt sa mukha at lumapit sa kanya.
"Baby wala na ba ang amoy". Tanong nito kay Maia at lumapit sa kasintahan para ipaamoy ang katawan nito.
"Yeah. Ang bango na ng baby ko. Magbihis ka na para mayakap na kita." Pag-uutos niya dito pero imbes na sundin ang kasintahan, lumapit pa lalo si Vince sa dalaga at hinalikan ng mariin sa labi nito.
"I'm sorry baby. Hindi ko na kasi mapigilan ang paglapit niya sa akin kaya hindi ko na siya maitulak dahil nagkasiksikan na para sa lintik na litratong yun."
"Watch your mouth baby. Tapos na yun. Just be careful next time. Alam ko na madami kang babae dati kaya sana iwasan mo ng makita ko ang mga post na ganyan. Baka pag-uwi mo wala ka ng magandang mapapangasawa."
"That will never happen babe. Hahanapin kita kahit saan ka man magtago."
"Kaya nga magbihis ka na baby. I wanna cuddle you to sleep."
"Baby I have better idea." Nakangisi namang sambit ni Vince at kinubabawan na si Maia na kinatili naman nito.