Nagising kinabukasan si Maia na may humahalik sa kanya.
"Baby ang aga mo naman maglandi. Hindi pa nga ako naliligo eh."
"It's ok baby. Kahit naman hindi ka pa maligo I'm willing to snuggle you."
"Heh. Magtigil ka diyan. Banyo muna ako. I'm hungry too baby. Gusto ko na kumain."
"Me too baby. Baba na ako para mghanda ng almusal natin. Love you."
"Love you too baby". Sagot naman ni Maia at pumasok na sa banyo.
Pagkaligo ni Maia ay bumaba na din siya at talagang gutom na siya.
"Baby ready na ang breakfast natin." Nakangiting bungad ni Vince sa kasintahan.
"Wow mukhang ang sarap naman ng luto mo baby." Palatak ni Maia.
"Anong mukhang masarap. Masarap talaga to baby. Pinaghirapan ko itong lutuin baby eh."
"Oo na. Ito naman hindi na mabiro. Alam ko naman na masarap ka magluto eh." Sambit ni Maia kay Vince at hinalikan ito ng mabilis sa labi.
"Baby mukhang may nais ka ipahiwatig ah." Saad ni Vince ng hinalikan siya ni Maia.
"Wala baby. Gusto lang kitang nakawan ng halik." Natatawang sagot ni Maia.
"Talaga lang ha. By the way baby. You want to go with me sa office today then mamimili na tayo ng mga gamit para sa bakasyon natin."
"That is a nice idea baby. May kailangan din akong bilhin talaga."
"That's good. May meeting din ako ng 10am. You can stay in my office when I'm in a meeting then mag lunch tayo outside."
"Baka naman pinapataba mo ako baby ah."
"Gusto ko lang na magkalaman ka para mas masarap yakapin."
"So ayaw mo sa katawan ko?" Kunyaring naiinis na sambit ni Maia.
"Hindi naman ganun ang ibig ko sabihin baby eh." Natatarantang saad ni Vince at lumapit na kay Maia para yakapin ito.
"Eh parang iyan ang gusto mo palabasin eh." Pinaninindigan na ni Maia ang pagkairita niya kasi ang cute ni Vince kapag nagpapaawa.
"Baby naman eh. I'm sorry kung yun ang tingin mo pero hindi talaga."
"Hindi na niya mapigilan ang kanyang tawa kaya yumakap na siya dito para aluin ang kasintahan."
"Baby hindi ka galit sa akin?" Takang tanong ni Vince kay Maia.
"Hindi. I just found you cute." Nakangiting sagot naman ni Maia.
"Akala ko naman galit ka sa akin. Ayaw ko lang na nagagalit ka sa akin at in the end iiwan mo na naman ako." Nagtatampo ng saad ni Vince.
"Wow nagdadrama ka na naman. Mag-ayos na tayo para makaalis na. I wanna spend more time with my matampuhing baby."
Niyakap naman ni Vince si Maia bago ito maligo para pumasok sa trabaho at isasama niya ang kasintahan.
Pagkatapos maligo ni Vince ay naligo na din si Maia.
Umalis na sila patungo sa kompanya nila Vince.
Pagdating sa kompanya ni Vince deretso na sila sa opisina nito.
"Do you need anything baby? Gutom ka ba? Meron naman ako pagkain na nakastock sa pantry if you want. I just a meeting first then alis na tayo para mamili."
"I'm ok baby. I'll just used your laptop para manood ng Netflix."
"Ok baby. Tawagin mo lang ang secretary ko if you need anything. Hindi ko naman siya isasama sa meeting."
"Don't bother baby. I'm ok. Go ahead. I love you."
"I love you more baby. See you later." Sambit na lang ni Vince at humalik na sa kasintahan bago lumabas ng opisina para umattend ng meeting.
Habang inaantay ni Maia si Vince ay nanood muna siya ng movie sa laptop ng kasintahan. Nagulat siya ng makitang siya ang wall paper sa laptop nito at parang matagal na niyang picture iyon. Way back college days pa. Napangiti na lang siya.
Nagutom si Maia kaya nagpasama na lang siya sa secretary ni Vince na kumuha ng pagkain sa pantry ng binata. Nakita niyang may cookies doon at naisipan niya din magkape. Nagtimpla na siya ng kape at kumuha ng cookies. May nakita din siyang chocolate na paborito niya kaya kumuha na din siya at inalok din ang secretary ng kasintahan pero tinanggihan naman nito at busog pa daw.
Napasarap ng panonood si Maia at hindi niya namalayan na nakaidlip na din siya.
Napangiti si Vince ng pumasok siya sa loob ng opisina at nadatnang natutulog si Maia. Hindi niya maiwasang ang kuhanan ito ng litrato.
"Baby I'm here." Bulong ni Vince sa kasintahan matapos niya itong kuhanan ng litrato.
Napabalikwas naman si Maia ng maramdaman ang halik sa kanyang pisngi.
"I'm sorry I slept." Nahihiyang sambit niya kay Vince at pasimpleng pinunasan ang bibig at baka may tumulo ng laway ng hindi niya namamalayan.
"It's ok baby. Ang sarap nga ng tulog mo. So paano alis na tayo? Kain na muna tayo bago tayo mamili." Pagyaya na ni Vince sa kasintahan.
"Sige baby tara na." Pagsang-ayon naman ni Maia.
Magkahawak kamay silang umalis sa opisina ni Vince.
Pagdating nila sa mall ay naglibot sila para makahanap ng resto na hindi pa nila nakakainan kahit noobf college days pa nila.
"Baby I think I found a right resto." Sambit naman ni Vince at itinuro ang isang resto na maganda ang ambiance.
"So nice baby. Tara." Gutom na din ako. Sambit naman ni Maia at hinila na ang kamay ni Vince.
Mga bago sa panlasa nila ang inorder ng magkasintahan at pareho nilang nagustuhan ang mga pagkain. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ng biglang may yumapos kay Vince na kinagulat ng dalawa.
"Hi handsome." Sambit ng babae na kinagulat naman ni Vince kasi hindi niya ito matandaan.
"Who are you? Please huwag ka makulit. Hindi kita kilala. Can't you see I'm with my fiancee." Naiinis na saad ni Vince sa babae kasi hindi naman niya talaga ito maalala.
"Napakadali mo namang lumimot. I was in a bar years ago. Matagal na kitang hinanap and finally I found you."
"Sorry miss pero hindi kita matandaan. At kung maalala man kita, that was years ago at masaya na ako ngayon. Huwag kang manggulo". Inis pa ring sambit ni Vince at tumingin kay Maia na nakataas na ang kilay.
"Can't you hear it miss. Hindi ka kilala ng mapapangasawa ko so if I were you lumayas ka sa harap namin at baka hindi kita matantya." Nabubuwisit na sambit ni Maia.
"Opps, my bad. Kasama mo pala ang kasintahan. Oh well I leave the two of you for now. Siguro naman maalala mo ako handsome. Kung paano ka lumigaya sa piling ko." Sambit pa ng babae at humalik pa sa pisngi ni Vince at dali-dali ng umalis sa resto na kinakainan ng magkasintahan.