Nawalan na ng gana si Maia kaya hindi na tinapos ang pagkain nila ni Vince. Nagyaya na itong mamili ng kakailanganin nila para makauwi na din. Hindu alam ni Vince paano susuyuin si Maia dahil na rin sa babaeng sumira ng date nilang dalawa.
"Baby hindi ko talaga kilala yung babaeng yun. Kung may namagitan man sa amin, wala na yun. It's all in the past. Ikaw na ang kasalukuyan at hinaharap ko baby. I'm sorry for the scene with that girl. Please kausapin mo naman ako." Sambit pa ni Vince at hinawakan pa si Maia sa braso na pumiksi naman.
"Huwag ka munang humawak sa akin at nasa katawan mo pa ang kamandag ng babaeng yun". Pairap na saad ni Maia.
"Sorry baby." Sagot na lang ni Vince at sinusundan na lang si Maia. Ayaw na muna niyang makipagtalo sa kasintahan kasi alam niyang mainit ang ulo nito.
Samantala todo ngiti si Natasha ang isa sa mga naging fling ni Vince ng college days nila dahil sa inutusan niyang babae. Binayaran niya ito para magkunwaring naging isa sa mga babae ni Vince dati.
"Mahusay ka talaga sa pag-arte". Sambit niya sa babae at binigay na ang sobre na naglalaman ng perang pambayad sa panggugulo nito sa magkasintahan sa resto.
"Paano pa't naging extra ako sa mga palabas sa TV dibah. Hindi naman kalakihan ang sweldo pero mas kumikita ako kapag ganito na ang usapan". Sagot naman ng babae.
"Maaasahan talaga kita. So paano, kokontakin na lang kita para sa susunod na pagpapanggap mo. Naeexcite na ako sa magiging katapusan ng love story nila kapag nagtagumpay tayo. Ang tagumpay mo ay magiging tagumpay ko rin kung sakali. Sobrang sakit ang ginawa sa akin ni Vince at nararapat lang sa kanya ang masaktan din lalo na't alam kung mahal na mahal niya si Maia."
" Kilala mo pala talaga sila ma'am?" Pag-uusisa ng babae kay Natasha.
" Oo naman. I was one of the flings of Vince before she meet Maia. Si Maia ang dahilan ng pagkabigo ko. Akala ko dati ay magiging akin na ng tuluyan si Vince pero nagkamali ako. Naging kasintahan niya si Maia at doon na umiikot ang mundo niya. Akala ko magiging masaya ako ng maghiwalay sila at hindi na nagpakita pa si Maia pero mali pala ako at ngayon ikakasal na nila. Well yun ang akala nila. Hindi sila magiging masaya. Ikaw ang tutulong sa akin para isakatuparan ang plano ko. Kung hindi mapapasaakin si Vince puwes hindi rin siya mapupunta kay Maia. Hindi sila magiging maligaya." Saad ni Natasha at nagpaalam na kay Vivian ang babaeng pinagpanggap niyang naging fling ni Vince.
Ayaw man gawin ni Vivian ang pinapagawa ni Natasha sa kanya pero wala naman siyang pagpipilian dahil hindi naman sila mayaman. Tumutulong pa siya sa mga magulang niya. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral pero hanggang second year college lang ang natapos niya.
"Pasensya na Maia at Vince pero kailangan Kong gawin ito."Saad na lang ni Vivian at umuwi na para makabili na din ng kakailanganin nila sa bahay.
Balak niyang mamalengke para makabili ng uulamin nila. Namamahalan siya sa mga bilihin sa supermarket kahit na malaki naman ang ibinayad sa kanya. Balak niya kasing makapagpatayo ng maliit na sari-sari store sa harap ng bahay nila para may pagkakakitaan naman silang mag-anak. Pinag-aaral din niya ang kapatid kaya itatabi niya din ang ibang pera para doon.
Nakabili na ng mga gagamitin sa bakasyon nila sina Maia at Vince kaya nagyaya na ang dalagang umuwi.
"Baby galit ka pa rin ba sa akin." Sambit naman ni Vince ng nakasakay na sila sa kotse.
"Heh, huwag mo muna akong kausapin at naiinis pa ako sayo. Huwag ka muna magsalita at mainit ang ulo ko."
"Sorry baby." Sambit na lang ni Vince at nagmaneho na pauwi.
Naiinis pa rin si Maia sa ginawa ng ka-fling ni Vince sa resto. Nakokonsensya naman siya sa pag-iwas kay Vince pero hindi naman niya nais gawin iyon. Sobra lang talaga siya magselos. Hindi niya maiwasan ang masaktan kahit matagal ng nangyari. Hindi niya lubos maisip na madami ng babaeng dumaan sa buhay ng nobyo.
Tahimik silang pumasok ng bahay ng dumating sila. Kinuha ng kasambahay nila ang mga pinamili at inakyat sa kwarto.
"Baby I'm sorry." Patuloy na paghingi ng tawad ni Vince kay Maia.
"Maligo ka na muna bago ka yumakap sa akin kasi andiyan pa sa katawan mo ang kamandag ng babaeng iyon. Habang iniisip ko yun kumukulo ang dugo ko kaya kuskusin mong maige ang balat mo." Saad ni Maia.
Nakitaan ng magandang senyales si Vince na papansinin na siya ni Maia kaya dali-dali na siyang umakyat para maligo. Kinuskos niyang maige ang balat niya at sinabon ng paulit-ulit. Nag toothbrush din siya ng ilang beses. Nagtagal talaga siya sa banyo para masigurong malinis na siya bago mayakap si Maia.
Pumasok na din sa kwarto si Maia at inaantay na lang si Vince na matapos sa paliligo. Nakokonsensya na din siya sa paghingi ng sorry nito sa kanya. Makikipag-ayos naman talaga siya sa kasintahan. Nais lang niyang maligo muna ito para mawala sa isip niya ang pagdikit sa balat nito ng makating babaeng iyon.
Paglabas ni Vince sa banyo nakita niyang nakaupo Maia malapit sa dresser mirror. Inaabangan talaga nito ang paglabas niya sa banyo.
"Sure na bang nagkuskos ka ng mabuti?" Parang terror na teacher na tanong ni Maia sa kasintahan.
"Yes baby. Nakailang beses akong nagsabon at ginamit ko pa ang pang scrub mo para tanggal talaga ang pagdikit ng babaeng yun sa katawan ko." Sagot naman ni Vince na nagpapacute na sa kasintahan.
"Sure. Halika dito. Paamoy ako." Sambit ni Maia pero ang totoo nun gusto na niyang mayakap si Vince ng mahigpit. Ayaw naman niyang may hindi sila pagkakaunawaan.
Nagmamadali namang lumapit si Vince sa kasintahan.
"Ito baby oh". Saad ni Vince at pinaamoy ang balat kay Maia.
Inamoy naman kunyari ni Maia si Vince.
Bigla naman niyakap ni Maia si Vince at nagulat ang binata sa ginawa nito.
"Baby I'm sorry. I was just jealous of that girl." Naiiyak na sambit nito habang nakayupyup sa dibdib ng kasintahan.
"It's ok baby. Ako nga ang dapat mag sorry. Sadyang lapitin lang ako ng mga babae pero sa ngayon wala na silang lahat. Ikaw lang ang tanging laman ng puso ko."
"I love you baby." Sambit ni Maia ng humarap siya kay Vince.
"I love you too baby". Sagot naman ni Vince at hinalikan na si Maia na nagpaubaya naman ng buong puso.