KABANATA 39

1046 Words
"Baby good morning." Masayang bati ni Maia kay Vince ng pababa na ito ng hagdan. "Good morning too baby". Sagot naman ni Vince at humalik pa sa labi ng kasintahan. "Bakit hindi ka pa nakabihis?" Takang tanong ni Maia sa kasintahan. "Wala naman akong meeting today at bukas pa iyon kaya I wanna spend this whole day with my soon to be wife." Pakindat na sagot ni Vince na kinapula ng pisngi ni Maia. "Baby baka nagiging bad influence na ako sayo ha. Hindi ka na nakakapasok sa trabaho dahil sa gusto mo akong kasama lagi. Umalis na kaya ako dito para makaconcentrate ka sa trabaho." "Huwag na huwag mong gagawin yan baby. Lalo akong hindi magtatrabaho kasi hahanapin kita. Susundan kita saan ka man mapunta." Sagot naman ni Vince at niyakap na si Maia mula likod. "Napaka clingy naman ng boyfriend ko." "Correction baby. Mapapangasawa." Sambit naman ni Vince. "Ok sabi mo eh. Napaka clingy naman ng mapapangasawa ko". Pagsunod naman ni Maia sa sinabi ni Vince. "Much better baby." Nakangiting tugon naman ni Vince. Naging masaya ang agahan ng magkasintahan dahil alagang-alaga ni Vince si Maia. "Pinapataba mo ata ako baby eh. Ang dami ko ng nakain pero naglalagay ka pa rin ng pagkain sa plato ko." Kunwaring naiinis na saad ni Maia pero kinikilig talaga siya sa pag-aalaga ni Vince sa kanya. "Gusto ko lang na magkalaman ka baby. Masyado kang payat. Mas maganda naman yakapin ang medyo malaman." "Sabi mo eh. So ano ang gagawin natin today since hindi ka naman papasok sa trabaho." "Uhmmm. Since maganda ang panahon, why don't we go for a swim. Matagal na din ako hindi nakapagswimming sa pool natin. Hindi na nagagamit." Sagot naman ni Vince. "That's a good idea. Gusto ko din magswimming. Noong isang araw ko pa gustong gawin sana yan. Nahihiya lang ako magsabi sayo." "Nahihiya ka pa talaga sa akin baby eh magiging asawa naman na kita. No need for my approval kapag gusto mo magswimming. You can use all the facilities in our house. Atin naman kasi ito diba. This is our house baby, not mine alone." "Ang bait naman ng baby ko." "Opps baka may idugtong ka pa. Ayaw ko pang kunin ako ni Lord ha. Wala pa tayong anak." Natatawang sambit ni Vince na kinapula ng mukha ni Maia. "Ikaw talaga baby. So can we go to swim after natin magpababa ng kinain baby?" Tanong ni Maia sa kasintahan. "Yes baby. I just have to make some calls for a while". Paalam ni Vince sa dalaga at pumunta muna sa library ng bahay na nagsisilbi na ding opisina nito kapag work from home ang kasintahan. Umakyat na din sa kwarto nila si Maia pagkatapos nitong iligpit ang pinagkainan nila. Balak pa sana niyang hugasan ang pinagkainan pero pinigilan siya ng kasambahay at hindi na daw niya gawain iyon. Pumili ng maisusuot si Maia at napili niyang isang two piece swim suit na kulay pula. Lalo itong nagpatingkad sa kanyang kulay at na-enhance ang kurba ng kanyang katawan. Takaw pansin din ang dibdib niya na cup c. Kahit naman payat siya ang maipagmamalaki niya ang dibdib. Nagsuot na muna siya ng roba para patungan ang suot na swim suit. Gusto din niyang magpahanda ng kutkutin nila ni Vince habang nagsiswimming sila para hindi sila gutumin. Naiiling na lang sa sarili si Maia dahil natututunan na niyang kumain ng madami para magkalaman siya. "Manang pahanda naman kami ng makakain sa pool". Maliligo po kami ni Vince. "Sige ma'am. Maghahanda po ako. Dadalhin ko na lang sa pool po pagkatapos." "Salamat manang. Si Vince po ba nasa pool na? " "Wala pa ma'am. Nasa library pa po." Sagot ng kasambahay kay Maia. "Sige po. Mauuna na po ako sa pool." Sagot naman ni Maia. Pagkatapos ni Vince makipag-usap sa isang investor ay umakyat na siya sa taas para makapagbihis. Hindi na niya naabutan sa kwarto si Maia kaya sigurado siyang nasa pool na iyon. Bumaba na din si Vince pagkatapos niya magbihis at deretso na siya sa pool. Nakita niyang nakaupo pa si Maia sa lounge chair na nandoon. Nakaroba pa din ito. "Hi baby. Sorry to keep you waiting. I'm just talking with a potential investor." Bungad niya kay Maia na lumingon naman sa kanya. "It's ok. Hindi pa naman ako matagal dito. Nagpahanda na din ako ng makakain sa kasambahay natin para may makakain tayo kapag nagutom." "That's great baby. Gusto ko talaga na magkalaman ka." "Hindi ba ako sexy para sayo." Sambit ni Maia na tinanggal na ang roba na nakatakip sa suot niyang swim suit. Napalunok si Vince sa katawan ni Maia na nakatambad sa kanya. Bigla na lang uminit ang kanyang pakiramdam. "Baby you are so damn sexy." Sambit na lang ni Vince at tumalon na pool para maibsan ang init sa kanyang pakiramdam. Nagulat naman si Maia sa biglang pagtalon ni Vince sa pool ng hinubad niya ang roba. "Baby bakit hindi mo naman ako inintay?" Nakapamewang na tanong Maia sa kasintahan. "Masyado kang hot baby kaya tumalon na ako para kumalma ang katawan ko." Sagot na labg ni Vince sa dalaga. "Tara na baby. Ang sarap ng tubig." "Ok." Sagot naman ni Maia at nag dive na din sa pool. Nagpaligsahan na ang dalawa sa paglangoy sa pool. Nadala na din ang pagkain nila at drinks kaya umahon sila sandali para kumain. "Baby are you excited with our vacation?" Tanong kapagdaka ni Vince kay Maia pagkatapos nitong uminom ng mango juice. "Yes baby. Excited ako na masolo ka." Natatawang sambit ni Maia. "Masolo eh hindi nga ako maka score sayo dito pa lang sa bahay". Sagot naman ni Vince. "Ang bad mo baby". Saad naman ni Maia at hinampas nito si Vince na umilag naman. "Biro lang baby. I respect you at handa naman ako mag-antay kung kelan ka ready sa love making natin." Namumula naman si Maia sa pag-iisip na magsosolo nga silang dalawa ni Vince sa bakasyon nilang iyon. "You're blushing baby". Turan ni Vince sa dalaga at lumapit na dito para yakapin ang dalaga. "I wanna hug you forever baby. Sana walang makapagpabago ng damdamin mo sa akin kahit anong mangyari." "Basta wala kang gawing masama wala tayong magiging problema." Sagot naman ni Maia at nagsumiksik na ito sa dibdib ng kasintahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD